Ngayon,
ako’y nakatanggap ng isang regalo.
Kahapon
ay ang pinakamasayang panaginip ko,
Bukas,
ang pangarap ko’y palagi kang mayakap
At
sa piling mo’y makamtam ang aking mga pangarap.
Ngayon,
ako’y nakatanggap ng isang regalo.
Kahapon
lamang noong iyong patibukin ang aking puso.
Bukas
nama’y nais kong habangbuhay nang masulyapan
Ang
iyong mga mukhang sa aki’y nagpahina, ni hindi ako makalaban!
Ngayon,
ako’y nakatanggap ng isang regalo.
Kahapon
ay tinunaw ako ng iyong mga matang pinakamakislap sa mundo.
Bukas,
o bukas kung ikaw man ay darating,
Sa
kanyang titig, ayaw ko nang mahimbing!
Ngayon,
ako’y nakatanggap ng isang regalo.
Kahapon
ay nagdaaan ang pasko
Bukas
nama’y malapit na ang kaarawan ko
Salamat
o Diyos! Sa napakagandang regalo!
Ngayon,
ako’y nakatanggap ng isang regalo.
Kahapon
nang tayo’y magkatagpo
Bukas
nawa’y magkasama tayong magkaka-apo!
Pangako
ko sa’yo, pag-ibig kong ito’y buong-buo!
Ako’y
nakatanggap ng isang regalo!
Kaarawan
mo’y biyaya sa buhay ko!
Isa
nanamang taon ng saya, pagmamahal, at pagsuyo,
Isa
nanamang pagkakataong makasama ka, o Mahal ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento