Mga Pahina

Translate

Translate

Translate

Biyernes, Disyembre 26, 2014

Sulat Sa Kabayo

12 / 26 / 14

Alam mo, napakarami kong gustong ipagpasalamat sa'yo. Masyado atang maraming nangyare sakin. Masasaya, malulungkot. Natural. Lahat naman ata ganun. Kahit ata yung oregano namin sa paso, maraming masasabi kapag tinanong kung kumusta yung isang buong oras niyang kasama ka.

Ewan ko ba. Pakiramdam ko kase, parang nauubos na yung oras. Parang sa tuwing matatapos ang isang araw, feeling ko mauubos na rin ang hangin. Parang anu mang oras, kukunin na ako.. tayo ni Lord. Hindi naman sa nananakot, pero ang lakas ng pakiramdam ko na malapit na yung ‘end of the world’ na sinasabi nila. Kaya siguro ganun na lang kung namnamin ko yung mga nangyayari sakin. Malay ba natin, baka nga magkatotoo yung pakiramdam ko. Kailan pa ba natin matututunang i-appreciate ang mga bagay? ‘Pag ‘end’ na nga? O kapag lupa na rin tayo kagaya ng mga nasa paso ng oregano?


Hindi pa nga tapos ang taon, medyo senti na ako. Pasensya ka na. Wala na kasi akong panahong magdrama kapag lunod na ako sa mga pagkain at videoke sa pag-alis mo. Kaya hangga’t kaya ko pa, konting throwback muna.


12 / 27 / 14

Nag-coconspire ang universe para hindi ako makagawa ng homeworks. Parang lahat, gumagawa ng paraan para ipagpa-bukas 'tong mga gawain ko. Bahala na. Nahawa na rin ako sa kaklase ko sa linyang 'nag-coconspire ang univerese'.

Naisip ko rin, 'wag ko na kaya ikwento sayo isa-isa ang mga nangyare? Kung araw-araw kase throwback ang gagawin naten, medyo scripted yun. Basta anything goes nalang, okay?

Wow. Lufet. Ang ningas-kugon ko.. talaga! Parati nalang ganito. Yung mga nauuna kong plinano, nauuwi sa drawing. Sa umpisa lang ako madalas magaling. Ang saya. Pasensya ka na ah? Naiinis pa naman ako minsan sa mahal ko kasi ang ningas kugon niya. Tapos ako rin pala ganun. Soulmate? Yiiee. Lul! Walang poreber! ‘De biro lang.

Hindi ko lang din siguro maiwasang hindi malungkot kapag may mga taong nakokornihan sa mga gusto ko, lalo na kapag sila mismo eh mga mahal ko sa buhay. Yung pakiramdam na pinagtatawanan nila kase panget daw yung pinili mong magandang damit para sayo. Parang ganun yung feeling. Eh wala eh. Mahal ko ang art. Mahal ko ang Pinas. Makornihan na ang makornihan pero ayun ako eh! Tangina! Akala ba nila madali magmahal ng 7,100 islands? Siyempre kasama na run ang pagtanggap sa mga tao at sistemang mayroon ito. Yung reyalidad na naririto, dapat mulat ka kahit papaano. At higit sa lahat, dapat may pakialaam ka sa lahat ng ito! Hindi lang basta pakialam, dapat may pangarap ka rin para sa kanila.. sa kanya. Hindi naman ako perpekto. Nasasaktan lang ako kapag pakiramdam ko, kaunti nalang ata kaming naghahanap-buhay para may makain ang Ina.

Taon-taon nalang sinusubok ang Pinas no? Kapag umalis ka kaya, ano nanamang pasalubong ang dala ng kapalit mo sa Ina? Malakas na bagyo? Sakit? Dagdag na gulo at giyera? Mas maraming droga? Mas maraming alien pero dagdag din na bilang ng professional tambays?


Ayoko nang maging ningas-kugon. Gusto ko rin talagang maging simula ng pagbabago. Pero hindi puro simula. Gusto ko yung matatapos!

1 / 1 / 15

Namiss mo ba ako?

‘Wag ka mag-alala, mamimiss din kita..

Pasensya na kung hindi ako nakasulat sayo.. hanggang sa nakaalis ka na pala..

Ni hindi manlang ako nakapag-paalam..

Maraming nangyare sa nagdaang mga araw. Natapos namin at naging successful ang ambush outreach. First time ko ‘to. Gamit ang isang sasakyan, inikot namin ang mga kalapit na kalye sa loob at labas ng cubao para i-ambush ang mga makikita naming taong grasa at pulubi, para bigyan sila ng kakaunting damit at pagkain na nakayanan namin. Masarap sa pakiramdam. Lalo na kapag nakikita kong mga bata ang natutulungan ko. Wala akong karapatang magreklamo sa kakapiranggot na hirap na nararanasan ko. Eh sila nga, karton lang ang sapin sa gabi e, minsan nga wala pa. Masaya pero malungkot din. Sana nga talaga eh mas marami pa akong tulong na maibigay sa kanila. Pero sa tuwing maaalala ko si Lola nung isang araw, napapangiti ako. Siya at ang mga kagaya niya, ay 
simbolo ng mga pagsubok na araw-araw din nating nalalampasan sa tulong ng Maykapal.

Maraming nangyare pero ito talaga yung paborito kong ikwento sa’yo. Kung paanong ang mahihirap na kagaya namin ay sumusulat na sari-sarili naming mga istorya. Sila(kami) kasi ang sumasalamin sa pagdaan mo. Bago ka dumating, may kahirapan na. At hanggang ngayon, kitang-kita paren kung paano kami pinapahirapan ng sumpang ito.

Walang perpekto. Katulad ng sulat kong ito. Irregular nga kung sabihin ng iba. Baka nga kung mabasa man ito ng ibang tao, awayin ako para sa mga mali-maling spelling at pag-gamit ko ng grammar. Pero wala akong pake. Ito talaga ang gusto kong sabihin eh. Medyo magulo ang konstruksyon pero hayaan mo na. Sorry na bh3.

Hindi na akong umaasang mawala ang kahirapan. Sana nga lang, dumating na si Lord. Hindi man literal, kundi sa puso ng bawat tao. Tulad ni Lola, natutunan kong hindi ang ‘end of the world’ or end of your life ang katapusan ng mga problema naten. Lahat yan pagsubok lang. Hindi naten kailangang antayin si Lord na bumaba sa langit. Kase simula palang nung una, kumakatok na siya sa puso naten. Ang kailangan nalang nating gawin ay papasukin siya at hayaan siyang maneobrahin yung lahat-lahat ng mayroon tayo. Ewan ko ba. Bakit kapag si God ang pinag-uusapan, ang korini no? Ganyan din ako dati. Pero unti-unti natututunan ko siyang patuluyin. Oo hindi ako perpekto. Baka nga murahin ako ng iba kapag nabasa ‘to eh. Wala na rin akong pakialam. Pero sana.. sana nga lang.. yung kasunod mo, dalhin kaming lahat papalapit sa Ama please? Sana.

Anyway.. Kung nasan ka man ngayon, ikumusta nalang ako sa mga dating bumisita sa amin ah! Noong bagong dating ka, nailuha ako habang nanonood ng fireworks, kasabay ng bagong hope sa future. Ngayon namang umalis ka, naluha nanaman ako. Naiyak ako sa yakap ng isang kaibigan. Binulong niya, “..hindi naman pwedeng hindi ko batiin ang kapatid ko..” Simple lang no? Naiyak ako kasi itinuturing niya talaga akong kapatid.. NILA—ang mga kasama ko sa simbahan. Naging mas malapit din ako sa Ama dahil sa kanila. Masaya na kapatid ang turingan namin. Sana’y mas maging matatag pa kami sa hinaharap. Bigla ko tuloy naalala yung iba kong circle of friends.. Namimiss din kaya nila ako? Naalala? Tinuring na kapamilya hanggang ngayon? Mahirap sabihin. Pasensya na. Tagdrama talaga ako tuwing ganitong panahon. Basta ako, mahal na mahal ko silang lahat!

O sige na. Wala nang maayos na kwento itong mga pinagsasabi ko. Paalam sa’yo 2014! Hello there naman sa’yo kaibigang 2015! Bati tayo ah? Mahaba-haba pa’ng biyahe naten. Tara!


--Pepay

Lunes, Nobyembre 24, 2014

Para Sa Mga Ututin

Para Sa Mga Ututin

Magkakaiba ng magulang, pero higit pa sa magkakapatid ang turingan.

Maraming sinasabi ang mga linyang ‘yun. Minsa nga, naiisip ko kung hanggang kalian kaya kami ganito. I mean, sabi nila, lahat daw nagbabago. Magbabago rin kaya sila? Mawawala? Manlalamig ng tuluyan? Yung tipong one day bigla ko nalang maiisip, “Iniisip din kaya nila ako? Kame?”

Mahirap kasi eh. Masakit umasa. Walang poreber. Joke. Pero kidding aside, naranasan ko na kasi yung sakit maiwan ng kaibigan eh. Wait correction—PAMILYA, hindi lang kaibigan. Oo, pamilya. Iba kasi ako magmahal eh. Sobrang naattach ako. May times na masungit ako, or poker face, o parang walang pake. Pero ang tototo ay, pinagmamasdan ko sila palagi. Mananahimik lang ako sa isang tabi pero masaya kong tinititigan silang lahat. Simple lang. Pero minsan lang yun. Mas madalas akong pasimuna ng gulo, ng kalokohan. Madalas bully ako sa kanila. Aminado ako. Kasi mahal ko sila.

Kaso masakit talaga umasa.

Ang hirap maattach kasi nga naranasan ko nang maiwanan ng mga itinuturing kong pamilya. Ang epekto saken? Bukod sa araw-araw na pagdaramdam kung anu bang mali sa akin, nirereserve ko rin yung sarili ko sa mga bagong circle of friends ko. Parang sa romantic love lang. ‘Pag nasaktan ka na, mag-iingat ka na diba? Ganun din dito. Kaya siguro mas tahimik ako, mas masungit, o mas seryoso kapag kasama nila.

Mga ilang araw na rin akong malungkot dahil nga dun sa mga pamilya kong pakiramadam ko ay lumalayo unti-unti saken. Kahit nakakalimutan ko, ‘di nawawala yung sakit eh. Oo na, madrama na ako. Pero ganun talaga eh. Siyempre feel na feel ko kasi nga mahal ko sila. Ang hirap libangin ng puso sa mga ganun sandali eh. Lahat na ginagawa ko para lang makalimot saglit pero dahil nga madrama ako, wa epek. Kaya hanap parin ako ng hanap ng pampalibang para kahit papano, mawala yung feelings na ‘to. Kairita.

At dahil nga naghahanap ako ng pampalibang e sumama na ako sa overnight ng mga ututin. Ayokong dumating sa point na maisip ko na panakip-butas lang sila kaya ako sumama. Mahal ko rin naman sila. Kaso nga lang, wala na ako sa mood kasi nga diba, malungkot? Umaasa akong sa kanila ko ulit mahahanap yung same joy na natatanggap ko tuwing magkakasama kami, sa tuwing naamoy at naririnig namin ang utot ng isa’t-isa. Kahit na medyo reserved nga ako sa kanila, gusto ko parin sila kasama. Kaya go!

Actually, dagdag lungkot din pala ‘to kasi di naman pala lahat makakasama. 13 kami pero mukhang 4 lang kaming matutuloy, kasama na run yung may-ari ng bahay partida. Badtrip. ‘Di ko naman sila masisi kasi may kaniya-kanya kaming priorities. Pero habang nagtatagal ang gabi, ewan ko ba kung bakit pero nawawala na yung pag-eemo na nararamdaman ko. Nadadagdagan ang saya sa tuwing nadadagdagan kami. Oo. Alam mo yung walang pag-asa na kaming dumami? Tapos sa gabi mismo ng overnight ay isa-isang sumusulpot yung mga sasama? Nagkaroon pa nga kami ng journey sa grocery, sunduan w/ pagalit ng nanay ng kasama namin, hanggang pauwi.

Tapos namalayan ko nalang, involuntary na ng ngiti ko..

Ang sarap magwala. Ang sarap sumigaw. Parang sa isang iglap, dininig ni Lord yung panalangin ko. Ang ingay, tawanan, asaran.. lahat yun naririnig at nakikita ko nanaman. Kahit kulang kami, parang unti-unting napupuno yung puso ko ng joy na hinahanap ko. Nakakamiss. Matagal-tagal na rin pala kaming hindi ganito no?

Biyernes noon, ika-22 ng Nobyembre, isang taon na ang nakararaan. Nagtipon-tipon ang 13 mga ututin sa isang farm sa Batangas. Hindi para magkaroon ng ututan sessions, kundi para madiskubre ang kanilang sarili. Tinawag sila ni Lord upang magsilbi. Yep. Kasama sila sa mga napili ng Diyos para bigyan ng extraordinary way para baguhin ang kani-kanilan mga buhay. Sa makatuwid, hindi ito aksidente. Dahil lingid sa kanilang kaalaman, dito na nga magsisimula ang mahaba nilang paglalakbay nang magkakasama sa Diyos.

Pero siyempre, hindi nawala ang ututan sessions.

Umalis sila sa bukirin na iyon na hindi lamang dala ang bagong buhay kundi dala rin ang isa’t-isa. Noon palang alam na nila sa kanilang mga puso na may poreber.

Isang taon na nga pala ang lumipas. Ang bilis bilis bilis bilis! Parang kailan lang nagkaka-amuyan palang kami, ngayon alam na alam na namin ang baho ng isa’t-isa. Oo nga! ISANG TAON NA NGA PALA KAMI! Isang taon ng tawanan, kasiyahan, asaran, kulitan, tampuhan, kainan, at ututan! Siyempre hindi mawawala ang mga selfies at pictures, pero ISANG TAON NA NGA PALA TALAGA KAMI!

Ang sarap talaga isipin. Ang dami-dami na nga namin pinagdaanang mga activities sa simbahan nang magkakasama, mga kainan at celebrations, mga hirap na sabay-sabay nilampasan, at mga groufies na hindi naman lahat inu-upload.

Saka ko naisip na ang istupido ko pala talaga. Nalulungkot ako sa isang bagay sa nasa harap ko na! Nakakainis isipin na nirereserve ko ang sarili ko sa mga ‘to, samantalang eto ako, hindi maipaliwanag ang saya sa tuwing magkakasama kami. Naalala ko tuloy yung isang essay ko rito sa blog. About sa pinagkaiba ng “Joy” sa “Happiness”. Ito yun! Masaya akong naglilingkod sa Ama kasama nila. Masaya akong sila ang naging kasama ko sa paglalakbay na ito. At kagaya ng ibang circle of friends ko, MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KO SILA. At kahit dumating sa point na mayroong manlamig o mawala, MASASAKTAN LANG AKO PERO HINDI AKO AALIS, MAGDARAMDAM AKO PERO MANANATILI AKONG AASA SA PAGKAKAIBIGAN NAMIN. Magkakaiba ng magulang, pero higit pa sa magkakapatid ang turingan!

Kahit bihira lang makumpleto, hindi mawawala ang
picturan. :))
Deanne – Aleng Malakas. Malakas kumain, dumighay, magsalita (from bulong to sigaw malakas), etc. Physically rin, Aleng Malaki rin kasi siya. Pati space sa mga groufies, malaki yung sa kanya. Haha. Bigat-in na Bigat-in. Lahat tito’t tita niya.








Allan – Promil Kid. Kung gaano siya kapayat ganoon din naman kataba yung utak niya. Magaling din mag-volleyball. Palagi kaming tambay sa bahay nila. Konti nalang siguro at ipapa-ban narin kami run dahil sa ingay namin. Hihi.














Hannah – Palagi akong inaaway neto. Joke. Haha. Siya yung bunso namin. Hindi halata sa umpisa pero magkapatid sila ni Allan. Siguro sa volleyball, masasabi mong related genes nga sila. Maganda lalo na yung ngipin at smile niya. Totoo. Kahit ‘di na siya madalas nakakasama sa mga activities, sinisgurado niyang naf’feel yung presensya niya at laging ready tumulong.











Archie – Kapatid din siya ni Allan. Hulaan niyo kung paano. Wahaha. Bench body. Siya kasi yung nag-brief noong *toot*. Mukhang tahimik sa umpisa pero mapagbiro at may tinatagong katalinuhan. Dahil din sa katahimikan niya kaya nalaman na siya ang unang nangpasabog sa *toot*. Noong una ayaw sumali sa pictures. Ngayon kasama na rin sa mga batak sa groufies. Mahilig sa Pic-A.












Kuya Neil – Bukod sa literal na pagiging pinakamalaki, siya rin ang may pinakamalaking gastos sa aming lahat. Hahaha. Malaki rin kasi ang kabutihan at pang-unawa niya kaya ganon. Siya talaga ang kuya naming lahat. Magaling maglead. Magaling makisama sa tao kaya mahal na mahal siya ng lahat.













Jojie – Kabaligtaran ni Deanne at Kuya Neil. Payat-in. Haha. Pangalawang bunso namin. Bestfriend ni Hannah. Pero kahit isa siya sa mga bunso, sobrang responsable niya lalo na sa pagiging ate sa ibang kasama namin sa simbahan. Batak din to sa selfies at groufies.















Epoy - Mararamdaman mo talaga ang presensiya ni Epoy palagi. Pano ba naman. May mga times na makukumpleto na sana pero siya nalang ang wala. Hahaha. Bukod sa pagiging late at absent madalas ay remarkable sa kanya ang pagiging maloko at friendly. Isa sa joy-bearers ng grupo. Magaling kumanta, kaya palaging absent.













Kakay – Ate Kakay, Kathryn Berkanto.. Iisa lang yan. Siya yung pangalawang pinakamatanda sa grupo. Haha. Pwede na rin tong varsity ng selfies. Team Captain pa! Haha. Kalog ‘pag masaya pero seryoso kung seryoso. Responsable ‘to. Ikaw ba naman umattend ng *toot* ng dalawang beses eh. Haha.













MartinAng “KuTe” ng grupo. Baliw pero mapagmahal lalo na sa mga kaibigan. Sobrang joy-bearer. Maraming baong kalokohan. Bakla talaga. Hahaha. Malakas kumain pero ‘di halata sa katawan. Magaling maglaro ng volleyball at sumayaw. At higit sa lahat, No. 1 kontrabida sa buhay ni Twinkle.













Jennevie – ‘Wag na ‘to. Busy sa debut.























Kingrey – Maloko pero mabait. Sinisigurado niyang updated siya kahit minsan e hindi siya nakaka-attend at may pasok siya sa gabi. Reynaldo talaga pangalan niya. Pwede ring  ’bok’. Pero mas gusto namin siyang tawaging KINGREY. Bakit? Kasi siya ang Hari! Wala nang tanong tanong!



















Jennevie – Joke lang yung kay Jen kanina. Hahaha. Loveteam sila ni Kingrey dati. Ewan ko nalang ngayon. Magaling na volleyball player ‘to! Mahaba eh. Hahaha. Magaling din kumanta. Sa umpisa mukhang tibo pero girl at heart. Masiyahin din at makulet sa grupo. Batak din sa selfie.



















Twinkle – TWINKLE! AT LAST. WAHAHAHA. Peyborit siya ng grupo. Oo, peyborit asarin, laitin, pagtawanan, etc. Pero dahil diyan, mas minahal namin siya. Super bait! Hindi siya napipikon sa amin. Buti naman. Kase baka hindi na kami makatikim ng masarap niyang pakwan. Lels. Btw, may record siya ng pinakamaraming utot simula camp hanggang sa kasalukuyan. Hahaha. Siya ang main source ng saya kapag kailangan namin. Kaya mamamatay kami kapag wala si Twinkle. Haha. Bakit nga ba Twinkle? Jessel talaga pangalan niya. Naging Twinkle kasi mali-mali siya kumanta ng Twinkle twinkle little star noong *toot*.



Nagpapasalamat ako ng sobra sa Diyos dahil binigay niya kayo sa akin. Binago niyo ang marami kong pananaw sa buhay. Binagyan niyo ako ng saya puso sa twing magkakasama tayong nagsisilbi. Nawa’y mas maging malakas pa ang ating bond sa isa’t-isa. Walang magsasawang magserve kay God ah?

HAPPY 1ST ANNIVERSARY JAMTOTS! 3rd Day, last day. Huhu. Sana makumpleto na ulit tayo. Hanggang sa muli! Mahal ko kayo! J

facebook.com


Martes, Oktubre 14, 2014

The Role of Human and Social Sciences in Education

There is once an island with people not only blessed with natural resources but also with rich and progressive culture and society. High-ranked people are those who lead their fellow by setting up norms or cultural standards followed by everyone, yet all of them benefit from their system equally. The whole society learns how to use their resources properly and efficiently, resulting in a prosperous lifestyle. Everyone is doing their role in the community. And so the society functions well enough for the people in this island to enjoy their free-living all the times. They have the right formula: rich natural resources + rich culture and society (with responsible people and equal leaders) = just and prosperous system beneficial to everyone.

But none of them have an idea that there are eyes watching them from afar. These are businessmen from the mainland who know how progressive that island is, and thus making them very interested in investing there. It didn’t take too long before they visit the island and introduced their “gifts” for the people. They brought with them the finest and latest technological advancements that the people believed would extremely help in making their lives not only better, but also easier. The people accepted it, forgetting about the life they had before the coming of these technologies.  The businessmen, seeing that the people of the island like what they brought, sell those things in a high price.

And so every other day, businessmen return to the island with new products. The people keep on taking on all these things until they came to the point where they’ve lost their identity. It is too late when they learned their living has not really come to a better point, but in the other way around. Their society was destroyed, with selfish and greedy people on top of it. They’re no more equal. Businessmen became wealthier and poor people became poorer. Their rich resources were exploited. Their culture was poisoned. And everyone in the island can’t do anything to heal this cancer of society that they are suffering. They’re now slaves in their very own home.

We, the Filipino people, are like the residents of that island in the story. We live in the world of extreme materialism not knowing its side effects on us. We don’t want to work hard (properly, traditionally) nowadays. Instead, we keep on insisting that we need an “easier way” for us to finish our tasks. There’s nothing wrong about it. Except the fact that because of our hunger to find the short cuts in life we actually walk on a path short cut to death.

The Role of Human and Social Sciences in Education (Relevance, Significance)

It’s too late when we realize that we’ve lost our own identity.

Human and Social Sciences both portray as our “mirror” in the community. How could we understand advancements and new discoveries if we, in ourselves, couldn’t discover our true nature? These sciences show us the 5W’s and 1H of our life. When we want to look good physically, we usually look on the mirror and fix things, right? It is just the same as knowing these sciences. History and cultural background are very much relevant in building our nation. If we want to fix things, we must first look on ourselves, our identity.

Teaching students the scientific and technological advancements more than the Human and Social sciences is like instructing people the dance steps without hearing first the music. We should understand fully how the basics work before going to the complex parts. Human and Social sciences are the building blocks of the society. If we hoped for a better one then we strengthen our fundamentals. Technology is good, but putting it into priority and setting aside our rich culture and social uprightness is as sweet as hell. Don’t let those greedy businessmen take control of our nation.
That’s why our students need to study Human and Social sciences. Not only that it reflects who we are and how we work, but will also lead us to our future.

The society is a larger scale of a human person. All parts of it shall function well, starting from the very individuals in ourselves. Look at our current environment. Is this the prosperity that we want for our life?


We are human. So be human.


(Originally an essay as a part of the requirements in my subject, Ethics. Edited version)


Miyerkules, Oktubre 8, 2014

Yaman ng Bayan o ng Dayuhan? (A Benham Rise Escapade)

http://www.rappler.com
Habang nakatuon ang mga mata ng buong bayan sa tensyon ngayon sa kanlurang bahagi ng karagatan ng Pilipinas, nananatiling lingid sa kaalaman ng maraming Pilipino ang mas malaking teritoryo na makikita sa silangang bahagi ng ating bansa—ang Benham Rise.

Ang Benham Rise o Benham Plateau ay unang nailagay sa mapa taong 1933 matapos madiskubre ng isang geologist na si Andrew Benham. Ito ay pinaniniwalaang sagana sa yamang dagat at mineral kabilang ang manganese, na isa sa mga pinakaimportanteng sangkap sa paggawa ng bakal. Ang teritoryong ito ay matatagpuan sa karagatan ng probinsya ng Aurora.

Aba’y napakalayo ng 1933 sa 2014! Ngunit ngayon lamang pumutok nang husto ang balita tungkol sa sinasabing teritoryong ito na mas malaki pa sa Luzon. Hindi nakapagtatakang ang bahaging ito ng karagatan ay maituturing pang “unexploited” o hindi pa nagagamit ng husto ang mga yaman nito sa kabila ng matagal na taon nang pagkakadiskubre rito. Kailan lamang kase na-aprubahan ng United Nations ang pag-angkin ng Pilipinas sa Benham Rise. Sa ngayon, masasabing napaluwag ng anunsiyong ito ang paghinga ng mga Pilipino sa kabila ng mga isyung kinahaharap sa kanlurang bahagi ng bansa.

Pero lingid sa ating kaalaman, ang “unexploited” na teritoryong ito ay hindi rin pala nakaligtas sa mga barkong Tsino at Taiwanese na nakakapasok sa karagatan ng Benham Rise! Kinumpirma ni Assistant Director Gil Adora ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na may mga malalaking barko na naglalayag sa silangang karagatan ng Pilipinas nitong mga nakaraang taon. Ang mga ito ay may mas mataas na lebel ng teknolohiya at kagamitang kayang magsiyasat at maglayag sa mailap na karagatang Pasipiko kumpara sa mga barkong mayroon ang Pilipinas. Kung gayon lamang ang labanan ay siguradong talung-talo ang Pilipinas sapagkat alam naman nating walang sapat na pondo ang bansa para sa mga paglalayag at pag-eeksperimento lalo na sa isang lugar na wala tayong ideya kung ano. Nangagailangan ang pagsisiyasat sa Benham Rise ng malaking halaga para mapag-aralan at magamit ang mga yaman nito.

Kamakailan lamang ay tinungo ang Benham Rise ng isang grupo ng mga siyentipikong galing sa mga kilalang unibersidad ng bansa kasama ng Marines at iba pang ahensiya ng gobyerno para sa isang eksplorasyon. Ang grupo ay kinabibilangan ng mga divers at marine experts na sumisid sa kailaliman ng nasabing teritoryo. Sila ang pinaka-unang taong nakarating sa Benham Rise.

Sa kanilang pagsisid ay nadiskubre nila ang iba’t-ibang species ng lamang-dagat at mga isdang naninirahan doon. Isa na rito ang Blue Fin Tuna na marami sa lugar. Ito ay pinaniniwalaang makakatulong sa pag-angat ng produksyon ng tuna ng bansa. Sa kasalukuyan ay isa ang tuna sa mga pangunahing produkto ng Pilipinas kaya naman masasabing ang pambihirang pagkadiskubreng ito ay isang malaking hakbang sa ika-uunlad ng bansa.

Nagmatyag din sila sa mga corals at kumuha pa ng mga sample nito upang pag-aralan. Tinignan din ng grupo ang posibilidad na pagkakaroon ng yamang mineral tulad ng manganese sa karagatan nito.
Sa kanilang explorasyon ay napag-alaman na masyado pang malaki ang teritoryo at nangangailangan ng mas maigting na pag-aaral upang magamit ng maayos ang mga yaman nito. Gusto ng grupo na ipagpatuloy ang pagsisid hanggang sa kailaliman ng karagatan ng Benham Rise. Naniniwala ang grupo na isa ito sa mga maituturing na pag-asa ng bayan dahil sa mga tinatago pa nitong angking yaman. Gayunman, alam nilang kinakailangan ng mas malaking pondo at atensiyon mula sa gobyerno upang maipagpatuloy ang explorasyon dito.

Kung sa isang munting ekspedisyong ito ay marami na agad nadiskubreng potensiyal ang mga Pilipinong siyentipiko, paano pa kaya kung ito’y paglalaanan ng atensiyon at popondohan ang pag-aaral ukol dito? Malaki ang posibilidad na ang mga sakripisyong hakbang para sa explorasyon at pagdedevelop sa Benham Rise ay magbubunga ng mabuti para sa bansa. Sa katanuyan, pinag-aaralan din kung ito ba ay may malaking deposit ng natural gas sa kailaliman nito.

Masasabing ang pagkadiskubre sa Benham Rise ay hindi lamang isyung pambayan kundi pang buong mundo na rin, lalo na’t usap-usapin ang pagkakaroon nito ng natural gas deposit na siguradong kukuha sa atensiyon ng ibang bansa. Naniniwala akong maraming mga mata ang nagmamatyag sa bagong yamang ito ng Pilipinas. Hindi rin imposible na magkaroon nanaman ng panibagong argumento ukol sa Benham Rise sa hinaharap. Sa ngayon ay marapat lamang na pag-isipan ng maigi ang bawat hakbangin na gagawin para rito. Huwag na sana nating hayaang ang ibang bayan ang makinabang at lumustay sa yamang ito galing sa Maykapal.


Lunes, Setyembre 8, 2014

The Art and Science of Cutting Classes

(REMINDER: This essay is just for fun and don’t take it seriously okay? Peace to mankind!)

Real heroes risk their life just to conquer the "wall"
Cutting classes—only a few elite vertebrates can perform this risky manoeuvre. A special class of genetically-gifted Homo sapiens are able to stop, look, listen... and run to escape from every meeting in the class faster than a bullet train. And like any other person in the world, there could be at least one field of art where they truly excel—the art of cutting-classes.

It is an art of skipping or escaping unwanted subjects. Cutting classes’ artists do this with passion and strong will to fly for freedom. It is not that easy to perform this safely. Aside from having a burning heart, one must know the study of cutting classes—from systematic planning to perform it. In short, cutting classes is both art and science in nature.

Cutting classes may seem to be not so good idea with everyone. Some may look at it as very stupid and unnecessary, some may say that only cowards run away from their lectures and discussions, but what they really don’t understand is that only real toughies can handle the bad sides of cutting classes. Only intelligent species of mankind can justify why it is not needed to prolong the agony. Few thick-headed beings are made and trained to make systematized plans on how to finish this job excellently. They are all the real heroes of this world.

Though the secrets of cutting classes can’t be revealed to anyone, let’s just talk about some other things related to it –the effects.

Like any other art in this world, cutting classes posses a true beauty that not everybody can appreciate. Those who can achieve this compare such achievement as reaching orgasms or attaining nirvana. The eternal joy of the success when someone completed the task is incomparable. People usually do this because of many reasons: 1. they don’t like the subject and they have found some other fun/important/urgent things to prioritize. 2. They don’t like the teacher and they have found some other fun/important/urgent things to prioritize. 3. They just don’t like the subject and the teacher. And if someone succeeded doing the cutting classes, all of the reasons mentioned above are all paid off. Instant heaven.

But cutting classes is not perfect. It also has its bad effects such as the obvious fact that the performer misses lectures on the meeting. These lectures sometimes involve these following things: 1. Lessons of the subject. 2. Quizzes or recitations. 3. Fun times/early dismissals. Automatically, the performer loses one or more of the things mentioned above. (Cutting classes are no fun if you missed light and fun classes. Especially if the teacher decides to dismiss the class very early, you won’t taste it.)

Cutting classes is strictly prohibited and is not recommended for weak people. You need a heart, knowledge, and reason to do this excellently.


Please. Do not try this at home. Only at school of course.

Lunes, Setyembre 1, 2014

The Reality Behind Gender Discrimination

https://www.facebook.com/WannaFact.Official
I hate it when women say that the so-called “gentlemen” were all gone.

Most of us define the word ‘gentleman’ as a male superhero for all women. He is the one who has the initiative to carry girls’ things (heavy or not), accompany them even in unnecessary times, sacrificing seats in the LRT, and even giving the priority for all the stuffs on earth. “Ladies first” were programmed in the heads of these mythical creatures. And if you violated or ignored any of those things above, you’re absolutely wiped out of the Gentle League.

I found this quite unfair. It’s funny to think that back then, women demands for equal rights and social standings like men. Now, things got different. They are looking for overpowering men—which is ironic because they used to insist for ‘gender equality’ in the past. If things got worse, they would not be only seated on the LRT, but also on the thrones to rule the world! (Thunders roar)

Kidding aside, I pity these women so much. Why? Because what they do not know is they are getting the total opposite of what they are demanding.

Whenever they let the male specie to do the stuffs for them (e.g. carrying their things, reserving seats for them, etc.), they actually accept the fact that women are weaker than them. They unconsciously recognize that men have more capabilities in every single thing that they are engaged to. Men are stronger for they are the ones who should lug heavier bags and stand in a public utility ride with their feet, they possesses more courage whenever they lead the way in a scary trip, and more! The funny thing is that what girls want is a boy that is willing to be a slave for them, but eventually turning out to be with them on the lower level than their “slaves” (men).

Today’s society doesn't only feature men on a higher level of physical capabilities, but on so many aspects like the undying governing/leadership issue for women. Although the world now has many female leaders on different countries, there are still questions whether or not they can be efficient ones. Men are still dominating not only in numbers, but in trust and faith.

Another thing is, gender discrimination is also leaving its mark even in the “third-sex” world. How? Think of an ordinary situation. The society tends to look down on ‘gay’ people rather than the lesbians. If someone (male) wears or does feminine stuffs, he is more likely be offended by others rather than those girls who acts or dresses like boys, right? Men seem like to be on red alert of cursing being gay not only because they don’t want to be gay, but they unconsciously look down on being a female! We are all instinctively judging gay people because being gay technically means turning to be a woman at heart. If we put this into a mathematical equation, it goes like this:

Let’s assume that the symbol Male also means “male and the world”; the symbol greater than (>) also means “is/are looking down at”; and the symbol equal (=) also means “is like”.

If Male > Gay, and Gay = Female, then Male > Female

I hate to say it, but this is the reality. The planet seems to be hiding this fact in us for a long period. We are very ignorant about the fact that women are so much discriminated in every aspect that we know. Even I, have no idea what else are hidden in gender discrimination. I have found this topic a hard one to discuss because I know that there are some people, especially feminists, who might react negatively about this prose. I don’t know if I took it correctly, but the things above are all of my sincerest observation in the society I dwell in.

According to science, butterflies are blind enough to see their colorful wings and its patterns. So sad right? For me, some women are like butterflies. They hardly discover their true beauty and worth more than the world tell them. If there is someone who should start making the race of the female specie rise like men, it is no one but themselves. Women should know their capabilities, their roles, and their beauty inside before they shall spread it and fly like a butterfly.

The duty of the male race is not to look down at the females, but to give them the highest respect that they undoubtedly deserve. My mother, just so you know, is a female. And if your mothers are not female too, then I would accept why you won’t give them one.


Sometimes, being ‘gentle’ doesn't mean being gentle at all. Women don’t really need “gentlemen”, they need respect.

Sabado, Agosto 30, 2014

Gaano ka katatas magsalita ng Filipino aber?

Kailan lang ay napagtripan kong manood ng piniratang English horror movie na nakita ko lang na nakakalat sa mesa. Kahit na halos kabisado ko na ang mga eksena dahil sa pagspoil ng mga kapatid ko, pinagtiyagaan ko pa rin ang pirated DVD. Sa panonood ko ng pelikula, natawa ako dahil sabog ang mga ingles na subtitle. Kung hindi man naka-shabu ang gumawa nito, malamang galing ito sa ibang bansa dahil kung Pilipino man ang may gawa nito, mas maayos naman siguro yung subtitle. Filipino is too good to be true when Englishing, you know.

Bakit pa kasi kailangan ng English subtitle sa mga English movies? Ito ay para mas maintindihan ng mga karaniwang tao sa ibang bansa ang istorya. 'Di tulad nating mga Pinoy na medyo eksperto "raw" sa pag-intindi ng wikang banyaga.

Masaya naman ako na kilala ang Pilipinas na magaling sa pagsasalita ng Ingles kumpara sa mga kapitbahay nating bansa. Pero siyempre, nakakalungkot isipin ang katotohanang mas pinag-aaralan natin ang wikang banyaga kesa sa sarili nating wika. Katwiran na kasi ng karamihan na hindi na raw dapat pang pakialaman ang Filipino dahil alam na alam na "raw" natin ito, at dapat pagtuunan ang pag-aaral sa ibang wika para sa ikauunlad "daw" ng bayan. Ang solusyon? 'Wag na kasing isipin ang katotohanan para hindi na masaktan. Joke. Well actually, truth hurts.

Pero talaga bang alam na alam na natin ang Filipino? O mas dapat pa nating itong palaguin at pagtibayin?

Nakasama na ako sa isang excursion/outreach activity ng isang foundation sa Balanga, Bataan. Noong una, akala ko simpleng bakasyon lang ipinunta ko roon. Nagulat ako noong nakita ko ang isang linggong schedule. May hiking kami! Excited ako (alam ko wala kayong pake). Sa dulo ng maputik at matarik na dinaanan namin ay ang komunidad ng mga Aeta sa itaas ng bundok. Kahit na mga Kano ang mga kasama kong volunteers, nagkakaintindihan sila ng mga Aeta at iba pang Pinoy volunteers. Partida, super kalabaw ang gamit ng mga kababayan nating Ingles sa pakikipag-usap sa mga forenjers. At kahit ganito sila makipag-usap e nagkakaintindihan sila ng mga Kano. Hindi lang siguro ako sanay dahil sa Maynila, pinagtatawanan ang mga mali-maling grammar. Samantalang sila mismo, ang mga Kano, walang problema rito basta masabi at maipaintindi mo ang gusto mong iparating.

Ang hirap sa ating mga Pilipino, kung makapangutya tayo sa mga maling Ingles ay ganun na lang. Kung sino pa ang nanghihiram ng lenggwahe, siya pang mausisa. Kapal no? Samantalang wala rin naman tayong galing sa pagsasalita ng Filipino.

Kaya hangga't maari, sinisikap kong gamitin ang Filipino sa kahit anong oras. Kagaya ng marami, hindi ako perpekto sa pagsasalita nito, kahit na sa buwan lang ng Agosto. Dito nga lang sa mismong binabasa mo e hindi pulido ang Filipino ko.

Medyo mahina ako sa English. Kung meron mang subject na napapanis ang laway ko buong term o quarter ng school year, ito ay ang English subjects. Naaalala ko noong nasa ikatlong taon ako sa high school, literal na napapanis ang laway ko dahil hindi ako nagsasalita kapag English. Hangin lang ang nakakarinig sa mga sagot ko noon kapag nagdidiscuss si ma'am. Kaya nga mas gusto kong may writing activity. Para kahit mali ang grammar ko, ako, si ma'am, at si Lord lang ang nakakaalam.

Minsan nang napatunayan na ang hindi pagkaka-isa sa wika ay nagpapakita ng hindi pagkakabuklod. At ang hindi pagkakabuklod na ito ang dahilan kung bakit madali tayong nasakop noon ng mga dayuhan. Iba't-ibang isla, kultura, at wika ang nananalaytay sa mga Pilipino noon kaya walang pagkakaisa laban sa mananakop.


Kaya tayo may pambansang wika ngayon ay para magsama-sama tayo. Sa panahong hindi lamang lenggwahe ang impluwensiya sa atin ng ibang kultura, mas kailangan natin ang isa't-isa para umunlad. At sa panahong ito, mas maraming Pilipino pa ang kailangan natin sa pagkilos--mas marami pa kaysa noong 1886 sa EDSA..

Martes, Agosto 26, 2014

Tabula Rasa

Tabula Rasa
ANO NGA BA ANG KABAYANIHAN?


Felipe Cabreza

“Ano na pong nangyari pagkatapos nun sir?” tanong ng isang estudyante, “kawawa naman po ung binata.”

“Mas kawawa yung girlfriend. Nirape ng tatay,” sagot naman ng isa.

“Pareho lang. Nag-end yung relationship nila ng ganun. Awtsu,” pagpapatahimik ng pangatlo, “Eh anu na nga po bang nangyari sa binata, sir?”

Napasarap ang kwentuhan sa klase ng Retorika ngayon. Kaiba sa mga nakaraang araw, mas masigla ngayon sa pagtuturo si Prof. Felipe Cabreza. Dala siguro ng apat na linggong bakasyon nito?

“Pasensya na. Alam ko namiss niyo ako. Pero kakalabas ko palang ng ospital. Next time ulit ako magkukwento,” kaswal lang at parang barkada magkwento itong “facilitator” na ito. Kaya hindi kabado sa kanya ang mga mag-aaral. Ang resulta? Mas magandang resulta.

“May date ka ata sir eh?” biro ng isang estudyante. Napatingin si lamang ang “faci” sa cellphone niya ngunit nakikinig ang mga tenga nito.

Hoy, umuwi ka na. Baka mabinat ka niyan Hinahanap ka na ng tatay mo. Kanina pa puno ang inbox ng batang propesor, galing sa nanay.

“Oh, tignan niyo si sir o, ngumingiti sa text. Yieeeeee,” mga tarantadong estudyante. Matapos idaan sa kwento ang “faci” upang iligaw ang dapat sana’y “surprise quiz” tungkol sa mga bayani, eto’t namemersonal naman.

Kanina lamang ay idiniscuss ng propesor na ang lahat ay pantay-pantay, lahat ay may kakayanang maging bayani gaano man sila kasimple o kasama sa mata ng iba. Katulad ng magulang. Minsan, darating sa punto ng buhay na sila’y hindi maiiwasang maging masama sa mata ng mga anak nila. Pero ano man ang mangyari parati silang nandiyan, tunay na nagmamahal at handang magsakripisyo para sa kanilang anak, gaano man kalaki ang kasalanan nito sa kanila. Anu man ang pagsubok na dumating sa buhay ng anak ay tungkuling ng magulang gabayan parin ito at turuang tumayo sa pangalawag beses, at ganoong klase ng magulang mayroon si Felipe, “sino po ba ‘yan sir?”


“Wala naman. Nagtext lang yung superheroes ko..”

***

Ang Mga Biro

“Nak, ‘pag bumigay, tirahin mo na!” hindi na natutuwa si Pepe sa mga biro ng tatay niya. Para kasi sa kanya, hindi masayang pag-usapan ang girlfriend niya, lalo na’t galing ito sa bunganga ng mahal niyang ama. Hindi dahil sa masama ang timpla ng hininga nito, kundi minsan, ang biro nito’y hindi biro.

Mga birong hindi biro. Nakangiting bulong ni Pepe sa sarili. Kanina pa kasi tuyot ang kanyang utak kakaisip ng topic para sa kanyang gagawing sulating ipapasa bukas sa Retorika.

Tatlong sunud-sunod na linggo na ring wala ang propesor niya sa Retorika. At gayun din, tatlong linggo na rin ang takdang ito. Kung bakit ngayon niya lang ito ginagawa ay walang nakakaalam. Siguro ay nalilimutan niya, o kaya’y mas makakas ang katamaran. Ngunit hindi tamad si Pepe, sabi niya. Aba’y napaka-kapal ng mukha. “Nagpa-homework pa e hindi naman pumapasok,” at nakuha pa rin niyang magreklamo sa kabila nang tatlong linggong hindi paggawa ng takda, “putang ina niya.”

Matapos ang duguang pagpiga sa ulo, makaisip na siya ng paksa. Sa wakas, sabi ni Pepe may lumabas ding maganda sa bunganga ng tatay niya—hindi bad breath, hindi biro, kundi birong hindi biro!

Isang masiyahing tao ang ama ni Pepe. Kaya lang minsan, sumusobra. May mga biro na itong hindi dapat. Siguro kase medyo insensitive ito sa ibang tao. Pero iniintindi nalang niya. Nasanay nalang din siyang nasasaktan nito. Sa katunayan nga, may mga gabing lumuluha si Pepe bago matulog. Ito ytung mga panahong diramdam niya ang mga sinasabi ng ama niya. Gusto ni Pepe ng malaman. Sa karne, sa mga pinapanood at binabasa, sa dibdib ng babae, pero isang laman ang ‘di niya kayang matikman, ito yung mga laman ng mga salitang galing sa ama niya.

Mga birong hindi biro. Minsan kasi, hindi na talaga masaya ang mga sinasabi ng tatay ni Pepe. Sa mga seryosong usapin, mas masakit kapag ginagawa itong katatawanan. Parang nilulugmok ang binata, hinihiya. “Mas mabuti pa ang malamang dibdib ng babae,” sabi ni Pepe. Kay bilis mabaling ng atensiyon ng binata na mula sa ama e napunta sa pagpapantasya. ‘Di na nagsayang ng oras ang loko. Kaagad nilock ang kwarto, binuksan ang zipper, at hinayaang maging malaya ang bespren niya.

Tawagin nalang natin ito sa pangalang Pepito. Matayog ang pagtayo nito parang pangarap ni Pepe. Napakasarap mangarap. Hinagod ito ng binata bilang pangangamusta. Sa panahon ng kalungkutan at kabugnutan maasahan si Pepito. Palagi siyang handang tumayo ano man ang sitwasyon. Madalas nga e bigla nalang itong uumbok habang nasa klase si Pepe. Mabuti kung nakaupo, pero nakakahiya kapag nakatayo o naglalakad ang binata. Bukod sa nakakahiya, masakit ang pagtayo ni Pepito. Naiipit si bespren.

Tunay ngang mapagbiro ang buhay. Minsan, ililigaw ka nito habang sinusubukan mong tumungo sa kung saan—katulad ng sitwasyon ni Pepe ngayon. Hindi magtatagal ay idudura ni Pepito ang bunga ng kanilang paglalaro. At sa puntong ito ay mamalayan ni Pepe na wala pa siyang nagagawa sa sulatin niya. Maiisip niyang minsan, ang sarap pala sa pakiramdam na mabiro ng buhay.


Si May, ang “facilitators”, at ang Uno

Nakakatamad. Buong araw na lumalabas kay Pepe ang buntung-hiningang marami ang nakakagawa rin. Mga estudyanteng nababagot sa pagpasok at pag-asang balang araw, may darating sa kanilang mga propesor.

Nakakatawang isipin na ang mga mag-aaral, kapag ganitong wala ang propesor ay namimiss magklase pero kapag nariyan e ayaw, lalo na’t may pagsusulit na bitbit ang walang hiya. Ngunit hindi walang hiya ang mga propesor. Dahilan lang nila na hindi raw nila obligasyong isubo sa mag-aaral ang liksyon na dapat nitong matutunan. Facilitators nalang raw sila. Estudyante na ang kailangang dumiskubre at dapat matuto nang pansarili.

10:30 ng umaga hanggang 7:30 ng gabi ang iskedyul ng klase ngayon ni Pepe. Tatlong asignatura: tig-isa’t kalahating oras ang unang dalawang subject na may isa’t kalahating oras din nang pagitan, at tatlong oras naman sa pangatlo, na may isa’t-kalahating oras din ng break bago nito. Ang huling subject ang Retorika, ang tanging hinihintay ni Pepe. Ilang oras na ang nagdaan pero walang dumatin ni isa sa mga putang amang “facilitators” nila sa unang mga asignatura. Ang resulta? Buong araw na nganga, sa breaktime ay kumakain, pero mas mahaba ang pagnganga. Literal na nakanganga ngayon si Pepe na abala sa pag-iisip ng istratehiya sa paglalaro ng Uno. Naging libangan na nila ng mga kaklase niya ang paglalaro niyo habang naghihintay sa wala.

May mabuti at masamang epekto ang paglalaro ng Uno para kay Pepe at sa mga kasama niya. Dahil dito, nababawasan ang pagkabagot sa paghihintay sa mga “facilitators”. Nakakatipid din  ito dahil tiyak, kung walang Uno ay gastos nanaman ang gagawin ng mga kupal. Kumusta naman ang isang araw na pagpasok ngunit walang klase? Bukod sa pagod at pagkabagot ay nasasayang din ang oras at ang pera, mga bagay na mahalaga sa tulad ni Pepe na mahirap lamang.

Isa lang ang nakikita ni Pepe na masama sa paglalaro ng Uno. Hindi ito dahil sa si Winnie the Pooh ang disenyo ng mga baraha (Nakahubad kasi si koya, SPG), kundi dahil nakakasira ito ng pagkakaibigan. Kulang na lang ay tadtarin ni Pepe ng mura ang mga kalaro niya kapag napaparusahan siyang bumunot ng marami pang mga baraha sa kamay. Hindi niya rin matanggap kapag natatalo siya. Nakakatamad kasing magbalasa ng baraha, ito ang parusa ng mga talunan kasama ng paglubog ng itlog at pride ng mga ito.

“Dapat pala hindi ko nalang ignawa yung homework kagabi,” pagrereklamo nanaman ni Pepe,”para naman may ginagawa ako ngayong may kinalaman sa pag-aaral.”

“Pag-aaral din naman ang Uno ah?” kung makapag-react si May e akala mo naman naglalaro rin.

“Aba’y graduate na ko rito. Eksperto na kaya ako sa pagsira ng pagkakaibigan,” pagbibiro ni Pepe, nagtawanan ang grupo.

“Buti nalang hindi ako kasali,” may paglalanding sagot ni May sa nobyo, “baka masira pa yung relasyon natin, ‘di ko kaya yun no!”

Ulol. Sabi ni Pepe sa sarili. Pero sa loob ay natuwa ito. Kinilig kumbaga. Aba’y kung wala si May e hindi rin naman ito gaganahang pumasok. Si May, hindi ang “facilitators” o ang Uno, ang nasa priority ni Pepe. Alam niyang mali, pero alam niya ring tama.

Tama. Nangingiti si Pepe. May tama na talaga ako sa kanya. Hindi halata sa mukha ng binata ang mga ganitong nararamdaman. Magaling kasi siyang magtago ng mga emosyon. Pero kabisado na ni May ang kislap sa mata ng nobyo.

“Pabasa naman ako ng gawa mo!” niligaw ni May ang usapan. Nahiya ata sa iba nilang kasama.

Kung meron mang masugid na tagahanga si Pepe sa kanyang pagsulat, walang iba kundi si May iyon. High School pa lamang sila nung nalaman niyang adik ang dalaga sa mga lathalain at prosa ni Pepe. Kilala kasi ang binata noon sa kanilang eskwelahan bilang isang magaling na Campus Writer. Ngunit hindi lang sa pagsulat matibay si Pepe, sa katunayan ay kilabot siya noon sa pagtuligsa sa mga guro niyang may mga ginagawang kabulagstugan. Matapang siya sa loob, kahit namukha siyang suplado at tahimik sa panlabas. Iyon ang nagustuhan ni May sa kanya.

“Bakit ganito?!” gulat na gulat si May sa nabasa.

Nang itanong ni Pepe kung anung mali sa sinulat, nalaman niyang siya pala ang nawawalang Chinese saint na si Santa Nga. Hindi pala kung ano lang ang topic nila sa sulatin sa Retorika kundi may nag-iisa lamang pala para rito—kabayanihan.

Naknampucha. Wala ni isa mang kaibigan o kaklase ang nagpaalam sa kanya tungkol sa paksa ng sulatin. Maging ang nobya nito ay ‘di manlang naisip na si Pepe at si Santa Nga ay iisa. Paraho silang nasa klase. Pareho dapat nilang alam ang paksa.

“Wala kasing ibang alam gawin ang senses mo kundi titigan ako e,” pagbibiro ni May na may halong pag-aalala. Sa puntong ito, wala nang labinglimang minuto ang nalalabi bago ang Retorika. At ngayon gagawa ulit si Pepe ng panibago. “Tutulungan na kit..” “Huli na bata,” tinapik ni Pepe ang kamay ng dalaga. Siguro nabigla lang ‘to. Mamaya okay na kami. Sabi ni May sa sarili..

“Hindi mo sinabi sa akin, wala kang kwenta,” bulong ni Pepe. Tila mas masakit ang mahinang daloy ng mensahe kesa sa pasigaw itong sabihin. Nanunuot mula sa tenga ni May ang mga salitang iyon patungo sa kaloob-looban ng mga buto nito. Sa pagkakataong iyon, mas nabigla ang dalaga sa mga nasabi ni Pepe sa kanya. “Wait. Magsi-cr lang ako,” pigil ang luha ni May sa pagtayo at pag-alis sa grupo. ‘Di gaya ni Pepe, hindi marunong si May na itago ang nararamdamang emosyon. Walang nagawa ang iba kundi panuorin ang mababaw na away na sumugat nang malalim sa knila noong araw na iyon. Pero ang sugat na ito ay mas malalim pa para kay May.


Pagguhit at Pagsulat

Natuyo na ang blangkong papel sa harapn ni May. Hindi siya makapagsimula sa gagawing pagguhit noong mga oras na iyon. Sa tuwing maaalala niya kasi ang nangyari kanina sa eskwela e wala na siyang ginawa kundi umiyak. Maya’t-maya niya kung tuluan ng luha ang puting papel sa harap niya. Bakit ganon?  Kadikit  na ni May ang pagguhit. Ito ang naghatid sa kany sa iba’t-ibang parangal simula pa lamang noong bata siya. Kung kailan dise-otso anyos na siya ay saka niya nararamdaman ang ganito. Tila bagang hindi na siya natutong gumuhit.

Hindi lamang mga medalya at tropeyo, ngunit buong pagkatao niya ang ibinigay sa kanya ng kanyang talento sa pagguhit. Ito ang nagbigay sa kanya ng kanyang pagkakakilanlan. Dito siya nakakapunta sa iba’t-ibang lugar gamit ang imahinasyon. Ngunit ni minsa’y hindi niya naisip na mas malaki pa ang mapupuntahan niya gamit ang talento. Noong nasa ika-anim na baitang ay nakilala niya ang isang batang lalaking taga-ibang distrito sa isang Arts Conference  sa isang paaralan sa Lungsod ng Quezon. Ang lalaking ito ay bahagi rn ng programa na nagsusulong iba’t-ibang larangan ng sining tulad ng pag-arte, pag-awit, pagsayaw, pagsulat, atbp. Noon hinangaan ni May ang isang tulang hindi niya malilimutan. Ang tulang ito ay sulat ng bago niyang kaibigan, na kasali rin pala sa patimpalak ng pagsulat hindi lamang ng tula, kundi ng sanaysay at maikling kwento. Ang dating hindi mahilig sa pagbabasa ay natutunang mahalin ang pagbabasa. At ang dating magaling sa pagguhit ay lalo pang gumaling. Ang kahusayang dala ng kanyang bagong inspirasyon ang nagtulak sa kanya para magpursige sa kanyang larangan. Simula noon, hindi na niya nalimutan ang batang lalaki.

Hanggang sa isang araw sa kanyang unang taon sa Sekondarya, nalaman niyang doon din nag-aaral ang dating kaibigan. Tagakabilang seksiyon! Tatlong taon ding hinintay ni May na maging magkaklase sila ng lalaking iyon. Palagi parin niyang binabasa ang mga ganun iyo lalo na sa kanilang school pape. Hanggang sa naging magkaklase nga sila nito sa senior year ng batch. Naging matalik na magkaibigan, hanggang sa naging magnobyo.

Dati’y sa pagguhit ang kasama niya sa mga sitwasyong ganito. Ngunit ngayon, nagtataka si May kung bakit hindi niya mailapat ang lapis sa papel. Sa tuwing aakma siyang guguhit ay naaalala niya ang pagdating ni Pepe. At nang sa pagdating nito’y lalong humusay ang dalaga sa talento, ngunit ngayo’y para siyang naging bobo. Hindi kaya siya talaga si Santa Nga?

Please? Kausapin mo ako L

Habang binabasa ni May ang text message ay lalo itong naluluha. Mahirap ang mga ganitong sitwasyon lalo na’t isang writer ang nobyo mo. Para kay May, magaling maglaro ng mga salita ang mga ito, mahirap pagkatiwalaan minsan. “Hindi ko na alam..” ni hindi niya maintindihan ang sariling sinasabi dahil sa sipon.

Napakamakapangyarihan ng salita, lalo na’t isa kang manunulat. Hindi kasi magsusulat ang isang tao nang wala ni kahit katiting na emosyon dito Napapaisip nga ang dalaga kung totoo ang laman ng mga salita knina ni Pepe. Wala kang kwenta. Hanggang ngayon, ay paulit-ulit pa rin sa ulo ni Maya ang boses na ito ni Pepe. Unti-unit siyang winawasak. At muli, basang-basa ang papel sa harap ni May.

Alam ni Pepe kung gaano niya nasaktan si May kanina. Naging padalos-dalos siya. Naging mababaw. Pero kahit tingin man ng iba ay maliit na problema lang ang mayroon sila alam niyang malaki ang mga salitang ito para kay May.

Lasenggo ang tatay ni May. May usap-usapan pa nga na nagdodroga raw ito. Ang nanay naman niya’y matagal wala. Namatay ito noong Martial Law nang pagbabarilin ng militar. Ayon sa sabi-sabi, ginamit umano ng isang rebelde ang pangalan ng inosenteng babae sa pagtatago. Nang matunton ng mga sundalo ang pangalang iyon, agad nilang pinaulanan ng bala ang babae. Wasak ang mukha at katawan ng ina ni May hanggang sa ilibing ito. At simula noong nawala ito, naging miserable ang buhay ng kawawang bata. Bagamat hindi niya ito nakilala, ramdam ni May na hindi siya kailanman iniwan ng nanay niya. Nagkaron siya ng malupit na stepmother na palagi siyang pinagsasalitaan na wala itong kayang gawing mabuti sa mundo. Doon nagtuon ng panahon ang batang May na hanapin ang sarili niya sa pagguhit. May kwenta siya. Ngunit ngayo’y alam ni Pepe na hindi niya ito naiparamdam sa nobya kanina.

Bago tuluyang umalis si May kanina sa eskwela ay ipinaabot nito sa isang kaibigan ang takda niya sa Retorika para ipapasa. Hindi na papasok ang dalaga sa huling klase. Sayang ang oras, pera, at ang paniniwala niyang may kwenta siya. Nang malaman ito ni Pepe ay agad niyang ipinagpaalam sa kaibigan ang homework ni May at kanyang tinago. Ikaw ang nobyo. Mabait na tugon ng kaibigan, at ibinigay kay Pepe ang gawa ng nobya. Mabuti at walang Retorika. Wala nanamang “facilitator”. Sa puntong ito ay natuwa si Pepe sapagkat ‘di niya kailangang mag-alala sa hindi nagawang takda. Pero mas nangingibabaw ang lungkot dahil nag-away pa sila ni May, wala naman pala ang pesteng asignatura. Doon niya napagpasyahang basahin ang gawa ng nobya. Wala naman sigurong masama. Nalaman niyang kaya rin palang magsulat ni May. Sulat na may puso at damdamin, kagaya ng pagguhit ng nobya.

Ang sanaysay ng nobya niya ay tungkol sa isang babaeng namatay na inosente, ngunit itinuturing niyang isang bayani. Ikinuwento ni May kung paanong ang kamatayan ng kanyang ina ay naging isang biro ng kabayanihan. Ang kanyang ina ay namatay para sa isang rebeldeng tumutulong sa pagbabago ng bayan. Para sa gumawa ng birong ito ganito naging bayani ang ina ni May. Pero para sa dalaga, ang ina niya, kagaya ng ibang ina sa mundo, ay bayani nang isilang nila ang mga bagong pag-asa ng bayan. At sa kaso ng ina ni May, hindi lamang siya nagsilang ng isang bata kundi pati na rin pangarap, pangarap na balang-araw ay magsisilang din ng maraming magagandang bagay sa mundo.

“Napakagandang bata po, ma’am,” bulong ni Pepe na may ngiti. At noon niya napagpasyahang humingi ng tawad kay May.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi parin sumasagot si May sa tawag o text. Naisip niyang puntahan ito sa kanila ngunit baka ipahiya lang siya nito at hindi patuluyin. Medyo naduwag ang binata, at inaamin niya ito.
Habang inaantay ang pagsagot ng nobya ay magsusulat na lamang si Pepe. Naisip niyang gawin na ang sulatin sa Retorika bago pa ulit sila mag-away ni May.


Wala man siya sa mood ay pinilit niya pa ring harapin ang putin papel sa harap niya.


Ang Lamig sa Mainit na Gabi

Iyon na ata ang pinakamahabang gabi sa buong buhay ni Pepe. Hindi pa sumasagot si May. Maging sa message sa Facebook ay wala rin. Bukod dito, kakaiba ang nararamdaman ng binata sa gabing ito. Ni hindi niya maisip kung ano ang gagawin niya sa blangkong papel sa harap niya.

Kakaiba ang gabing ito. Sanay na si Pepe na magsulat maging may sama siya ng loob. Sa katunayan nga’y bukod kay May at Pepito, pagsulat ang ginagawa niya kapag nalulungkot o umiiyak. Hindi rin naman ito ang unang beses na nag-away sila ng nobya. Alam niyang kaya niya paring magsulat. Gusto niyang magsulat. Pero ayaw ng katawan niya.

Hinde. Hindi makakatulong si Pepito sa panahong iyon. Baka makatulog lamang ang binata ‘pag tapos ng session. Hindi na alam ng binata ang gagawin niya. Buong gabi siyang nakatulala sa papel, lumilipad ang isip.
Ano ba ang kabayanihan? Ngayon lamang nahirapan si Pepe sa pagsulat. “Putang inang kabayanihan!” Naghahalo na ang pagod, antok, at lungkot sa katawan ng binata. Parang nagsusuntukan ang mga ito sa kung sino ang mangingibabaw. Idagdag mo pa ang pressure na dala ng nabasang sanaysay ni May. Para kay Pepe, hindi niya maituturing na bayani ang mga magulang niya. Pareho sila ni May na puro na lamang emotional pain ang nakukuha sa nanay at tatay, kaya naman hindi niya maunawaan kung anong kabayanihan ang nakikita ng nobyang hindi niya nakikita.

“Hoy. Kumain ka na rito!” naririnig ni Pepe ang sigaw ng nanay niya sa labas ng kwarto.

“Aba’y hayaan mo na’t baka naglalaro lang ng batuta,” irita nanaman ang tenga ng binata habang pinakikinggan ang boses ng mga magulang. Hindi sila nakakatulong. Hindi nalang din kumibo ang anak.

Mapagbiro naman ang ama ni Pepe. ‘Yun nga lang, nakakapikon. Minsan kasi sobrang hard na ng mga sinasabi. At saka bidang-bida sa bibig nito kung gaano siya kagaling sa mundo, at kung gaano naman siya kabaligtaran ni Pepe. Laging nanliliit ang binata sa mga salita ng ama niya. Ang ina niya naman, laging galit. Laging nakasigaw. Para sa binata, hindi nauunawaan ng magulang niya ang nararamdaman niya. Ang masama rito, hindi ito nagiging inspirasyon kundi kunsimisyon sa binata. Naaapektuhan tuloy ang emotional growth  ng anak. Nagtatanim ito ng sama ng loob na para sa kanya, ay hindi mababago ng kahit anong pagsisikap para sa kanya.

Pagsisikap? Oo. Masipag ang mga magulang niya. Talagang kahit anong hirap, walang bumibitiw. Ginagawa nila ang lahat makapag-aral lang si Pepe. Pero kasabay nito ay ang panunumbat sa bata. Laging isinisigaw ng mga ito kung gaano silang naghihirap para lamang sa kawawang anak. Hindi ba’t kung mahal mo ang tao, ay gagawin mo ang lahat para sa kanya ng walang panunumbat? Maliit na Pepe pa lamang siya ay ganito na ang sistema. Wala siyang maalalang masayang bonding nilang mag-anak. Kung meron man, hindi siya masaya rito. Malaking Pepe na siya ngayon pero mas lumaki lang din ang bigat na dinadala niya sa dibdib.

Patuloy siya sa pag-isip ng lahat ng ito nang may isang pamilyar na boses siyang narining. Boses na kanina niya handang maring. Kumatok ang taong nagmamay-ari nito. “Pepe ko,” ang baho pakinggan. Pero para sa binata, ito na yata ang pinaka sweet na tunog sa tenga niya. At alam niyang sa isang tao lang ito pwedeng manggaling. Binuksan ni Pepe ang pinto ng kwarto, at nagulat parin siya kahit alam na niya kung sino.

“May, I’m sorry,” bumigat ang talukap ng mga mata ng binata. Wala nang sabi-sabi. Nag-iyakan ang magnobyo habang magka-yakap. Kulang nalang e buhos ng ulan at love song na panteleserye.

Kasabay ng paglock ng pintuan ay ang mainit na halikan ng dalawang taong uhaw sa init ng araw at gabing ito. Kapwa pagod ang magkasintahan sa nagdaang mga oras, pero minabuti parin nilang ibuhos ang lahat ng lakas upang gawin ang dapat na gawin, gawin ang gustong gawin. Hindi na alam ni Pepe ang nangyayari. Sa puntong iyon, nagtagumpay ang apoy sa pusong matagal nang pinipilit palamigin ng isipan. Pero wala nang panahon para mag-isip. Narito na’t natatangay sila ng bugso ng damdamin. Kasunod ng mga luha ay ang walang katapusang pagpapalitan ng laway. Ang mga dila nila’y nagmimistulang mga nilalang na ngayon lamang ulit nagkatagpo, parang nagkakamustahan, bawat pagsuyod sa ng mga ito sa isa’t-isa’y nagpapainit lalo sa mga mainit nang mga katawan.

Kakaiba ang gabing iyon. Ang pinakamainit na gabi sa buhay ni Pepe.

Nakita niya ang kanyang kamay na itinataas ang tshirt ng nobya. Malalaki ang paglunok ng binata sa unti-unting pagpapakita ng makinis na balat ni May. Hanggang sa kitang-kita na niya ang manipis na puting bra, ang mga maliliit na bulaklak sa disensyo nito’y umaagaw sa mga mata ni Pepe upang makita ang kabilugan ng dibdib ng nobya. Hindi ito malaki kagaya ng pinapantasya ng binata. Pero alam niya sa sarili niya na ito ang kailangan niya. Tanaw niya mula sa distansya kung gaano nalang kaliit ang hadlang nilang dalawa. At napagpasyahan niyang alisin na ng tuluyan ang hadlang.

Ramdam niya sa dulo ng kanyang mga daliri ang init ng balat ni May. Ang bawat hininga ng dalaga ay nagsasabi kay Pepe na nasa tamang daan siya. Umakto siyang tatanggalin ang manipis na hadlang nang magsimulang pumatak muli ang luha sa mata ng nobya. Nangungusap ang mata ni May. Nagmamakaawa. “Tulong..”


Nagising si Pepe na nagriring ang cellphone nito. Isang tawag. Nang dinampot ng binata ang telepono ay sakto lang ang pagtigil nito. Galing kay May. Agad niya itong tinawagan, pero walang sumasagot. Baka napindot lang? Pinakiramdaman niya kung tatawag o magtetext ulit si May. Biglang bumalik sa isipan ni Pepe ang mga eksena sa panaginip niya. Sayang. Ramdam ng binata ang libog na nagpupumilit lumabas at sumabog sa katawan niya. Pero higit dito, ay ang pagtataka sa kinatapusan ng nasabing panaginip. Sinubukan niya uling tawagan ang nobya. Sumagot ka.. Walang sagot o paramdam na natanggap ang binata. Noong oras na iyon ay napuno ang dibdib niya ng kaba. Parang mga yabag ng kabayo kasabay ng biglaang panlalamig. Ngayo’y tuluyang nagbago ang gabi. Ang kaninang mainit na eksena ay napilitan ng malalamig na hangin ng pag-aalala.


Diyos ko po, ‘wag naman sana..



 Tulad ng Isang Blangkong Papel

Wala nang oras pa para maduwag. Ito na siguro ang dahilan kung bakit kakaiba ang pakiramdam ng binata sa gabing ito. Maya-maya pa’y napansin niyang tumutulo ang kanyang luha. Unti-unting bumibigat ang kanyang dibdib habang nararamdaman ang paglalapit nila ni May. Ilang minuto bago mag-alas dos nang umalis ang binata sa bahay nila nang walang paalam. Bawat segundo sa loob ng taxi ay tila isang taong nasasayang. Para siyang nakakulong. Walang magawa si Pepe. Tanging pagdarasal ang sandata niya sa mga oras na iyon, kasama ng pag-asang sana, maging maayos ang lahat.

Tabula Rasa?” nagtataka ang kilay ni May.

“Oo. Ayun yung tawag sa blank sheet of paper. Greek ba o Latin ‘yun? Ay ewan,” paliwanag ni Pepe.

“Eh anung maganda run?”

“Parang tayo kasi ‘yun.”

“Ha? Pick-up Line ba ‘yan?” natatawang biro ng nobya.

“Ogag. Tayo. Lahat ng tao. Tabula Rasa.”

Kitang-kita sa mga mapupungaw na mata ng dalaga ang pagkalito. Naghihintay sa punchline ng nobyo. Handa nang tumawa.

“Walang mayaman, walang mahirap. Walang mataas at walang mababang uri ng tao,” nakangiti si Pepe habang nakahawak sa ulo ni May, ang isang kamay ay may hawak na bond paper, “Noong ginawa tayo ng Diyos, pantay-pantay tayong lahat. Walang lamang. Lahat blangko.”

Tango lamang ng ulo ang isinagot ni May sa paliwanag ng nobyo pero patuloy parin itong nagsalita. “Ang lahat ng nakasulat sa isang papel, at ang lahat ng kulay na ipinipinta rito, lahat ‘yun tao lang ang naglagay. Tao ang nagbibigay pangalan o label sa kapwa tao. Tao ang naghuhusga sa kung sino o ano siya o ang kapwa niya. Kapag ang isa ay mayaman at may puwesto sa lipunan at ang isa naman ay mahirap at namamasura, sa tao lang importante ‘yun. Tao ang huhusga sa gawa ng tao. Pero ang Diyos ang huhusga sa gawa Niya. At dahil ginawa Niya tayong blangko, ang pagiging blangko ang titignan Niya—at hindi kung ano man ang idinidikta ng ating kapwa sa atin.”

“Mas importante ang sinasabi ng Diyos tungkol sa atin? Kesa sa mundo? So ‘pag sinabi ng iba na masama ako, hindi ko dapat pakinggan? YOLO? Ganun?” nagbibiro ang tono ngunit malaman ang sagot ng nobya. Tama nga naman.

“Lahat tayo blangko nung umpisa. There’s still a white space in all our hearts. All we have to do is to erase those inks of negativity that we have acquired living in this world. Go back to Him. He will bring us to our original form—a clean sheet of paper. No marks, no scars,” seryosong sagot ng binata.

“Hoy Pepe. Nagdodroga ka ba? Gusto mo magsuntukan tayo?”


Naghahalo na lahat ng negatibong emosyon sa katawan ni Pepe. Galit, lungkot, panlulumo, panghihinayang, pagsisisi.. Luto na, kumukulo pa. Tulala ito habang inaanalisa ang nakikita. Ni hindi siya makapagsalita. Tinangka niyang sumigaw, ngunit wala siyang narining na boses. Gusto niyang umiyak. Gusto niyang saktan ang sarili. Gusto niyang magwala.. Pero ayaw ng katawan niya. Masyado na itong pagod sa bugbog—pisikal, emosyonal, at mental. Wala siyang kakayahang bumalik sa dati niyang pagkatao.. Wala na siyang magawa.

Naramdaman niyang nawawala ang lakas niya, kasabay ng kawalan ng pag-asa. Pinagmasdan niya ang kanyang paligid at kung paanong ang lahat ng ito ay umiikot sa kanyang paningin. Tanging hiling na lamang ni Pepe’y sa kanyang pagbagsak, kasamang mawala ang lahat ng diramdam niya. Lahat ng sakit. Lahat ng poot. Lahat ng nangyari.

At katulad ng lahat ng teleserye, huling darating ang mga pulis sa eksena. Makikita nila sa isang maliit na barung-barong ang isang dalagitang walang saplot at matandang lalaking nagbigti na parehong hindi na humihinga, kasama ng isang walang malay na binatilyo, hawak-hawak ang isang blangkong papel sa kanang kamay..



*****