12 / 26 /
14
Alam mo,
napakarami kong gustong ipagpasalamat sa'yo. Masyado atang
maraming nangyare sakin. Masasaya, malulungkot. Natural. Lahat naman ata ganun.
Kahit ata yung oregano namin sa paso, maraming masasabi kapag tinanong kung
kumusta yung isang buong oras niyang kasama ka.
Ewan ko ba. Pakiramdam ko kase, parang nauubos na yung oras. Parang sa tuwing matatapos ang isang araw, feeling ko mauubos na rin ang hangin. Parang anu mang oras, kukunin na ako.. tayo ni Lord. Hindi naman sa nananakot, pero ang lakas ng pakiramdam ko na malapit na yung ‘end of the world’ na sinasabi nila. Kaya siguro ganun na lang kung namnamin ko yung mga nangyayari sakin. Malay ba natin, baka nga magkatotoo yung pakiramdam ko. Kailan pa ba natin matututunang i-appreciate ang mga bagay? ‘Pag ‘end’ na nga? O kapag lupa na rin tayo kagaya ng mga nasa paso ng oregano?
Ewan ko ba. Pakiramdam ko kase, parang nauubos na yung oras. Parang sa tuwing matatapos ang isang araw, feeling ko mauubos na rin ang hangin. Parang anu mang oras, kukunin na ako.. tayo ni Lord. Hindi naman sa nananakot, pero ang lakas ng pakiramdam ko na malapit na yung ‘end of the world’ na sinasabi nila. Kaya siguro ganun na lang kung namnamin ko yung mga nangyayari sakin. Malay ba natin, baka nga magkatotoo yung pakiramdam ko. Kailan pa ba natin matututunang i-appreciate ang mga bagay? ‘Pag ‘end’ na nga? O kapag lupa na rin tayo kagaya ng mga nasa paso ng oregano?
Hindi pa
nga tapos ang taon, medyo senti na ako. Pasensya ka na. Wala na kasi akong
panahong magdrama kapag lunod na ako sa mga pagkain at videoke sa pag-alis mo. Kaya hangga’t kaya ko pa, konting throwback muna.
12 / 27 / 14
Nag-coconspire ang universe para hindi ako makagawa ng homeworks. Parang lahat, gumagawa ng paraan para ipagpa-bukas 'tong mga gawain ko. Bahala na. Nahawa na rin ako sa kaklase ko sa linyang 'nag-coconspire ang univerese'.
Naisip ko rin, 'wag ko na kaya ikwento sayo isa-isa ang mga nangyare? Kung araw-araw kase throwback ang gagawin naten, medyo scripted yun. Basta anything goes nalang, okay?
Wow. Lufet. Ang ningas-kugon ko.. talaga! Parati nalang ganito. Yung mga nauuna kong plinano, nauuwi sa drawing. Sa umpisa lang ako madalas magaling. Ang saya. Pasensya ka na ah? Naiinis pa naman ako minsan sa mahal ko kasi ang ningas kugon niya. Tapos ako rin pala ganun. Soulmate? Yiiee. Lul! Walang poreber! ‘De biro lang.
Hindi ko lang din siguro maiwasang hindi malungkot kapag may mga taong nakokornihan sa mga gusto ko, lalo na kapag sila mismo eh mga mahal ko sa buhay. Yung pakiramdam na pinagtatawanan nila kase panget daw yung pinili mong magandang damit para sayo. Parang ganun yung feeling. Eh wala eh. Mahal ko ang art. Mahal ko ang Pinas. Makornihan na ang makornihan pero ayun ako eh! Tangina! Akala ba nila madali magmahal ng 7,100 islands? Siyempre kasama na run ang pagtanggap sa mga tao at sistemang mayroon ito. Yung reyalidad na naririto, dapat mulat ka kahit papaano. At higit sa lahat, dapat may pakialaam ka sa lahat ng ito! Hindi lang basta pakialam, dapat may pangarap ka rin para sa kanila.. sa kanya. Hindi naman ako perpekto. Nasasaktan lang ako kapag pakiramdam ko, kaunti nalang ata kaming naghahanap-buhay para may makain ang Ina.
Taon-taon nalang sinusubok ang Pinas no? Kapag umalis ka kaya, ano nanamang pasalubong ang dala ng kapalit mo sa Ina? Malakas na bagyo? Sakit? Dagdag na gulo at giyera? Mas maraming droga? Mas maraming alien pero dagdag din na bilang ng professional tambays?
Ayoko nang maging ningas-kugon. Gusto ko rin talagang maging simula ng pagbabago. Pero hindi puro simula. Gusto ko yung matatapos!
1 / 1 / 15
Namiss mo ba ako?
‘Wag ka mag-alala, mamimiss din kita..
Pasensya na kung hindi ako nakasulat sayo.. hanggang sa nakaalis ka na pala..
Ni hindi manlang ako nakapag-paalam..
Maraming nangyare sa nagdaang mga araw. Natapos namin at naging successful ang ambush outreach. First time ko ‘to. Gamit ang isang sasakyan, inikot namin ang mga kalapit na kalye sa loob at labas ng cubao para i-ambush ang mga makikita naming taong grasa at pulubi, para bigyan sila ng kakaunting damit at pagkain na nakayanan namin. Masarap sa pakiramdam. Lalo na kapag nakikita kong mga bata ang natutulungan ko. Wala akong karapatang magreklamo sa kakapiranggot na hirap na nararanasan ko. Eh sila nga, karton lang ang sapin sa gabi e, minsan nga wala pa. Masaya pero malungkot din. Sana nga talaga eh mas marami pa akong tulong na maibigay sa kanila. Pero sa tuwing maaalala ko si Lola nung isang araw, napapangiti ako. Siya at ang mga kagaya niya, ay
simbolo ng mga pagsubok na araw-araw din nating nalalampasan sa tulong ng Maykapal.
Maraming nangyare pero ito talaga yung paborito kong ikwento sa’yo. Kung paanong ang mahihirap na kagaya namin ay sumusulat na sari-sarili naming mga istorya. Sila(kami) kasi ang sumasalamin sa pagdaan mo. Bago ka dumating, may kahirapan na. At hanggang ngayon, kitang-kita paren kung paano kami pinapahirapan ng sumpang ito.
Walang perpekto. Katulad ng sulat kong ito. Irregular nga kung sabihin ng iba. Baka nga kung mabasa man ito ng ibang tao, awayin ako para sa mga mali-maling spelling at pag-gamit ko ng grammar. Pero wala akong pake. Ito talaga ang gusto kong sabihin eh. Medyo magulo ang konstruksyon pero hayaan mo na. Sorry na bh3.
Hindi na akong umaasang mawala ang kahirapan. Sana nga lang, dumating na si Lord. Hindi man literal, kundi sa puso ng bawat tao. Tulad ni Lola, natutunan kong hindi ang ‘end of the world’ or end of your life ang katapusan ng mga problema naten. Lahat yan pagsubok lang. Hindi naten kailangang antayin si Lord na bumaba sa langit. Kase simula palang nung una, kumakatok na siya sa puso naten. Ang kailangan nalang nating gawin ay papasukin siya at hayaan siyang maneobrahin yung lahat-lahat ng mayroon tayo. Ewan ko ba. Bakit kapag si God ang pinag-uusapan, ang korini no? Ganyan din ako dati. Pero unti-unti natututunan ko siyang patuluyin. Oo hindi ako perpekto. Baka nga murahin ako ng iba kapag nabasa ‘to eh. Wala na rin akong pakialam. Pero sana.. sana nga lang.. yung kasunod mo, dalhin kaming lahat papalapit sa Ama please? Sana.
Anyway.. Kung nasan ka man ngayon, ikumusta nalang ako sa mga dating bumisita sa amin ah! Noong bagong dating ka, nailuha ako habang nanonood ng fireworks, kasabay ng bagong hope sa future. Ngayon namang umalis ka, naluha nanaman ako. Naiyak ako sa yakap ng isang kaibigan. Binulong niya, “..hindi naman pwedeng hindi ko batiin ang kapatid ko..” Simple lang no? Naiyak ako kasi itinuturing niya talaga akong kapatid.. NILA—ang mga kasama ko sa simbahan. Naging mas malapit din ako sa Ama dahil sa kanila. Masaya na kapatid ang turingan namin. Sana’y mas maging matatag pa kami sa hinaharap. Bigla ko tuloy naalala yung iba kong circle of friends.. Namimiss din kaya nila ako? Naalala? Tinuring na kapamilya hanggang ngayon? Mahirap sabihin. Pasensya na. Tagdrama talaga ako tuwing ganitong panahon. Basta ako, mahal na mahal ko silang lahat!
O sige na. Wala nang maayos na kwento itong mga pinagsasabi ko. Paalam sa’yo 2014! Hello there naman sa’yo kaibigang 2015! Bati tayo ah? Mahaba-haba pa’ng biyahe naten. Tara!
--Pepay