Mga Pahina

Translate

Translate

Translate

Sabado, Abril 30, 2016

Argumento Plus 'Limandaang Piso'

Ang tunay na bias daw ay yung mga naniniwala sa iisang kandidato lamang at hindi na pinakikinggan ang iba.

At some point legit. Pero gaya nga ng sabi ko dati, may factors kung bakit hindi na pinapakinggan ang isang trapo, parang MORAL INTEGRITY.

For example, maraming nagsasabing on point daw yung isa run, na itatago nalang natin sa pangalan 'Roxy'. Pero kamakailan lang e naghakot ng mga batang botante na may perang kapalit. At hindi lang ito ngayon nangyayare. Simula bata ako hanggang ngayon, talamak naman talaga ang vote buying, lalo na sa slums at rural areas.

Ewan ko bakit di alam/nakikita nung iba. Baka nga mga taong bahay o taong kwarto na walang societal affairs. Nga naman, makikinig ka sa 'sound arguments' kasi matalino raw. Disente raw. Pero since wala kang alam, akala mo may alam ka.
 Kaya maraming broken hearted eh. Past time niyo na ba ma-fall sa mga words?!

BAKIT MO PA PAPAKINGGAN KUNG HAYAGAN KA NANG BINIBILI?! Nakaka-beastmode ang "reasoning". Kung mukha kang cool at matalino dahil lang nakasandal ka FULLY sa speech at discourse, edi ako na ang pinaka-baduy na bobong indibidwal.

And afterall, final stage naman talaga ng pagiging botante ang kumampi sa certain na tao diba? Anong pinuputok ng butsi neto? Ang media ang hindi dapat kumakampi!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento