Motivation > Reason
Una kong narinig 'tong konseptong 'to last year noong active member pa ako ng isang Born Again Christian church (na minahal ko rin naman). Simple lang ang construction: two (2) main words; isang symbol na nagbibigay relationship. Pero matindi ang tama saken. Talagang napangiti ako, na-inspire kumbaga. Nabubuhay kasi tayo sa mundong ito na punung-puno ng mga reasons or excuses. Madalas hindi natin namamalayan, pinapaikot nalang tayo ng mga rason natin at nililimitahan ang ating potentials. Lahat tayo guilty mga tol.
Reason =/= Excuses
Pero teka lang mga tol. Lilinawin ko lang. Hindi sa lahat ng pagkakataon, pareho ang rason mo sa mga palusot mo. Positive ang magkaron ng reason para sa isang bagay. Nagiging negative lang ito kapag ginagawa na natin itong depensa sa mga kawalang-hiyaan at failures natin sa buhay. Kumbaga ang dami-dami na nating dahilan to the point na wala na tayong masimulan. Gets? Ako rin naguguluhan eh. Pwede ka nang mag-leave sa site na 'to kung gusto mo. Pwe!
"Inspiration"
Woah. Big word! Madalas nagkakaron na ng malanding kahulugan ang inspirasyon sa panahon ngayon, pero big word parin. Noong nag-post ako sa FB ng status na nanghihingi ako ng rason para magsulat, nagulat ako pero natuwa sa isang komento na nabasa ko. Galing yung komento sa isa kong spiritual sister na tinuturing naming isa sa mga bunso namin. Sabi niya, hindi raw rason ang hinahanap ko pero inspirasyon para magsulat. Marami nga naman kaseng rason para magsulat ako like yung mga negativities at errors sa lipunan, deadline sa school, yung kursong pinili ko, etc. Pero ang talaga palang hinahanap ko ay inspirasyon para gumalaw. Kumbaga meron na akong kotse at gasolina, driver nalang ang kulang. And kasama sa mga nag-comment ay isang kaklase ngayong kolehiyo na nagbigay ng simple pero makatotohanang pahayag, "Para sa Kanya."
Reason + Motivation + Inspiration = Perspiration
Kung hindi mo na talaga ako maintindihan, ganito lang 'yan eh. HINDI PORKET MAY RASON KA NA, MOTIBASYON AT INSPIRASYON, AY SUCCESS NA AGAD ANG KASUNOD. PAWIS MUNA! PAWIS! Bruh. Of course! Hindi agad 'to finish line. Syempre kailangan mo ring kumilos. Ang sinasabi ko lang ay ang rason, motibasyon, at inspirasyon natin ay rason, motibasyon, at inspirasyon natin para gumawa at magsumikap! Mahaba-haba pang biyahe sa equation ng buhay ang tagumpay pero ayos lang yan mga tol. Sabi nga nila (hindi ko sila kilala) mas masarap ang journey kaysa sa destination. Sabi ko naman, magiging makahulugan lang ang paglalakbay mo kung nakapunta ka sa patutunguhan nito. Ayos ba mga tol?
And besides, masyado tayong nagpapanic sa mga bagay na maliit lang naman at walang kwenta. nakakalimutan natin na Siya lang naman dapat ang nakaupo sa driver's seat ng ating mga buhay. siya dapat ang nagpapatakbo nito at hindi tayo. May tendency kasi tayong mabangga o lumiko sa maling daan, Pero Siya, 100% sure akong ligtas akong makakarating sa goal ko. Siguro hindi lahat sa inyo ay mauunawaan ito. Pero katulad nga ng walang sense na post na ito, madalas din talaga akong naliligaw sa daan. Madalas nafaflatan ako ng gulong. O kaya nauubusan ng gasolina (katulad ngayon). Pero parati Siyang to the rescue sa akin. Madalas, nagbibigay Siya ng mga taong tutulong sa akin para umandar ulit. Solid. Hindi ako nag-iisa mga tol.
Salamat Sa'yo... at sa mga taong rason, motibasyon, at inspirasyon ko para sumulat ulit (kahit wala talagang sense 'to para sa iba). Kilala niyo na kung sinu-sino kayo. :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento