![]() |
(c)flickr.com |
Sa kahabaan ng Ramon Magsaysay
Blvd. sa Sta. Mesa, kapansin-pansin ang kulay kahel na mga pader at footbridges
na sumisimbolo sa gobyerno ng Maynila. Lilinawin ko lang, hindi yung tulay,
kundi yung kulay kahel yung sinasabi kong simbolo nila ha. Kapansin-pansin,
lalo na’t pagod ka o nabuburyang sa biyahe, mapapasigla ka kapag nabasa mo ang
islogan na nakasulat hindi lamang sa mga tulay o pader, kundi sa iba’t-ibang
parte ng kapital—“Forward Ever, Backward Never.”
Astig! Mas astig siguro kung exclamation point yung punctuation mark sa dulo, parang “Forward
Ever, Backward Never!” O diba? Ang lakas maka-action film! Bagay lang sa
capital ng Pilipinas.
Kung natatawa ka, mas matatawa (o mas maiinis) ka kapag nalaman mong ang islogan na ito ay hindi originally made by the orange ones. Noong 1992, may isang kanta si Jacob Miller na may kaparehong title, bukod pa sa iba't-ibang lugar o grupo na gumamit na ng henyong islogan na ito through ages (thanks, Google).
Kung napansin mo rin ito, apir!
Pero kung sa tingin mo ay isa ka nang tunay na Hokage sa pagiging Matanglawin, malamang e magkasundo rin tayo sa
mga ito:
Bukod sa obvious namang
katalinuhan at kabutihan ng ating mga pinuno sa pagpili ng theme color at islogan nila, kapansin-pansin din ang mga pa-pogi ay
este poging-poging pagmumukha nila sa laaht ng sulok ng bansa. Nakakita na ba
kayo ng drowing ng ari ng lalaki sa mga poste? Upuan ng bus? Banyo? Siguro
naman, oo. Pero aminin mo, mas marami, at ‘di hamak naman na mas malalaki, ang
mga poster at tarpaulin na may pagmumukha ng kung sinu-sinong pulitiko kesa sa
mga 2D replica ng mga lightsabers na iyon! Edi sila na ang may pera pang-pagawa
ng tarpaulin! Kahit na baka nga pera talaga iyon ng nanay at tatay niyo.
“Happy Fiesta!” Pero mas malaki
pa ang mukha ni konsehal kesa sa mismong message.
Sa ganitong panahon katulad ng
eleksiyon, mas nabibigyang pansin ng mga pulitiko ang mga mukha nila para sa
popularidad kesa sa tunay na mukhang dapat ay bida sa bansa—ang mukha ng
kahirapan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento