Mga Pahina

Translate

Translate

Translate

Sabado, Agosto 30, 2014

Gaano ka katatas magsalita ng Filipino aber?

Kailan lang ay napagtripan kong manood ng piniratang English horror movie na nakita ko lang na nakakalat sa mesa. Kahit na halos kabisado ko na ang mga eksena dahil sa pagspoil ng mga kapatid ko, pinagtiyagaan ko pa rin ang pirated DVD. Sa panonood ko ng pelikula, natawa ako dahil sabog ang mga ingles na subtitle. Kung hindi man naka-shabu ang gumawa nito, malamang galing ito sa ibang bansa dahil kung Pilipino man ang may gawa nito, mas maayos naman siguro yung subtitle. Filipino is too good to be true when Englishing, you know.

Bakit pa kasi kailangan ng English subtitle sa mga English movies? Ito ay para mas maintindihan ng mga karaniwang tao sa ibang bansa ang istorya. 'Di tulad nating mga Pinoy na medyo eksperto "raw" sa pag-intindi ng wikang banyaga.

Masaya naman ako na kilala ang Pilipinas na magaling sa pagsasalita ng Ingles kumpara sa mga kapitbahay nating bansa. Pero siyempre, nakakalungkot isipin ang katotohanang mas pinag-aaralan natin ang wikang banyaga kesa sa sarili nating wika. Katwiran na kasi ng karamihan na hindi na raw dapat pang pakialaman ang Filipino dahil alam na alam na "raw" natin ito, at dapat pagtuunan ang pag-aaral sa ibang wika para sa ikauunlad "daw" ng bayan. Ang solusyon? 'Wag na kasing isipin ang katotohanan para hindi na masaktan. Joke. Well actually, truth hurts.

Pero talaga bang alam na alam na natin ang Filipino? O mas dapat pa nating itong palaguin at pagtibayin?

Nakasama na ako sa isang excursion/outreach activity ng isang foundation sa Balanga, Bataan. Noong una, akala ko simpleng bakasyon lang ipinunta ko roon. Nagulat ako noong nakita ko ang isang linggong schedule. May hiking kami! Excited ako (alam ko wala kayong pake). Sa dulo ng maputik at matarik na dinaanan namin ay ang komunidad ng mga Aeta sa itaas ng bundok. Kahit na mga Kano ang mga kasama kong volunteers, nagkakaintindihan sila ng mga Aeta at iba pang Pinoy volunteers. Partida, super kalabaw ang gamit ng mga kababayan nating Ingles sa pakikipag-usap sa mga forenjers. At kahit ganito sila makipag-usap e nagkakaintindihan sila ng mga Kano. Hindi lang siguro ako sanay dahil sa Maynila, pinagtatawanan ang mga mali-maling grammar. Samantalang sila mismo, ang mga Kano, walang problema rito basta masabi at maipaintindi mo ang gusto mong iparating.

Ang hirap sa ating mga Pilipino, kung makapangutya tayo sa mga maling Ingles ay ganun na lang. Kung sino pa ang nanghihiram ng lenggwahe, siya pang mausisa. Kapal no? Samantalang wala rin naman tayong galing sa pagsasalita ng Filipino.

Kaya hangga't maari, sinisikap kong gamitin ang Filipino sa kahit anong oras. Kagaya ng marami, hindi ako perpekto sa pagsasalita nito, kahit na sa buwan lang ng Agosto. Dito nga lang sa mismong binabasa mo e hindi pulido ang Filipino ko.

Medyo mahina ako sa English. Kung meron mang subject na napapanis ang laway ko buong term o quarter ng school year, ito ay ang English subjects. Naaalala ko noong nasa ikatlong taon ako sa high school, literal na napapanis ang laway ko dahil hindi ako nagsasalita kapag English. Hangin lang ang nakakarinig sa mga sagot ko noon kapag nagdidiscuss si ma'am. Kaya nga mas gusto kong may writing activity. Para kahit mali ang grammar ko, ako, si ma'am, at si Lord lang ang nakakaalam.

Minsan nang napatunayan na ang hindi pagkaka-isa sa wika ay nagpapakita ng hindi pagkakabuklod. At ang hindi pagkakabuklod na ito ang dahilan kung bakit madali tayong nasakop noon ng mga dayuhan. Iba't-ibang isla, kultura, at wika ang nananalaytay sa mga Pilipino noon kaya walang pagkakaisa laban sa mananakop.


Kaya tayo may pambansang wika ngayon ay para magsama-sama tayo. Sa panahong hindi lamang lenggwahe ang impluwensiya sa atin ng ibang kultura, mas kailangan natin ang isa't-isa para umunlad. At sa panahong ito, mas maraming Pilipino pa ang kailangan natin sa pagkilos--mas marami pa kaysa noong 1886 sa EDSA..

Martes, Agosto 26, 2014

Tabula Rasa

Tabula Rasa
ANO NGA BA ANG KABAYANIHAN?


Felipe Cabreza

“Ano na pong nangyari pagkatapos nun sir?” tanong ng isang estudyante, “kawawa naman po ung binata.”

“Mas kawawa yung girlfriend. Nirape ng tatay,” sagot naman ng isa.

“Pareho lang. Nag-end yung relationship nila ng ganun. Awtsu,” pagpapatahimik ng pangatlo, “Eh anu na nga po bang nangyari sa binata, sir?”

Napasarap ang kwentuhan sa klase ng Retorika ngayon. Kaiba sa mga nakaraang araw, mas masigla ngayon sa pagtuturo si Prof. Felipe Cabreza. Dala siguro ng apat na linggong bakasyon nito?

“Pasensya na. Alam ko namiss niyo ako. Pero kakalabas ko palang ng ospital. Next time ulit ako magkukwento,” kaswal lang at parang barkada magkwento itong “facilitator” na ito. Kaya hindi kabado sa kanya ang mga mag-aaral. Ang resulta? Mas magandang resulta.

“May date ka ata sir eh?” biro ng isang estudyante. Napatingin si lamang ang “faci” sa cellphone niya ngunit nakikinig ang mga tenga nito.

Hoy, umuwi ka na. Baka mabinat ka niyan Hinahanap ka na ng tatay mo. Kanina pa puno ang inbox ng batang propesor, galing sa nanay.

“Oh, tignan niyo si sir o, ngumingiti sa text. Yieeeeee,” mga tarantadong estudyante. Matapos idaan sa kwento ang “faci” upang iligaw ang dapat sana’y “surprise quiz” tungkol sa mga bayani, eto’t namemersonal naman.

Kanina lamang ay idiniscuss ng propesor na ang lahat ay pantay-pantay, lahat ay may kakayanang maging bayani gaano man sila kasimple o kasama sa mata ng iba. Katulad ng magulang. Minsan, darating sa punto ng buhay na sila’y hindi maiiwasang maging masama sa mata ng mga anak nila. Pero ano man ang mangyari parati silang nandiyan, tunay na nagmamahal at handang magsakripisyo para sa kanilang anak, gaano man kalaki ang kasalanan nito sa kanila. Anu man ang pagsubok na dumating sa buhay ng anak ay tungkuling ng magulang gabayan parin ito at turuang tumayo sa pangalawag beses, at ganoong klase ng magulang mayroon si Felipe, “sino po ba ‘yan sir?”


“Wala naman. Nagtext lang yung superheroes ko..”

***

Ang Mga Biro

“Nak, ‘pag bumigay, tirahin mo na!” hindi na natutuwa si Pepe sa mga biro ng tatay niya. Para kasi sa kanya, hindi masayang pag-usapan ang girlfriend niya, lalo na’t galing ito sa bunganga ng mahal niyang ama. Hindi dahil sa masama ang timpla ng hininga nito, kundi minsan, ang biro nito’y hindi biro.

Mga birong hindi biro. Nakangiting bulong ni Pepe sa sarili. Kanina pa kasi tuyot ang kanyang utak kakaisip ng topic para sa kanyang gagawing sulating ipapasa bukas sa Retorika.

Tatlong sunud-sunod na linggo na ring wala ang propesor niya sa Retorika. At gayun din, tatlong linggo na rin ang takdang ito. Kung bakit ngayon niya lang ito ginagawa ay walang nakakaalam. Siguro ay nalilimutan niya, o kaya’y mas makakas ang katamaran. Ngunit hindi tamad si Pepe, sabi niya. Aba’y napaka-kapal ng mukha. “Nagpa-homework pa e hindi naman pumapasok,” at nakuha pa rin niyang magreklamo sa kabila nang tatlong linggong hindi paggawa ng takda, “putang ina niya.”

Matapos ang duguang pagpiga sa ulo, makaisip na siya ng paksa. Sa wakas, sabi ni Pepe may lumabas ding maganda sa bunganga ng tatay niya—hindi bad breath, hindi biro, kundi birong hindi biro!

Isang masiyahing tao ang ama ni Pepe. Kaya lang minsan, sumusobra. May mga biro na itong hindi dapat. Siguro kase medyo insensitive ito sa ibang tao. Pero iniintindi nalang niya. Nasanay nalang din siyang nasasaktan nito. Sa katunayan nga, may mga gabing lumuluha si Pepe bago matulog. Ito ytung mga panahong diramdam niya ang mga sinasabi ng ama niya. Gusto ni Pepe ng malaman. Sa karne, sa mga pinapanood at binabasa, sa dibdib ng babae, pero isang laman ang ‘di niya kayang matikman, ito yung mga laman ng mga salitang galing sa ama niya.

Mga birong hindi biro. Minsan kasi, hindi na talaga masaya ang mga sinasabi ng tatay ni Pepe. Sa mga seryosong usapin, mas masakit kapag ginagawa itong katatawanan. Parang nilulugmok ang binata, hinihiya. “Mas mabuti pa ang malamang dibdib ng babae,” sabi ni Pepe. Kay bilis mabaling ng atensiyon ng binata na mula sa ama e napunta sa pagpapantasya. ‘Di na nagsayang ng oras ang loko. Kaagad nilock ang kwarto, binuksan ang zipper, at hinayaang maging malaya ang bespren niya.

Tawagin nalang natin ito sa pangalang Pepito. Matayog ang pagtayo nito parang pangarap ni Pepe. Napakasarap mangarap. Hinagod ito ng binata bilang pangangamusta. Sa panahon ng kalungkutan at kabugnutan maasahan si Pepito. Palagi siyang handang tumayo ano man ang sitwasyon. Madalas nga e bigla nalang itong uumbok habang nasa klase si Pepe. Mabuti kung nakaupo, pero nakakahiya kapag nakatayo o naglalakad ang binata. Bukod sa nakakahiya, masakit ang pagtayo ni Pepito. Naiipit si bespren.

Tunay ngang mapagbiro ang buhay. Minsan, ililigaw ka nito habang sinusubukan mong tumungo sa kung saan—katulad ng sitwasyon ni Pepe ngayon. Hindi magtatagal ay idudura ni Pepito ang bunga ng kanilang paglalaro. At sa puntong ito ay mamalayan ni Pepe na wala pa siyang nagagawa sa sulatin niya. Maiisip niyang minsan, ang sarap pala sa pakiramdam na mabiro ng buhay.


Si May, ang “facilitators”, at ang Uno

Nakakatamad. Buong araw na lumalabas kay Pepe ang buntung-hiningang marami ang nakakagawa rin. Mga estudyanteng nababagot sa pagpasok at pag-asang balang araw, may darating sa kanilang mga propesor.

Nakakatawang isipin na ang mga mag-aaral, kapag ganitong wala ang propesor ay namimiss magklase pero kapag nariyan e ayaw, lalo na’t may pagsusulit na bitbit ang walang hiya. Ngunit hindi walang hiya ang mga propesor. Dahilan lang nila na hindi raw nila obligasyong isubo sa mag-aaral ang liksyon na dapat nitong matutunan. Facilitators nalang raw sila. Estudyante na ang kailangang dumiskubre at dapat matuto nang pansarili.

10:30 ng umaga hanggang 7:30 ng gabi ang iskedyul ng klase ngayon ni Pepe. Tatlong asignatura: tig-isa’t kalahating oras ang unang dalawang subject na may isa’t kalahating oras din nang pagitan, at tatlong oras naman sa pangatlo, na may isa’t-kalahating oras din ng break bago nito. Ang huling subject ang Retorika, ang tanging hinihintay ni Pepe. Ilang oras na ang nagdaan pero walang dumatin ni isa sa mga putang amang “facilitators” nila sa unang mga asignatura. Ang resulta? Buong araw na nganga, sa breaktime ay kumakain, pero mas mahaba ang pagnganga. Literal na nakanganga ngayon si Pepe na abala sa pag-iisip ng istratehiya sa paglalaro ng Uno. Naging libangan na nila ng mga kaklase niya ang paglalaro niyo habang naghihintay sa wala.

May mabuti at masamang epekto ang paglalaro ng Uno para kay Pepe at sa mga kasama niya. Dahil dito, nababawasan ang pagkabagot sa paghihintay sa mga “facilitators”. Nakakatipid din  ito dahil tiyak, kung walang Uno ay gastos nanaman ang gagawin ng mga kupal. Kumusta naman ang isang araw na pagpasok ngunit walang klase? Bukod sa pagod at pagkabagot ay nasasayang din ang oras at ang pera, mga bagay na mahalaga sa tulad ni Pepe na mahirap lamang.

Isa lang ang nakikita ni Pepe na masama sa paglalaro ng Uno. Hindi ito dahil sa si Winnie the Pooh ang disenyo ng mga baraha (Nakahubad kasi si koya, SPG), kundi dahil nakakasira ito ng pagkakaibigan. Kulang na lang ay tadtarin ni Pepe ng mura ang mga kalaro niya kapag napaparusahan siyang bumunot ng marami pang mga baraha sa kamay. Hindi niya rin matanggap kapag natatalo siya. Nakakatamad kasing magbalasa ng baraha, ito ang parusa ng mga talunan kasama ng paglubog ng itlog at pride ng mga ito.

“Dapat pala hindi ko nalang ignawa yung homework kagabi,” pagrereklamo nanaman ni Pepe,”para naman may ginagawa ako ngayong may kinalaman sa pag-aaral.”

“Pag-aaral din naman ang Uno ah?” kung makapag-react si May e akala mo naman naglalaro rin.

“Aba’y graduate na ko rito. Eksperto na kaya ako sa pagsira ng pagkakaibigan,” pagbibiro ni Pepe, nagtawanan ang grupo.

“Buti nalang hindi ako kasali,” may paglalanding sagot ni May sa nobyo, “baka masira pa yung relasyon natin, ‘di ko kaya yun no!”

Ulol. Sabi ni Pepe sa sarili. Pero sa loob ay natuwa ito. Kinilig kumbaga. Aba’y kung wala si May e hindi rin naman ito gaganahang pumasok. Si May, hindi ang “facilitators” o ang Uno, ang nasa priority ni Pepe. Alam niyang mali, pero alam niya ring tama.

Tama. Nangingiti si Pepe. May tama na talaga ako sa kanya. Hindi halata sa mukha ng binata ang mga ganitong nararamdaman. Magaling kasi siyang magtago ng mga emosyon. Pero kabisado na ni May ang kislap sa mata ng nobyo.

“Pabasa naman ako ng gawa mo!” niligaw ni May ang usapan. Nahiya ata sa iba nilang kasama.

Kung meron mang masugid na tagahanga si Pepe sa kanyang pagsulat, walang iba kundi si May iyon. High School pa lamang sila nung nalaman niyang adik ang dalaga sa mga lathalain at prosa ni Pepe. Kilala kasi ang binata noon sa kanilang eskwelahan bilang isang magaling na Campus Writer. Ngunit hindi lang sa pagsulat matibay si Pepe, sa katunayan ay kilabot siya noon sa pagtuligsa sa mga guro niyang may mga ginagawang kabulagstugan. Matapang siya sa loob, kahit namukha siyang suplado at tahimik sa panlabas. Iyon ang nagustuhan ni May sa kanya.

“Bakit ganito?!” gulat na gulat si May sa nabasa.

Nang itanong ni Pepe kung anung mali sa sinulat, nalaman niyang siya pala ang nawawalang Chinese saint na si Santa Nga. Hindi pala kung ano lang ang topic nila sa sulatin sa Retorika kundi may nag-iisa lamang pala para rito—kabayanihan.

Naknampucha. Wala ni isa mang kaibigan o kaklase ang nagpaalam sa kanya tungkol sa paksa ng sulatin. Maging ang nobya nito ay ‘di manlang naisip na si Pepe at si Santa Nga ay iisa. Paraho silang nasa klase. Pareho dapat nilang alam ang paksa.

“Wala kasing ibang alam gawin ang senses mo kundi titigan ako e,” pagbibiro ni May na may halong pag-aalala. Sa puntong ito, wala nang labinglimang minuto ang nalalabi bago ang Retorika. At ngayon gagawa ulit si Pepe ng panibago. “Tutulungan na kit..” “Huli na bata,” tinapik ni Pepe ang kamay ng dalaga. Siguro nabigla lang ‘to. Mamaya okay na kami. Sabi ni May sa sarili..

“Hindi mo sinabi sa akin, wala kang kwenta,” bulong ni Pepe. Tila mas masakit ang mahinang daloy ng mensahe kesa sa pasigaw itong sabihin. Nanunuot mula sa tenga ni May ang mga salitang iyon patungo sa kaloob-looban ng mga buto nito. Sa pagkakataong iyon, mas nabigla ang dalaga sa mga nasabi ni Pepe sa kanya. “Wait. Magsi-cr lang ako,” pigil ang luha ni May sa pagtayo at pag-alis sa grupo. ‘Di gaya ni Pepe, hindi marunong si May na itago ang nararamdamang emosyon. Walang nagawa ang iba kundi panuorin ang mababaw na away na sumugat nang malalim sa knila noong araw na iyon. Pero ang sugat na ito ay mas malalim pa para kay May.


Pagguhit at Pagsulat

Natuyo na ang blangkong papel sa harapn ni May. Hindi siya makapagsimula sa gagawing pagguhit noong mga oras na iyon. Sa tuwing maaalala niya kasi ang nangyari kanina sa eskwela e wala na siyang ginawa kundi umiyak. Maya’t-maya niya kung tuluan ng luha ang puting papel sa harap niya. Bakit ganon?  Kadikit  na ni May ang pagguhit. Ito ang naghatid sa kany sa iba’t-ibang parangal simula pa lamang noong bata siya. Kung kailan dise-otso anyos na siya ay saka niya nararamdaman ang ganito. Tila bagang hindi na siya natutong gumuhit.

Hindi lamang mga medalya at tropeyo, ngunit buong pagkatao niya ang ibinigay sa kanya ng kanyang talento sa pagguhit. Ito ang nagbigay sa kanya ng kanyang pagkakakilanlan. Dito siya nakakapunta sa iba’t-ibang lugar gamit ang imahinasyon. Ngunit ni minsa’y hindi niya naisip na mas malaki pa ang mapupuntahan niya gamit ang talento. Noong nasa ika-anim na baitang ay nakilala niya ang isang batang lalaking taga-ibang distrito sa isang Arts Conference  sa isang paaralan sa Lungsod ng Quezon. Ang lalaking ito ay bahagi rn ng programa na nagsusulong iba’t-ibang larangan ng sining tulad ng pag-arte, pag-awit, pagsayaw, pagsulat, atbp. Noon hinangaan ni May ang isang tulang hindi niya malilimutan. Ang tulang ito ay sulat ng bago niyang kaibigan, na kasali rin pala sa patimpalak ng pagsulat hindi lamang ng tula, kundi ng sanaysay at maikling kwento. Ang dating hindi mahilig sa pagbabasa ay natutunang mahalin ang pagbabasa. At ang dating magaling sa pagguhit ay lalo pang gumaling. Ang kahusayang dala ng kanyang bagong inspirasyon ang nagtulak sa kanya para magpursige sa kanyang larangan. Simula noon, hindi na niya nalimutan ang batang lalaki.

Hanggang sa isang araw sa kanyang unang taon sa Sekondarya, nalaman niyang doon din nag-aaral ang dating kaibigan. Tagakabilang seksiyon! Tatlong taon ding hinintay ni May na maging magkaklase sila ng lalaking iyon. Palagi parin niyang binabasa ang mga ganun iyo lalo na sa kanilang school pape. Hanggang sa naging magkaklase nga sila nito sa senior year ng batch. Naging matalik na magkaibigan, hanggang sa naging magnobyo.

Dati’y sa pagguhit ang kasama niya sa mga sitwasyong ganito. Ngunit ngayon, nagtataka si May kung bakit hindi niya mailapat ang lapis sa papel. Sa tuwing aakma siyang guguhit ay naaalala niya ang pagdating ni Pepe. At nang sa pagdating nito’y lalong humusay ang dalaga sa talento, ngunit ngayo’y para siyang naging bobo. Hindi kaya siya talaga si Santa Nga?

Please? Kausapin mo ako L

Habang binabasa ni May ang text message ay lalo itong naluluha. Mahirap ang mga ganitong sitwasyon lalo na’t isang writer ang nobyo mo. Para kay May, magaling maglaro ng mga salita ang mga ito, mahirap pagkatiwalaan minsan. “Hindi ko na alam..” ni hindi niya maintindihan ang sariling sinasabi dahil sa sipon.

Napakamakapangyarihan ng salita, lalo na’t isa kang manunulat. Hindi kasi magsusulat ang isang tao nang wala ni kahit katiting na emosyon dito Napapaisip nga ang dalaga kung totoo ang laman ng mga salita knina ni Pepe. Wala kang kwenta. Hanggang ngayon, ay paulit-ulit pa rin sa ulo ni Maya ang boses na ito ni Pepe. Unti-unit siyang winawasak. At muli, basang-basa ang papel sa harap ni May.

Alam ni Pepe kung gaano niya nasaktan si May kanina. Naging padalos-dalos siya. Naging mababaw. Pero kahit tingin man ng iba ay maliit na problema lang ang mayroon sila alam niyang malaki ang mga salitang ito para kay May.

Lasenggo ang tatay ni May. May usap-usapan pa nga na nagdodroga raw ito. Ang nanay naman niya’y matagal wala. Namatay ito noong Martial Law nang pagbabarilin ng militar. Ayon sa sabi-sabi, ginamit umano ng isang rebelde ang pangalan ng inosenteng babae sa pagtatago. Nang matunton ng mga sundalo ang pangalang iyon, agad nilang pinaulanan ng bala ang babae. Wasak ang mukha at katawan ng ina ni May hanggang sa ilibing ito. At simula noong nawala ito, naging miserable ang buhay ng kawawang bata. Bagamat hindi niya ito nakilala, ramdam ni May na hindi siya kailanman iniwan ng nanay niya. Nagkaron siya ng malupit na stepmother na palagi siyang pinagsasalitaan na wala itong kayang gawing mabuti sa mundo. Doon nagtuon ng panahon ang batang May na hanapin ang sarili niya sa pagguhit. May kwenta siya. Ngunit ngayo’y alam ni Pepe na hindi niya ito naiparamdam sa nobya kanina.

Bago tuluyang umalis si May kanina sa eskwela ay ipinaabot nito sa isang kaibigan ang takda niya sa Retorika para ipapasa. Hindi na papasok ang dalaga sa huling klase. Sayang ang oras, pera, at ang paniniwala niyang may kwenta siya. Nang malaman ito ni Pepe ay agad niyang ipinagpaalam sa kaibigan ang homework ni May at kanyang tinago. Ikaw ang nobyo. Mabait na tugon ng kaibigan, at ibinigay kay Pepe ang gawa ng nobya. Mabuti at walang Retorika. Wala nanamang “facilitator”. Sa puntong ito ay natuwa si Pepe sapagkat ‘di niya kailangang mag-alala sa hindi nagawang takda. Pero mas nangingibabaw ang lungkot dahil nag-away pa sila ni May, wala naman pala ang pesteng asignatura. Doon niya napagpasyahang basahin ang gawa ng nobya. Wala naman sigurong masama. Nalaman niyang kaya rin palang magsulat ni May. Sulat na may puso at damdamin, kagaya ng pagguhit ng nobya.

Ang sanaysay ng nobya niya ay tungkol sa isang babaeng namatay na inosente, ngunit itinuturing niyang isang bayani. Ikinuwento ni May kung paanong ang kamatayan ng kanyang ina ay naging isang biro ng kabayanihan. Ang kanyang ina ay namatay para sa isang rebeldeng tumutulong sa pagbabago ng bayan. Para sa gumawa ng birong ito ganito naging bayani ang ina ni May. Pero para sa dalaga, ang ina niya, kagaya ng ibang ina sa mundo, ay bayani nang isilang nila ang mga bagong pag-asa ng bayan. At sa kaso ng ina ni May, hindi lamang siya nagsilang ng isang bata kundi pati na rin pangarap, pangarap na balang-araw ay magsisilang din ng maraming magagandang bagay sa mundo.

“Napakagandang bata po, ma’am,” bulong ni Pepe na may ngiti. At noon niya napagpasyahang humingi ng tawad kay May.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi parin sumasagot si May sa tawag o text. Naisip niyang puntahan ito sa kanila ngunit baka ipahiya lang siya nito at hindi patuluyin. Medyo naduwag ang binata, at inaamin niya ito.
Habang inaantay ang pagsagot ng nobya ay magsusulat na lamang si Pepe. Naisip niyang gawin na ang sulatin sa Retorika bago pa ulit sila mag-away ni May.


Wala man siya sa mood ay pinilit niya pa ring harapin ang putin papel sa harap niya.


Ang Lamig sa Mainit na Gabi

Iyon na ata ang pinakamahabang gabi sa buong buhay ni Pepe. Hindi pa sumasagot si May. Maging sa message sa Facebook ay wala rin. Bukod dito, kakaiba ang nararamdaman ng binata sa gabing ito. Ni hindi niya maisip kung ano ang gagawin niya sa blangkong papel sa harap niya.

Kakaiba ang gabing ito. Sanay na si Pepe na magsulat maging may sama siya ng loob. Sa katunayan nga’y bukod kay May at Pepito, pagsulat ang ginagawa niya kapag nalulungkot o umiiyak. Hindi rin naman ito ang unang beses na nag-away sila ng nobya. Alam niyang kaya niya paring magsulat. Gusto niyang magsulat. Pero ayaw ng katawan niya.

Hinde. Hindi makakatulong si Pepito sa panahong iyon. Baka makatulog lamang ang binata ‘pag tapos ng session. Hindi na alam ng binata ang gagawin niya. Buong gabi siyang nakatulala sa papel, lumilipad ang isip.
Ano ba ang kabayanihan? Ngayon lamang nahirapan si Pepe sa pagsulat. “Putang inang kabayanihan!” Naghahalo na ang pagod, antok, at lungkot sa katawan ng binata. Parang nagsusuntukan ang mga ito sa kung sino ang mangingibabaw. Idagdag mo pa ang pressure na dala ng nabasang sanaysay ni May. Para kay Pepe, hindi niya maituturing na bayani ang mga magulang niya. Pareho sila ni May na puro na lamang emotional pain ang nakukuha sa nanay at tatay, kaya naman hindi niya maunawaan kung anong kabayanihan ang nakikita ng nobyang hindi niya nakikita.

“Hoy. Kumain ka na rito!” naririnig ni Pepe ang sigaw ng nanay niya sa labas ng kwarto.

“Aba’y hayaan mo na’t baka naglalaro lang ng batuta,” irita nanaman ang tenga ng binata habang pinakikinggan ang boses ng mga magulang. Hindi sila nakakatulong. Hindi nalang din kumibo ang anak.

Mapagbiro naman ang ama ni Pepe. ‘Yun nga lang, nakakapikon. Minsan kasi sobrang hard na ng mga sinasabi. At saka bidang-bida sa bibig nito kung gaano siya kagaling sa mundo, at kung gaano naman siya kabaligtaran ni Pepe. Laging nanliliit ang binata sa mga salita ng ama niya. Ang ina niya naman, laging galit. Laging nakasigaw. Para sa binata, hindi nauunawaan ng magulang niya ang nararamdaman niya. Ang masama rito, hindi ito nagiging inspirasyon kundi kunsimisyon sa binata. Naaapektuhan tuloy ang emotional growth  ng anak. Nagtatanim ito ng sama ng loob na para sa kanya, ay hindi mababago ng kahit anong pagsisikap para sa kanya.

Pagsisikap? Oo. Masipag ang mga magulang niya. Talagang kahit anong hirap, walang bumibitiw. Ginagawa nila ang lahat makapag-aral lang si Pepe. Pero kasabay nito ay ang panunumbat sa bata. Laging isinisigaw ng mga ito kung gaano silang naghihirap para lamang sa kawawang anak. Hindi ba’t kung mahal mo ang tao, ay gagawin mo ang lahat para sa kanya ng walang panunumbat? Maliit na Pepe pa lamang siya ay ganito na ang sistema. Wala siyang maalalang masayang bonding nilang mag-anak. Kung meron man, hindi siya masaya rito. Malaking Pepe na siya ngayon pero mas lumaki lang din ang bigat na dinadala niya sa dibdib.

Patuloy siya sa pag-isip ng lahat ng ito nang may isang pamilyar na boses siyang narining. Boses na kanina niya handang maring. Kumatok ang taong nagmamay-ari nito. “Pepe ko,” ang baho pakinggan. Pero para sa binata, ito na yata ang pinaka sweet na tunog sa tenga niya. At alam niyang sa isang tao lang ito pwedeng manggaling. Binuksan ni Pepe ang pinto ng kwarto, at nagulat parin siya kahit alam na niya kung sino.

“May, I’m sorry,” bumigat ang talukap ng mga mata ng binata. Wala nang sabi-sabi. Nag-iyakan ang magnobyo habang magka-yakap. Kulang nalang e buhos ng ulan at love song na panteleserye.

Kasabay ng paglock ng pintuan ay ang mainit na halikan ng dalawang taong uhaw sa init ng araw at gabing ito. Kapwa pagod ang magkasintahan sa nagdaang mga oras, pero minabuti parin nilang ibuhos ang lahat ng lakas upang gawin ang dapat na gawin, gawin ang gustong gawin. Hindi na alam ni Pepe ang nangyayari. Sa puntong iyon, nagtagumpay ang apoy sa pusong matagal nang pinipilit palamigin ng isipan. Pero wala nang panahon para mag-isip. Narito na’t natatangay sila ng bugso ng damdamin. Kasunod ng mga luha ay ang walang katapusang pagpapalitan ng laway. Ang mga dila nila’y nagmimistulang mga nilalang na ngayon lamang ulit nagkatagpo, parang nagkakamustahan, bawat pagsuyod sa ng mga ito sa isa’t-isa’y nagpapainit lalo sa mga mainit nang mga katawan.

Kakaiba ang gabing iyon. Ang pinakamainit na gabi sa buhay ni Pepe.

Nakita niya ang kanyang kamay na itinataas ang tshirt ng nobya. Malalaki ang paglunok ng binata sa unti-unting pagpapakita ng makinis na balat ni May. Hanggang sa kitang-kita na niya ang manipis na puting bra, ang mga maliliit na bulaklak sa disensyo nito’y umaagaw sa mga mata ni Pepe upang makita ang kabilugan ng dibdib ng nobya. Hindi ito malaki kagaya ng pinapantasya ng binata. Pero alam niya sa sarili niya na ito ang kailangan niya. Tanaw niya mula sa distansya kung gaano nalang kaliit ang hadlang nilang dalawa. At napagpasyahan niyang alisin na ng tuluyan ang hadlang.

Ramdam niya sa dulo ng kanyang mga daliri ang init ng balat ni May. Ang bawat hininga ng dalaga ay nagsasabi kay Pepe na nasa tamang daan siya. Umakto siyang tatanggalin ang manipis na hadlang nang magsimulang pumatak muli ang luha sa mata ng nobya. Nangungusap ang mata ni May. Nagmamakaawa. “Tulong..”


Nagising si Pepe na nagriring ang cellphone nito. Isang tawag. Nang dinampot ng binata ang telepono ay sakto lang ang pagtigil nito. Galing kay May. Agad niya itong tinawagan, pero walang sumasagot. Baka napindot lang? Pinakiramdaman niya kung tatawag o magtetext ulit si May. Biglang bumalik sa isipan ni Pepe ang mga eksena sa panaginip niya. Sayang. Ramdam ng binata ang libog na nagpupumilit lumabas at sumabog sa katawan niya. Pero higit dito, ay ang pagtataka sa kinatapusan ng nasabing panaginip. Sinubukan niya uling tawagan ang nobya. Sumagot ka.. Walang sagot o paramdam na natanggap ang binata. Noong oras na iyon ay napuno ang dibdib niya ng kaba. Parang mga yabag ng kabayo kasabay ng biglaang panlalamig. Ngayo’y tuluyang nagbago ang gabi. Ang kaninang mainit na eksena ay napilitan ng malalamig na hangin ng pag-aalala.


Diyos ko po, ‘wag naman sana..



 Tulad ng Isang Blangkong Papel

Wala nang oras pa para maduwag. Ito na siguro ang dahilan kung bakit kakaiba ang pakiramdam ng binata sa gabing ito. Maya-maya pa’y napansin niyang tumutulo ang kanyang luha. Unti-unting bumibigat ang kanyang dibdib habang nararamdaman ang paglalapit nila ni May. Ilang minuto bago mag-alas dos nang umalis ang binata sa bahay nila nang walang paalam. Bawat segundo sa loob ng taxi ay tila isang taong nasasayang. Para siyang nakakulong. Walang magawa si Pepe. Tanging pagdarasal ang sandata niya sa mga oras na iyon, kasama ng pag-asang sana, maging maayos ang lahat.

Tabula Rasa?” nagtataka ang kilay ni May.

“Oo. Ayun yung tawag sa blank sheet of paper. Greek ba o Latin ‘yun? Ay ewan,” paliwanag ni Pepe.

“Eh anung maganda run?”

“Parang tayo kasi ‘yun.”

“Ha? Pick-up Line ba ‘yan?” natatawang biro ng nobya.

“Ogag. Tayo. Lahat ng tao. Tabula Rasa.”

Kitang-kita sa mga mapupungaw na mata ng dalaga ang pagkalito. Naghihintay sa punchline ng nobyo. Handa nang tumawa.

“Walang mayaman, walang mahirap. Walang mataas at walang mababang uri ng tao,” nakangiti si Pepe habang nakahawak sa ulo ni May, ang isang kamay ay may hawak na bond paper, “Noong ginawa tayo ng Diyos, pantay-pantay tayong lahat. Walang lamang. Lahat blangko.”

Tango lamang ng ulo ang isinagot ni May sa paliwanag ng nobyo pero patuloy parin itong nagsalita. “Ang lahat ng nakasulat sa isang papel, at ang lahat ng kulay na ipinipinta rito, lahat ‘yun tao lang ang naglagay. Tao ang nagbibigay pangalan o label sa kapwa tao. Tao ang naghuhusga sa kung sino o ano siya o ang kapwa niya. Kapag ang isa ay mayaman at may puwesto sa lipunan at ang isa naman ay mahirap at namamasura, sa tao lang importante ‘yun. Tao ang huhusga sa gawa ng tao. Pero ang Diyos ang huhusga sa gawa Niya. At dahil ginawa Niya tayong blangko, ang pagiging blangko ang titignan Niya—at hindi kung ano man ang idinidikta ng ating kapwa sa atin.”

“Mas importante ang sinasabi ng Diyos tungkol sa atin? Kesa sa mundo? So ‘pag sinabi ng iba na masama ako, hindi ko dapat pakinggan? YOLO? Ganun?” nagbibiro ang tono ngunit malaman ang sagot ng nobya. Tama nga naman.

“Lahat tayo blangko nung umpisa. There’s still a white space in all our hearts. All we have to do is to erase those inks of negativity that we have acquired living in this world. Go back to Him. He will bring us to our original form—a clean sheet of paper. No marks, no scars,” seryosong sagot ng binata.

“Hoy Pepe. Nagdodroga ka ba? Gusto mo magsuntukan tayo?”


Naghahalo na lahat ng negatibong emosyon sa katawan ni Pepe. Galit, lungkot, panlulumo, panghihinayang, pagsisisi.. Luto na, kumukulo pa. Tulala ito habang inaanalisa ang nakikita. Ni hindi siya makapagsalita. Tinangka niyang sumigaw, ngunit wala siyang narining na boses. Gusto niyang umiyak. Gusto niyang saktan ang sarili. Gusto niyang magwala.. Pero ayaw ng katawan niya. Masyado na itong pagod sa bugbog—pisikal, emosyonal, at mental. Wala siyang kakayahang bumalik sa dati niyang pagkatao.. Wala na siyang magawa.

Naramdaman niyang nawawala ang lakas niya, kasabay ng kawalan ng pag-asa. Pinagmasdan niya ang kanyang paligid at kung paanong ang lahat ng ito ay umiikot sa kanyang paningin. Tanging hiling na lamang ni Pepe’y sa kanyang pagbagsak, kasamang mawala ang lahat ng diramdam niya. Lahat ng sakit. Lahat ng poot. Lahat ng nangyari.

At katulad ng lahat ng teleserye, huling darating ang mga pulis sa eksena. Makikita nila sa isang maliit na barung-barong ang isang dalagitang walang saplot at matandang lalaking nagbigti na parehong hindi na humihinga, kasama ng isang walang malay na binatilyo, hawak-hawak ang isang blangkong papel sa kanang kamay..



*****