Mga Pahina

Translate

Translate

Translate

Martes, Mayo 31, 2016

Last Blogger Post

ATTENTION

To all of the Mga Awit Ng Isang Mananayaw readers, thank you for bearing with my seemingly useless, random words all this time around! I am very much aware of my flaws (sana) as a blog operator/writer, yet you're still able to read at this point. I would like to express my apologies to all of the disappointed souls out there who have wasted their time checking this site. I had tons of fun though! Thank you for the experience!

Please be notified that the continuation of pepaypinas.blogspot.com will be transferred to WordPress. But I'm glad to tell you that the contents of this blog will stay as accessible as ever. I'm still the one managing this account, and I hope Google will understand. :'( Haha!

Honestly, I'm not sure if my English are all correct, but nahh. Kita-kits nalang sa WordPress walangya! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

God bless everyone!

-Pepay :)

Sabado, Abril 30, 2016

Argumento Plus 'Limandaang Piso'

Ang tunay na bias daw ay yung mga naniniwala sa iisang kandidato lamang at hindi na pinakikinggan ang iba.

At some point legit. Pero gaya nga ng sabi ko dati, may factors kung bakit hindi na pinapakinggan ang isang trapo, parang MORAL INTEGRITY.

For example, maraming nagsasabing on point daw yung isa run, na itatago nalang natin sa pangalan 'Roxy'. Pero kamakailan lang e naghakot ng mga batang botante na may perang kapalit. At hindi lang ito ngayon nangyayare. Simula bata ako hanggang ngayon, talamak naman talaga ang vote buying, lalo na sa slums at rural areas.

Ewan ko bakit di alam/nakikita nung iba. Baka nga mga taong bahay o taong kwarto na walang societal affairs. Nga naman, makikinig ka sa 'sound arguments' kasi matalino raw. Disente raw. Pero since wala kang alam, akala mo may alam ka.
 Kaya maraming broken hearted eh. Past time niyo na ba ma-fall sa mga words?!

BAKIT MO PA PAPAKINGGAN KUNG HAYAGAN KA NANG BINIBILI?! Nakaka-beastmode ang "reasoning". Kung mukha kang cool at matalino dahil lang nakasandal ka FULLY sa speech at discourse, edi ako na ang pinaka-baduy na bobong indibidwal.

And afterall, final stage naman talaga ng pagiging botante ang kumampi sa certain na tao diba? Anong pinuputok ng butsi neto? Ang media ang hindi dapat kumakampi!!!

Sabado, Abril 16, 2016

Buhay Siya at nakikipag-usap!

Communication is always a two-way process. Through a prayer, you can send messages to the Lord. Pero paano mo malalaman yung messages Niya sayo kung hindi mo naman tinatanggap? That's how the Bible actually works. Ang prayer ang phone mo. Bible naman ang phone Niya para maka-konek sayo.

Saka saan ka nakahanap ng relasyon na nag-work nang walang matinong communication? Ikaw ba masusunod sa buhay mo? Kung totoo kang 'believer', submit to Him, not to your self. Baka naman kasi earthly desire nalang ang 'service' mo kaya walang growth. Kesyo masaya. Kesyo maraming friends. Kesyo convenient sayo. Kesyo may spotlight ka and you're aiming for a position. At marami pang iba.

Christianity isn't about religion. 😂 Walang pake ang Diyos sa maling beliefs mo na pauso lang ng tao, ginamit para manakop, binase sa paganong kultura, binalot ng puting tela para hindi halata. May paki siya sa relasyon natin sa Kanya. Christianity is all about our relationship to Him, keeping His commandments (hindi utos ng tao), and actually living a changed life with Him.

Walang perpektong tao pramis (lalo na ako huhu). Kaya wag kang matakot magbago o dumiskubre. Go AGAINST the flow! Mahirap maging Kristiyano men. Pine-persecute, sinasabihan ng kung anu-ano, hinuhusgahan ng mundong patuloy na nilalamon ng 'trends' and such. Choice mo nalang kung gusto mong magpa-agos. Meron kang 'free will'. Pero kung naniniwala ka talaga sa Kanya, alam mong mayroon ding 'God's Will'. :)

Umpisahan mo sa maliit na librong matagal nang balot ng alikabok diyan sa bahay mo. Anak ng tokwa! Ang Holy Spirit, ang Word, nilagay na sa readable format, may app pa nga eh! Hindi mo na kailangang umiyak sa puno o rebulto at mag-antay ng reply! Wag kang matakot isilang muli. Sabay-sabay tayong mamumuhay sa katotohanan! Mas masarap makipag-relasyon sa buhay at nakikipag-usap! :D

Martes, Enero 26, 2016

Minding the Mining: PNoy to continue working with ‘gold-diggers’

President Aquino supports mining companies as he asked them on Wednesday to continue working with the government in order to a mining industry which is “sustainable, inclusive, and profitable.”

In his speech during the Presidential Mineral Industry Environmental (PMIE) Awards ceremony in Malacanang, Aquino emphasized the need for a more stable communication and cooperation of the public and private sectors to achieve the full potential of the country’s mining industry.

In the midst of too many environmental abuse reports and studies caused by the corporate mining in the Philippines (one of which is that mining is one of the main reasons of calamity casualties), human rights abuse and alleged ‘ethnocide’ to the lumads in Mindanao, and many more mining-related problems, the Palace still decides to support the mining industry. In fact, in contrast to all of the cons stated, the Presidential Mineral Industry Environmental (PMIE) Awards were held to honor exemplar mining companies for sustainable and environment-friendly services.

Why not? Most people know that the Philippines is one of the richest countries in terms of mineral resources. Specifically, the country is the fifth most rich in the world for gold, nickel, copper, and chromite—home to the largest copper-gold deposit in the world. Also, mining has created 211,000 jobs in 2011 alone, doubling the figures since 2006.

The only problem is that the government spends more time in talking beautifully in speeches than actually putting some actions. If only the government has the ability to secure proper connections and partnership with corporate mining corporations, then maybe there could be a controlled case of environmental and human rights abuse. In addition, we could benefit from our natural resources by utilizing it fully. In this scenario, both the country and corporations will grow.


But still, recognizing the good miners is a good step in this mining potential. This should be sustained until the government devise better projects according to this matter.

Lunes, Enero 11, 2016

Backward.. Ever?!

(c)flickr.com

Sa kahabaan ng Ramon Magsaysay Blvd. sa Sta. Mesa, kapansin-pansin ang kulay kahel na mga pader at footbridges na sumisimbolo sa gobyerno ng Maynila. Lilinawin ko lang, hindi yung tulay, kundi yung kulay kahel yung sinasabi kong simbolo nila ha. Kapansin-pansin, lalo na’t pagod ka o nabuburyang sa biyahe, mapapasigla ka kapag nabasa mo ang islogan na nakasulat hindi lamang sa mga tulay o pader, kundi sa iba’t-ibang parte ng kapital—“Forward Ever, Backward Never.”

Astig! Mas astig siguro kung exclamation point yung punctuation mark sa dulo, parang “Forward Ever, Backward Never!” O diba? Ang lakas maka-action film! Bagay lang sa capital ng Pilipinas.

Kung natatawa ka, mas matatawa (o mas maiinis) ka kapag nalaman mong ang islogan na ito ay hindi originally made by the orange ones. Noong 1992, may isang kanta si Jacob Miller na may kaparehong title, bukod pa sa iba't-ibang lugar o grupo na gumamit na ng henyong islogan na ito through ages (thanks, Google).

Kung napansin mo rin ito, apir! Pero kung sa tingin mo ay isa ka nang tunay na Hokage sa pagiging Matanglawin, malamang e magkasundo rin tayo sa mga ito:

Bukod sa obvious namang katalinuhan at kabutihan ng ating mga pinuno sa pagpili ng theme color at islogan nila, kapansin-pansin din ang mga pa-pogi ay este poging-poging pagmumukha nila sa laaht ng sulok ng bansa. Nakakita na ba kayo ng drowing ng ari ng lalaki sa mga poste? Upuan ng bus? Banyo? Siguro naman, oo. Pero aminin mo, mas marami, at ‘di hamak naman na mas malalaki, ang mga poster at tarpaulin na may pagmumukha ng kung sinu-sinong pulitiko kesa sa mga 2D replica ng mga lightsabers na iyon! Edi sila na ang may pera pang-pagawa ng tarpaulin! Kahit na baka nga pera talaga iyon ng nanay at tatay niyo.

“Happy Fiesta!” Pero mas malaki pa ang mukha ni konsehal kesa sa mismong message.

Sa ganitong panahon katulad ng eleksiyon, mas nabibigyang pansin ng mga pulitiko ang mga mukha nila para sa popularidad kesa sa tunay na mukhang dapat ay bida sa bansa—ang mukha ng kahirapan.

Biyernes, Nobyembre 27, 2015

In Your Eyes

Deep in your eyes I found my place. Deep in your heart I found my hope. I have thought in my life that I have seen all the colors. Until the day you taught me to love, it is so much an honor To be with the most extraordinary, The prettiest valentine in every February. Your charming sways and sweetest smiles Even the moon looks dim when your face shines Have I forgotten to tell you, Your eyes' sparkle under the night where there seems only me and you Yes, it is in your eyes that I felt love And it is your heart that I will love How I'm blessed to have a reason And be in love with my favorite person.

Linggo, Nobyembre 22, 2015

Para Sa Mga Ututin II

‘Bakit mo gustong sumali ng *toot*?’

Muling naibalik ang tanong na ito sa amin kama-kailan lang. Dalawang taon na ang lumipas mula noong una naming narinig ang salitang ito. At sa loob ng dalawang taon na iyon, marami na ang nangyari.

To cut the story short, marami na ang “nawala”. Yes, nilagyan ko ng quotation marks para mabigyan naman ng hustisya ang mga kanya-kanyang rason ng tao kung bakit nga ba sila dumistansiya na. Trip lang? Tinatamad? Strict ang parents? Other responsibilities? Pero kung ano pa man yan, isa lang ang sigurado—masakit. Aray ko bh3. Kulang na ang feeling. At sa ayaw naming o sa gusto, hindi na maibabalik yung mga dapat sana’y kumpletong journey namin together.

Naaalala ko pa noong mga oras na binibilang namin kung kumpleto kami o kung sino nalang ang kulang. Madalas noon, parating absent na si Epoy. Wala eh. Part time sa amin, full time chikboy. Joke. Dati, nakakatakot mawala sa bonding times at activities. You’ll definitely miss the fun! Hindi mo maririnig yung mga kwentuhan, hindi ka makakasali sa harutan, at hindi mo maaamoy si Timbang. Ah, si Timbang! Si Twinkle, I should say. Ang paborito kong kapatid! Wahaha (bias). Maaga palang din, medyo nawala na ang lola niyo. Hindi naman nawala, lumayo lang ng bahay. Mga bundok lang naman ang pagitan sa Manila. Ang masaklap pa neto, hindi mo naman maipipilit na mai-commit ang oras ng tao kahit na gusto niya, for some reasons. Idagdag pa natin, maaga rin humina ang signal namin sa magkapatid na Allan at Hannah. Family interventions. Well, hindi naman siguro intervention, normal na magulang lang na iniisip ang kapakanan ng anak. Most of the time, present parin naman si Allan hanggang sa one bar nalang din ang signal. Nasanay nalang kami. I mean, kulang oo. Pero naiintindihan naman naming na imposible na nga kami makumpleto ulit exept for very special occasions.

Bukod sa mga kapatid kong halimaw sa choir at matatalino, proud din ako kay Jen. Varsity siya ngayon ng PUP Women’s Volleyball Team. Mas nakaka-proud pa kasi ‘yun yung way niya para makapag-college. Kaya noong naging busy narin siya, hinayaan na namin. Nabawasan ng maingay saka mapanakit sa grupo. Ito na rin yung time na pasulput-sulpot nalang si Martin. Masaya naman ako kasi naghahanap siya ng paraan para magka-trabaho at magkaron ng kita. Sipag no? Kute ‘yan eh! May worker ka na, may clown ka pa! Kung ako presidente kukunin ko ‘yan.

Ito yung mga panahong marami-rami na rin kaming activity sa PYM. Medyo batak na yung mga natira. Tahaha. Batak sa uwiang madaling-araw. HAHAHA. Joke. Nakakatuwang isipin na sa kahit ganito ang sitwasyon, may mga oras pa rin na nakukumpleto kami. Rak siyempre! Saka mas nakakatabab ng puso na nilu-look up kami kahit papano ng iba kasi mas malakas pa sa Mightiest Bond ang pinagsama-samang utot namin. Masaya kasi kahit papano, alam kong matino ang mga kasama ko at nakakapag-bigay kami hindi lamang ng manpower kundi ng halimbawa sa pagsisilbi (sana). Kahit na may mga problema, sinusubukan naming maging in-touch sa mga iba. New blessings pero by this time, medyo hindi na rin ganoon ka-active ang isa pa naming bunso (na ka-edad ko lang naman talaga) na si Jojie. Pero siyempre, mas pinagbubutihan namin ang trabaho para maging gabay ng mga bata. Kaming mga coordinator (Kuya Neil) at asst. coordinators (Kakay, ako) din ay nabigyan ng chance para mag-observe sa mga gawain ng isang officer. Sa basbas ng mga nasa taas, pinunan namin ang pwesto ng mga walang officers gaya ng Internal VP, Secretery, at Auditor. Kahit na may mga kumwestiyon, marami ang sumuporta kahit papano. Ang nostalgic pa nga noong pinasa na naming ang pwesto ng coordinators kina Archie at Deanne.

Naaalala ko noong wala pang appointment, Senakulo. Masaya ako kasi at last! Nagampanan ko na rin ang role bilang si Hesus. Isa ito sa mga pinaka hindi ko malilimutang moment. Kaso sa totoo lang, nakakapanghinayang na hindi kami kumpleeto this time. Going back last year, kumpleto kami sa Senakulo. Kung kelan ako yung gumanap, anak ng teteng! Sa mga ganitong time mo talaga mas ramdam yung kakulangan. Naaalala ko rin habang nag-uusap kami about this topic, nasabi sa akin ni Kingrey na “wag ka naman mawawala”. Nagbibiruan kami nun. Biro? Samantalang ngayon...


I am currently writing this part of the non-sense a few hours after 12am. At sa hinaba-haba ng pagre-reminisce ko, ramdam ko ang pagka-miss ka lahat. Sa oras ding mga ito, hindi lingid sa kaalaman nila na hindi na ako active member ng PYM. Or should I say, nagdesisyon na akong lumayo sa simbahang iyon. For some personal reasons na mahirap banggitin, umalis ako. Ang stupid no? Ako itong nag-oorganize at nalulungkot para sa mga nawala pero ako itong ‘nawawala’. I know what they feel, especially yung mga natitira sa amin. Masakit, lalo na’t mas matagal na yung pundasyon naming magkakasama. Malungkot, kasi alam kong nagkaroon sila ng hope sa akin kahit  konti. Although merong isang umamin na na-predict na niya na aalis din ako someday, kahit ako mismo, I didn’t saw this coming.  Alam niyo yung God’s will? I know, God is perfectly moving my life into its chapters. And faith is something I will defend forever. Sa ilang mga kadahilanan, umalis ako para i-save yung sarili kong koneksiyon kay God. In other words, mas pinili kong isakripisyo yung bond ko sa PYM para sa bond ko sa Diyos.

Selfish? Pwede niyo akong sabihan ng kung anu-ano. Anyway, alam ko namang mahirap intindihin. Pero sinusulat ko ito hindi para depensahan ang sarili ko, kundi para humingi ng tawad lalo na sa Jamtots. Sorry. Alam kong hindi pa sapat ang maraming salitang ito para mapalitan ang ka-gwapuhan ko sa mga puso niyo (Naks), pero hindi naman ako nawala. Andito parin ako, ready sa galaan at kainan. Tahaha. I may not bring back the past but our bonds will last forever. Sana. Sigurado, maapektuhan yung mga familiarity, pero sana hindi mawala yung mga pinagsamahan at mga pwesto natin sa puso ng isa’t-isa. Habang-buhay kong isasapuso lahat ng pinagsamahan natin at mga lessons na nakuha at makukuha ko sa inyo. Iba man tayo ng paniniwala, naniniwala akong hindi dapat magkaron ng permanent walls sa friendship nating lahat. TENfinity to mga bh3! Wooooohhh! Salamat sa lahat!

Yung sagot ko two years ago sa tanong kung bakit ako sumali, most likely hindi talaga ‘yun bukal sa puso fully. Basta gusto ko lang sumali, honestly. Pero never kong pagsisisihan ‘yun. God gave me you nga eh! Simula unang utot hanggang sa pag-alis ko at hanggang sa kung ano mang mangyari sa future, Jamtot ako sa puso ko!

May the good Lord bless you always! Love you ‘men!



Your hottest kapatid,

Papa Peps