Para Sa Mga Ututin
Magkakaiba ng magulang, pero higit pa sa
magkakapatid ang turingan.
Maraming
sinasabi ang mga linyang ‘yun. Minsa nga, naiisip ko kung hanggang kalian kaya
kami ganito. I mean, sabi nila, lahat daw nagbabago. Magbabago rin kaya sila?
Mawawala? Manlalamig ng tuluyan? Yung tipong one day bigla ko nalang maiisip,
“Iniisip din kaya nila ako? Kame?”
Mahirap
kasi eh. Masakit umasa. Walang poreber. Joke. Pero kidding aside, naranasan ko
na kasi yung sakit maiwan ng kaibigan eh. Wait correction—PAMILYA, hindi lang
kaibigan. Oo, pamilya. Iba kasi ako magmahal eh. Sobrang naattach ako. May
times na masungit ako, or poker face, o parang walang pake. Pero ang tototo ay,
pinagmamasdan ko sila palagi. Mananahimik lang ako sa isang tabi pero masaya kong
tinititigan silang lahat. Simple lang. Pero minsan lang yun. Mas madalas akong
pasimuna ng gulo, ng kalokohan. Madalas bully ako sa kanila. Aminado ako. Kasi
mahal ko sila.
Kaso
masakit talaga umasa.
Ang hirap
maattach kasi nga naranasan ko nang maiwanan ng mga itinuturing kong pamilya.
Ang epekto saken? Bukod sa araw-araw na pagdaramdam kung anu bang mali sa akin,
nirereserve ko rin yung sarili ko sa mga bagong circle of friends ko. Parang sa
romantic love lang. ‘Pag nasaktan ka na, mag-iingat ka na diba? Ganun din dito.
Kaya siguro mas tahimik ako, mas masungit, o mas seryoso kapag kasama nila.
Mga ilang
araw na rin akong malungkot dahil nga dun sa mga pamilya kong pakiramadam ko ay
lumalayo unti-unti saken. Kahit nakakalimutan ko, ‘di nawawala yung sakit eh.
Oo na, madrama na ako. Pero ganun talaga eh. Siyempre feel na feel ko kasi nga
mahal ko sila. Ang hirap libangin ng puso sa mga ganun sandali eh. Lahat na
ginagawa ko para lang makalimot saglit pero dahil nga madrama ako, wa epek.
Kaya hanap parin ako ng hanap ng pampalibang para kahit papano, mawala yung
feelings na ‘to. Kairita.
At dahil
nga naghahanap ako ng pampalibang e sumama na ako sa overnight ng mga ututin. Ayokong dumating sa
point na maisip ko na panakip-butas lang sila kaya ako sumama. Mahal ko rin naman sila. Kaso nga lang, wala na
ako sa mood kasi nga diba, malungkot? Umaasa akong sa kanila ko ulit mahahanap
yung same joy na natatanggap ko tuwing magkakasama kami, sa tuwing naamoy at
naririnig namin ang utot ng isa’t-isa. Kahit na medyo reserved nga ako sa
kanila, gusto ko parin sila kasama. Kaya go!
Actually,
dagdag lungkot din pala ‘to kasi di naman pala lahat makakasama. 13 kami pero
mukhang 4 lang kaming matutuloy, kasama na run yung may-ari ng bahay partida.
Badtrip. ‘Di ko naman sila masisi kasi may kaniya-kanya kaming priorities. Pero
habang nagtatagal ang gabi, ewan ko ba kung bakit pero nawawala na yung
pag-eemo na nararamdaman ko. Nadadagdagan ang saya sa tuwing nadadagdagan kami.
Oo. Alam mo yung walang pag-asa na kaming dumami? Tapos sa gabi mismo ng
overnight ay isa-isang sumusulpot yung mga sasama? Nagkaroon pa nga kami ng
journey sa grocery, sunduan w/ pagalit ng nanay ng kasama namin, hanggang
pauwi.
Tapos
namalayan ko nalang, involuntary na ng ngiti ko..
Ang sarap
magwala. Ang sarap sumigaw. Parang sa isang iglap, dininig ni Lord yung
panalangin ko. Ang ingay, tawanan, asaran.. lahat yun naririnig at nakikita ko
nanaman. Kahit kulang kami, parang unti-unting napupuno yung puso ko ng joy na
hinahanap ko. Nakakamiss. Matagal-tagal na rin pala kaming hindi ganito no?
Biyernes noon, ika-22 ng Nobyembre, isang taon
na ang nakararaan. Nagtipon-tipon ang 13 mga ututin sa isang farm sa Batangas.
Hindi para magkaroon ng ututan sessions, kundi para madiskubre ang kanilang
sarili. Tinawag sila ni Lord upang magsilbi. Yep. Kasama sila sa mga napili ng
Diyos para bigyan ng extraordinary way para baguhin ang kani-kanilan mga buhay.
Sa makatuwid, hindi ito aksidente. Dahil lingid sa kanilang kaalaman, dito na
nga magsisimula ang mahaba nilang paglalakbay nang magkakasama sa Diyos.
Pero siyempre, hindi nawala ang ututan
sessions.
Umalis sila sa bukirin na iyon na hindi lamang
dala ang bagong buhay kundi dala rin ang isa’t-isa. Noon palang alam na nila sa
kanilang mga puso na may poreber.
Isang
taon na nga pala ang lumipas. Ang bilis bilis bilis bilis! Parang kailan lang
nagkaka-amuyan palang kami, ngayon alam na alam na namin ang baho ng isa’t-isa.
Oo nga! ISANG TAON NA NGA PALA KAMI! Isang taon ng tawanan, kasiyahan, asaran,
kulitan, tampuhan, kainan, at ututan! Siyempre hindi mawawala ang mga selfies
at pictures, pero ISANG TAON NA NGA PALA TALAGA KAMI!
Ang sarap
talaga isipin. Ang dami-dami na nga namin pinagdaanang mga activities sa
simbahan nang magkakasama, mga kainan at celebrations, mga hirap na sabay-sabay
nilampasan, at mga groufies na hindi naman lahat inu-upload.
Saka ko
naisip na ang istupido ko pala talaga. Nalulungkot ako sa isang bagay sa nasa
harap ko na! Nakakainis isipin na nirereserve ko ang sarili ko sa mga ‘to,
samantalang eto ako, hindi maipaliwanag ang saya sa tuwing magkakasama kami.
Naalala ko tuloy yung isang essay ko rito sa blog. About sa pinagkaiba ng “Joy”
sa “Happiness”. Ito yun! Masaya akong naglilingkod sa Ama kasama nila. Masaya
akong sila ang naging kasama ko sa paglalakbay na ito. At kagaya ng ibang
circle of friends ko, MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KO SILA. At kahit dumating sa
point na mayroong manlamig o mawala, MASASAKTAN LANG AKO PERO HINDI AKO AALIS,
MAGDARAMDAM AKO PERO MANANATILI AKONG AASA SA PAGKAKAIBIGAN NAMIN. Magkakaiba ng magulang, pero higit pa sa
magkakapatid ang turingan!
![]() |
Kahit bihira lang makumpleto, hindi mawawala ang picturan. :)) |



Hannah – Palagi akong inaaway neto. Joke. Haha. Siya yung bunso namin. Hindi halata sa umpisa pero magkapatid sila ni Allan. Siguro sa volleyball, masasabi mong related genes nga sila. Maganda lalo na yung ngipin at smile niya. Totoo. Kahit ‘di na siya madalas nakakasama sa mga activities, sinisgurado niyang naf’feel yung presensya niya at laging ready tumulong.



Jojie – Kabaligtaran ni Deanne at Kuya Neil. Payat-in. Haha. Pangalawang bunso namin. Bestfriend ni Hannah. Pero kahit isa siya sa mga bunso, sobrang responsable niya lalo na sa pagiging ate sa ibang kasama namin sa simbahan. Batak din to sa selfies at groufies.
Epoy - Mararamdaman mo talaga ang presensiya ni Epoy palagi. Pano ba naman. May mga times na makukumpleto na sana pero siya nalang ang wala. Hahaha. Bukod sa pagiging late at absent madalas ay remarkable sa kanya ang pagiging maloko at friendly. Isa sa joy-bearers ng grupo. Magaling kumanta, kaya palaging absent.


Martin – Ang “KuTe” ng grupo. Baliw pero mapagmahal lalo na sa mga kaibigan. Sobrang joy-bearer. Maraming baong kalokohan. Bakla talaga. Hahaha. Malakas kumain pero ‘di halata sa katawan. Magaling maglaro ng volleyball at sumayaw. At higit sa lahat, No. 1 kontrabida sa buhay ni Twinkle.



Twinkle – TWINKLE! AT LAST. WAHAHAHA. Peyborit siya ng grupo. Oo, peyborit asarin, laitin, pagtawanan, etc. Pero dahil diyan, mas minahal namin siya. Super bait! Hindi siya napipikon sa amin. Buti naman. Kase baka hindi na kami makatikim ng masarap niyang pakwan. Lels. Btw, may record siya ng pinakamaraming utot simula camp hanggang sa kasalukuyan. Hahaha. Siya ang main source ng saya kapag kailangan namin. Kaya mamamatay kami kapag wala si Twinkle. Haha. Bakit nga ba Twinkle? Jessel talaga pangalan niya. Naging Twinkle kasi mali-mali siya kumanta ng Twinkle twinkle little star noong *toot*.
HAPPY 1ST
ANNIVERSARY JAMTOTS! 3rd Day, last day. Huhu. Sana makumpleto na ulit tayo.
Hanggang sa muli! Mahal ko kayo! J
![]() |
facebook.com |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento