Mga Pahina

Translate

Translate

Translate

Biyernes, Nobyembre 27, 2015

In Your Eyes

Deep in your eyes I found my place. Deep in your heart I found my hope. I have thought in my life that I have seen all the colors. Until the day you taught me to love, it is so much an honor To be with the most extraordinary, The prettiest valentine in every February. Your charming sways and sweetest smiles Even the moon looks dim when your face shines Have I forgotten to tell you, Your eyes' sparkle under the night where there seems only me and you Yes, it is in your eyes that I felt love And it is your heart that I will love How I'm blessed to have a reason And be in love with my favorite person.

Linggo, Nobyembre 22, 2015

Para Sa Mga Ututin II

‘Bakit mo gustong sumali ng *toot*?’

Muling naibalik ang tanong na ito sa amin kama-kailan lang. Dalawang taon na ang lumipas mula noong una naming narinig ang salitang ito. At sa loob ng dalawang taon na iyon, marami na ang nangyari.

To cut the story short, marami na ang “nawala”. Yes, nilagyan ko ng quotation marks para mabigyan naman ng hustisya ang mga kanya-kanyang rason ng tao kung bakit nga ba sila dumistansiya na. Trip lang? Tinatamad? Strict ang parents? Other responsibilities? Pero kung ano pa man yan, isa lang ang sigurado—masakit. Aray ko bh3. Kulang na ang feeling. At sa ayaw naming o sa gusto, hindi na maibabalik yung mga dapat sana’y kumpletong journey namin together.

Naaalala ko pa noong mga oras na binibilang namin kung kumpleto kami o kung sino nalang ang kulang. Madalas noon, parating absent na si Epoy. Wala eh. Part time sa amin, full time chikboy. Joke. Dati, nakakatakot mawala sa bonding times at activities. You’ll definitely miss the fun! Hindi mo maririnig yung mga kwentuhan, hindi ka makakasali sa harutan, at hindi mo maaamoy si Timbang. Ah, si Timbang! Si Twinkle, I should say. Ang paborito kong kapatid! Wahaha (bias). Maaga palang din, medyo nawala na ang lola niyo. Hindi naman nawala, lumayo lang ng bahay. Mga bundok lang naman ang pagitan sa Manila. Ang masaklap pa neto, hindi mo naman maipipilit na mai-commit ang oras ng tao kahit na gusto niya, for some reasons. Idagdag pa natin, maaga rin humina ang signal namin sa magkapatid na Allan at Hannah. Family interventions. Well, hindi naman siguro intervention, normal na magulang lang na iniisip ang kapakanan ng anak. Most of the time, present parin naman si Allan hanggang sa one bar nalang din ang signal. Nasanay nalang kami. I mean, kulang oo. Pero naiintindihan naman naming na imposible na nga kami makumpleto ulit exept for very special occasions.

Bukod sa mga kapatid kong halimaw sa choir at matatalino, proud din ako kay Jen. Varsity siya ngayon ng PUP Women’s Volleyball Team. Mas nakaka-proud pa kasi ‘yun yung way niya para makapag-college. Kaya noong naging busy narin siya, hinayaan na namin. Nabawasan ng maingay saka mapanakit sa grupo. Ito na rin yung time na pasulput-sulpot nalang si Martin. Masaya naman ako kasi naghahanap siya ng paraan para magka-trabaho at magkaron ng kita. Sipag no? Kute ‘yan eh! May worker ka na, may clown ka pa! Kung ako presidente kukunin ko ‘yan.

Ito yung mga panahong marami-rami na rin kaming activity sa PYM. Medyo batak na yung mga natira. Tahaha. Batak sa uwiang madaling-araw. HAHAHA. Joke. Nakakatuwang isipin na sa kahit ganito ang sitwasyon, may mga oras pa rin na nakukumpleto kami. Rak siyempre! Saka mas nakakatabab ng puso na nilu-look up kami kahit papano ng iba kasi mas malakas pa sa Mightiest Bond ang pinagsama-samang utot namin. Masaya kasi kahit papano, alam kong matino ang mga kasama ko at nakakapag-bigay kami hindi lamang ng manpower kundi ng halimbawa sa pagsisilbi (sana). Kahit na may mga problema, sinusubukan naming maging in-touch sa mga iba. New blessings pero by this time, medyo hindi na rin ganoon ka-active ang isa pa naming bunso (na ka-edad ko lang naman talaga) na si Jojie. Pero siyempre, mas pinagbubutihan namin ang trabaho para maging gabay ng mga bata. Kaming mga coordinator (Kuya Neil) at asst. coordinators (Kakay, ako) din ay nabigyan ng chance para mag-observe sa mga gawain ng isang officer. Sa basbas ng mga nasa taas, pinunan namin ang pwesto ng mga walang officers gaya ng Internal VP, Secretery, at Auditor. Kahit na may mga kumwestiyon, marami ang sumuporta kahit papano. Ang nostalgic pa nga noong pinasa na naming ang pwesto ng coordinators kina Archie at Deanne.

Naaalala ko noong wala pang appointment, Senakulo. Masaya ako kasi at last! Nagampanan ko na rin ang role bilang si Hesus. Isa ito sa mga pinaka hindi ko malilimutang moment. Kaso sa totoo lang, nakakapanghinayang na hindi kami kumpleeto this time. Going back last year, kumpleto kami sa Senakulo. Kung kelan ako yung gumanap, anak ng teteng! Sa mga ganitong time mo talaga mas ramdam yung kakulangan. Naaalala ko rin habang nag-uusap kami about this topic, nasabi sa akin ni Kingrey na “wag ka naman mawawala”. Nagbibiruan kami nun. Biro? Samantalang ngayon...


I am currently writing this part of the non-sense a few hours after 12am. At sa hinaba-haba ng pagre-reminisce ko, ramdam ko ang pagka-miss ka lahat. Sa oras ding mga ito, hindi lingid sa kaalaman nila na hindi na ako active member ng PYM. Or should I say, nagdesisyon na akong lumayo sa simbahang iyon. For some personal reasons na mahirap banggitin, umalis ako. Ang stupid no? Ako itong nag-oorganize at nalulungkot para sa mga nawala pero ako itong ‘nawawala’. I know what they feel, especially yung mga natitira sa amin. Masakit, lalo na’t mas matagal na yung pundasyon naming magkakasama. Malungkot, kasi alam kong nagkaroon sila ng hope sa akin kahit  konti. Although merong isang umamin na na-predict na niya na aalis din ako someday, kahit ako mismo, I didn’t saw this coming.  Alam niyo yung God’s will? I know, God is perfectly moving my life into its chapters. And faith is something I will defend forever. Sa ilang mga kadahilanan, umalis ako para i-save yung sarili kong koneksiyon kay God. In other words, mas pinili kong isakripisyo yung bond ko sa PYM para sa bond ko sa Diyos.

Selfish? Pwede niyo akong sabihan ng kung anu-ano. Anyway, alam ko namang mahirap intindihin. Pero sinusulat ko ito hindi para depensahan ang sarili ko, kundi para humingi ng tawad lalo na sa Jamtots. Sorry. Alam kong hindi pa sapat ang maraming salitang ito para mapalitan ang ka-gwapuhan ko sa mga puso niyo (Naks), pero hindi naman ako nawala. Andito parin ako, ready sa galaan at kainan. Tahaha. I may not bring back the past but our bonds will last forever. Sana. Sigurado, maapektuhan yung mga familiarity, pero sana hindi mawala yung mga pinagsamahan at mga pwesto natin sa puso ng isa’t-isa. Habang-buhay kong isasapuso lahat ng pinagsamahan natin at mga lessons na nakuha at makukuha ko sa inyo. Iba man tayo ng paniniwala, naniniwala akong hindi dapat magkaron ng permanent walls sa friendship nating lahat. TENfinity to mga bh3! Wooooohhh! Salamat sa lahat!

Yung sagot ko two years ago sa tanong kung bakit ako sumali, most likely hindi talaga ‘yun bukal sa puso fully. Basta gusto ko lang sumali, honestly. Pero never kong pagsisisihan ‘yun. God gave me you nga eh! Simula unang utot hanggang sa pag-alis ko at hanggang sa kung ano mang mangyari sa future, Jamtot ako sa puso ko!

May the good Lord bless you always! Love you ‘men!



Your hottest kapatid,

Papa Peps