(Read more at http://www.monologuearchive.com/i/ibsen_011.html#8fTxy8rBkOsfO7D7.99)
Musta mga tol? Gusto ko lang i-share itong napakagandang piyesang ito na mula sa orihinal na play na WHEN WE DEAD AWAKEN, likha ni Henrik Ibsen. Ito ay isang istorya tungkol sa muling pagkikita nila Prof. Rubek, isang tanyag na iskultor, at Irene, kanyang dating modelo (na kras na kras niya back then, pero na-torpe si koya kaya ni-let go niya </3). Ang monologong ito ay sumesentro sa pagmamakaawa ni Rubek para bumalik si Irene--hindi bilang isang modelo--kundi bilang isang partner sa buhay.
Relate ba mga tol? Lakas maka-hugot ng piyesa, kaya ito ang napili kong gamitin sa aming midterm examination kanina. Pinilit kong magbigay ng 100% performance pero naputol ang arte ko sa kalagitnaan ng pagdadrama ko. Tapos na kasi sa oras. Nakaka-frustrate. Yung feeling na wala pa ako sa climax eh! May mas maganda pa run! May kaya pa akong bigay! Pero ganun talaga, hindi mo na maibabalik ang tapos na..
Marami sa atin ang dumaraan at nakararanas nang mapaglaruan ng oras. Yung tipong masyadong mabilis, hindi mo namalayan na mawawala na pala. Yung dating akala mo kaya mong ibigay, hindi mo na magagawa kasi nga tapos na ang oras. Parang exam. Under time pressure tayo. Sa oras na ipapasa na ang papel, wala tayong magagawa kundi ibigay ito. Hindi na natin mabubura pa ang mga mali natin. At ang masaklap sa lahat, hindi na natin kayang punan pa ang mga pagkukulang natin.
Pero sa totoo lang, hindi naman talaga kasalanan ng oras. Sadyang hindi lang natin nagamit ng husto ang binigay sa ating chance. Hindi natin alam kung anong susunod na mangyayari bukas o mamaya, kaya mas lalo dapat nating ibinibigay ang lahat ng BEST na kaya nating ibigay--mapa-romantic aspect man 'yan o literal na examination. Kagaya ni Rubek, makakapag-makaawa tayo na ibalik yung dati, pero wala eh. Past is past dude. Iyak nalang.
Ang lesson dito? Walang forever! Mga letse kayo! Joke.
Salamat sa isa nanaman walang kwentang post. :)))
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento