7:17
May sapat na oras pa para magpahinga ang
pagod na katawan ni Janjan, ngunit hindi ang kanyang isip. Sa pagpatak ng alas
siete y media, muling hihinga ang bata. Handa na siya.
Karaniwang maaga dumarating sa eskwela
si Janjan, mas maaga kaysa sa ngayon. Tinapos pa kasi niya ang gatambak na
takda at proyekto galling sa mga major-major
niya. Binawi niya lang ilang minutong dapat sana’y nakalaan para sa paglalakad
ng mahabang distansiya mula bahay hanggang sa sakayan ng jeep. Kaya ngayo’y
napilitang gumastos ng pamasahe sa tricycle ang nagtitipid na bata para
makaabot sa klase.
May
ilang minuto pa.
Nakagawian na ni Janjan na maghanda para
sa pagsusulit sa twing magpapalitan lamang ng asignatura. Ang ilang minutong
ito ay makapagbubuklat na ng ilang pahina ng notebook, at kaya nang matitigan
ang mga makulay na pamagat ng mga
liksyon sa libro. Hindo mo siya masising hindi siya nag-aaral sa bahay. Maagang
umuwi sa bahay si Janjan kahapon. Inilaan ang ilang sandal sa pag-unat ng
katawan. Ngunit marami pa rin siyang iniisip. Mas mahirap mapagod ang utak
kaysa sa balikat. Ang bata ay inutusan pa ng kanyang inang kanina pa nakatingin
sa kanyang pag-uunat. Maaga matatapos ni Janjan ang gawain at magpapahinga. Ang
pahingang ito ay mauuwi sa tulog, hanggang sa dumating ang ama nito. Galit
nitong dadatnan ang nakahilatang anak. Sasabihing napakatamad niya at wala nang
naitulong sa bahay. Muling kikilos si Janjan. Hindi niya ipagtatanggol ang
sarili kahit na alam niyang wala siyang maling ginagawa. Ayaw niyang lumala pa
ang galit ng ama sa likod ng masasakit nitong paratang sa kanya. Mas mahirap
mapagod ang puso kaysa sa utak. Gayunpaman, kikip-kipin niya ito at isasawalang
bahala. Gabi na. Ang oras na ito ay siyang nakalaan para sa pagharap sa mga takdang
kanina pa dapat niya nagawa. Aabutin pa ito ng medaling-araw sa pag-gawa kung
minsan. Swerte kapag madali ang isang takda at pwede nalang niyang kopyahin sa
susunod na araw.
Gabi na pero nasa biyahe pa si Janjan.
Tinapos niya ang mga extrang gawain sa paaralan. Masaya siya habang iniisip ang
paglampas niya sa lahat ng pagsubok ngayong araw.
Magmamano. Ang masayang mukhang ito ay
pagdududahan ng mga magulang. “Ginabi ka
nanaman. Naglakwatsa ka no?”
“Hindi po,” buong lungkot na sasabihin
ng bata.
Ang
hirap ng pinagdaanan ko tapos iisipan niyo akong naglalakwatsa? Pinag-aral niyo
ako. Dapat ay handa kayong haraping ang kung ano rin naman ang hinaharap ko
bilang estudyante. Tanggapin niyo sana.
Gustong isigaw ng isip ni Janjan ang
sinasabi ng puso niya. Kaya nasa itaas ang utak ng tao, ay para makontrol ang
emosyon. Mas mahirap mapagod ang puso kapag pagod din ang utak.
10:23
Pagod na si Janjan, ngunit kailangan pa
niyang harapin ang mga major-major
niya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento