Masustansiya nga ang gulay, pero masarap
ba?
![]() |
Masarap ba?! http://www.leanwellness.org |
Isa
ito sa mga hindi ko malilimutang linya sa pagbabasa ko ng libro ng sikat na si
Bob Ong sa halip na lessons ko sa mga subjects na may numbers. Oo nga naman.
Sino ang taong ayaw sa masarap?
May
mga tao rin naming hindi lamang tinatangkilik ang sustansiya ng mga gulay,
kundi pati ang sarap daw nito. Sa katunayan, nagawa na nga nilang isuko ang
kani-kanilang mga buhay sa mga gulay! Oh, nag-rhyme.
Kung
kikilalanin natin ang nakararami, na kagaya ng pagkilala natin sa napiling
bagong mag-bubulsa sa pera ng bayan, ay masasabing hindi talaga ganoon kaganda
ang lasa ng gulay. Hindi natin masisisi ang mga tao sa pagpili nila ng daan
patungo sa karne, mantika, at matatamis.
Atin
namang baligtarin ang tanong. Masarap nga ang ma-karne, mamantika, at
matatamis, pero masustansiya ba? Meron naman tayong mapapala sa kanila. Ang
pork barbecue for example, ay nagatataglay ng protina, iron, at fats. Oo, fats!
Ang tanging konkretong dahilan kung bakit ayaw ng mga health conscious sa
karne. Ang tanging diperensiya ng masarap na karne sa berdeng damo. Kung sa
bagay. Meron pang ibang bagay-bagay na kulang ang karne. Hindi naman saw ala,
pero MAS KAUNTI kung ikumkumpara sa mga gulay. Mas maraming fiber na makukuha
sa pagkain ng gulay at prutas na makatutulong sa mabilis at maayos na bowel
movement. May preservatives din ang ilang pagkaing karne na nakasasama sa
kalusugan kung susobra. Kahit na sabihing may mga gulay na nahaluan ng
pesticides, mas malaki pa rinh ang tendency na piliin ng tao ang hotdog at
tocino kaysa sa pangit na gulay sa palengke.
Hindi
rin naman ako against sa pagkain ng masustansiyan damong pantao. ‘Yun at ‘yun
lang din kasi ang kaya naming mahihirap. At kahit na kaming madalas merong
dahon sa hapag ay alam na mas masarap pa rin kung ang karne! ‘Wag mong lokohin
ang sarili mo. Aminin mont mas gusto mo ang lasa ng karne sa tofu! At mas
magana kang kumain ng malunggay kung isasahog ito sa tinolang manok na may
Knorr Chicken Cubes! Maraming kombinasyon ang gulay at karne. Hindi natin
kailangan magpatali sa sitaw at kangkong lang habang-buhay! RAAAWWRRRR!!!
Medyo
kalokohan ang mga katagang ”kung kakain ka ng mga halaman, e di sana nagging
kabayo ka nalang!” Nakakatawa, pero ibing lamang nitong iparating na hindi mo kailangang
maging vegetarian para maging healthy. Nasa tao lang ang disiplina kung paano
niya mababantayan ng tama ang kanyang kalusugan. Pilipino ka at masarap kang
kumain. Tatalikuran mo pa ba ang iyong natural na pagkahilig sa pagkain dahil
sa inaakala mong tunay na daan tungo sa mas mahabang buhay? Pwede ka namang
mag-gulay na may karne, o karne na may gulay. Hindi yung pinapahirapan mo ang
sarili mo sa gulay lang.
inspired by healthy living.... hahaha
TumugonBurahinMinsan, ay este. Madalas kasi, medyo hindi masarap ang puro gulay. Hahaha
TumugonBurahin