Mga Pahina

Translate

Translate

Translate

Martes, Mayo 31, 2016

Last Blogger Post

ATTENTION

To all of the Mga Awit Ng Isang Mananayaw readers, thank you for bearing with my seemingly useless, random words all this time around! I am very much aware of my flaws (sana) as a blog operator/writer, yet you're still able to read at this point. I would like to express my apologies to all of the disappointed souls out there who have wasted their time checking this site. I had tons of fun though! Thank you for the experience!

Please be notified that the continuation of pepaypinas.blogspot.com will be transferred to WordPress. But I'm glad to tell you that the contents of this blog will stay as accessible as ever. I'm still the one managing this account, and I hope Google will understand. :'( Haha!

Honestly, I'm not sure if my English are all correct, but nahh. Kita-kits nalang sa WordPress walangya! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

God bless everyone!

-Pepay :)

Sabado, Abril 30, 2016

Argumento Plus 'Limandaang Piso'

Ang tunay na bias daw ay yung mga naniniwala sa iisang kandidato lamang at hindi na pinakikinggan ang iba.

At some point legit. Pero gaya nga ng sabi ko dati, may factors kung bakit hindi na pinapakinggan ang isang trapo, parang MORAL INTEGRITY.

For example, maraming nagsasabing on point daw yung isa run, na itatago nalang natin sa pangalan 'Roxy'. Pero kamakailan lang e naghakot ng mga batang botante na may perang kapalit. At hindi lang ito ngayon nangyayare. Simula bata ako hanggang ngayon, talamak naman talaga ang vote buying, lalo na sa slums at rural areas.

Ewan ko bakit di alam/nakikita nung iba. Baka nga mga taong bahay o taong kwarto na walang societal affairs. Nga naman, makikinig ka sa 'sound arguments' kasi matalino raw. Disente raw. Pero since wala kang alam, akala mo may alam ka.
 Kaya maraming broken hearted eh. Past time niyo na ba ma-fall sa mga words?!

BAKIT MO PA PAPAKINGGAN KUNG HAYAGAN KA NANG BINIBILI?! Nakaka-beastmode ang "reasoning". Kung mukha kang cool at matalino dahil lang nakasandal ka FULLY sa speech at discourse, edi ako na ang pinaka-baduy na bobong indibidwal.

And afterall, final stage naman talaga ng pagiging botante ang kumampi sa certain na tao diba? Anong pinuputok ng butsi neto? Ang media ang hindi dapat kumakampi!!!

Sabado, Abril 16, 2016

Buhay Siya at nakikipag-usap!

Communication is always a two-way process. Through a prayer, you can send messages to the Lord. Pero paano mo malalaman yung messages Niya sayo kung hindi mo naman tinatanggap? That's how the Bible actually works. Ang prayer ang phone mo. Bible naman ang phone Niya para maka-konek sayo.

Saka saan ka nakahanap ng relasyon na nag-work nang walang matinong communication? Ikaw ba masusunod sa buhay mo? Kung totoo kang 'believer', submit to Him, not to your self. Baka naman kasi earthly desire nalang ang 'service' mo kaya walang growth. Kesyo masaya. Kesyo maraming friends. Kesyo convenient sayo. Kesyo may spotlight ka and you're aiming for a position. At marami pang iba.

Christianity isn't about religion. 😂 Walang pake ang Diyos sa maling beliefs mo na pauso lang ng tao, ginamit para manakop, binase sa paganong kultura, binalot ng puting tela para hindi halata. May paki siya sa relasyon natin sa Kanya. Christianity is all about our relationship to Him, keeping His commandments (hindi utos ng tao), and actually living a changed life with Him.

Walang perpektong tao pramis (lalo na ako huhu). Kaya wag kang matakot magbago o dumiskubre. Go AGAINST the flow! Mahirap maging Kristiyano men. Pine-persecute, sinasabihan ng kung anu-ano, hinuhusgahan ng mundong patuloy na nilalamon ng 'trends' and such. Choice mo nalang kung gusto mong magpa-agos. Meron kang 'free will'. Pero kung naniniwala ka talaga sa Kanya, alam mong mayroon ding 'God's Will'. :)

Umpisahan mo sa maliit na librong matagal nang balot ng alikabok diyan sa bahay mo. Anak ng tokwa! Ang Holy Spirit, ang Word, nilagay na sa readable format, may app pa nga eh! Hindi mo na kailangang umiyak sa puno o rebulto at mag-antay ng reply! Wag kang matakot isilang muli. Sabay-sabay tayong mamumuhay sa katotohanan! Mas masarap makipag-relasyon sa buhay at nakikipag-usap! :D

Martes, Enero 26, 2016

Minding the Mining: PNoy to continue working with ‘gold-diggers’

President Aquino supports mining companies as he asked them on Wednesday to continue working with the government in order to a mining industry which is “sustainable, inclusive, and profitable.”

In his speech during the Presidential Mineral Industry Environmental (PMIE) Awards ceremony in Malacanang, Aquino emphasized the need for a more stable communication and cooperation of the public and private sectors to achieve the full potential of the country’s mining industry.

In the midst of too many environmental abuse reports and studies caused by the corporate mining in the Philippines (one of which is that mining is one of the main reasons of calamity casualties), human rights abuse and alleged ‘ethnocide’ to the lumads in Mindanao, and many more mining-related problems, the Palace still decides to support the mining industry. In fact, in contrast to all of the cons stated, the Presidential Mineral Industry Environmental (PMIE) Awards were held to honor exemplar mining companies for sustainable and environment-friendly services.

Why not? Most people know that the Philippines is one of the richest countries in terms of mineral resources. Specifically, the country is the fifth most rich in the world for gold, nickel, copper, and chromite—home to the largest copper-gold deposit in the world. Also, mining has created 211,000 jobs in 2011 alone, doubling the figures since 2006.

The only problem is that the government spends more time in talking beautifully in speeches than actually putting some actions. If only the government has the ability to secure proper connections and partnership with corporate mining corporations, then maybe there could be a controlled case of environmental and human rights abuse. In addition, we could benefit from our natural resources by utilizing it fully. In this scenario, both the country and corporations will grow.


But still, recognizing the good miners is a good step in this mining potential. This should be sustained until the government devise better projects according to this matter.

Lunes, Enero 11, 2016

Backward.. Ever?!

(c)flickr.com

Sa kahabaan ng Ramon Magsaysay Blvd. sa Sta. Mesa, kapansin-pansin ang kulay kahel na mga pader at footbridges na sumisimbolo sa gobyerno ng Maynila. Lilinawin ko lang, hindi yung tulay, kundi yung kulay kahel yung sinasabi kong simbolo nila ha. Kapansin-pansin, lalo na’t pagod ka o nabuburyang sa biyahe, mapapasigla ka kapag nabasa mo ang islogan na nakasulat hindi lamang sa mga tulay o pader, kundi sa iba’t-ibang parte ng kapital—“Forward Ever, Backward Never.”

Astig! Mas astig siguro kung exclamation point yung punctuation mark sa dulo, parang “Forward Ever, Backward Never!” O diba? Ang lakas maka-action film! Bagay lang sa capital ng Pilipinas.

Kung natatawa ka, mas matatawa (o mas maiinis) ka kapag nalaman mong ang islogan na ito ay hindi originally made by the orange ones. Noong 1992, may isang kanta si Jacob Miller na may kaparehong title, bukod pa sa iba't-ibang lugar o grupo na gumamit na ng henyong islogan na ito through ages (thanks, Google).

Kung napansin mo rin ito, apir! Pero kung sa tingin mo ay isa ka nang tunay na Hokage sa pagiging Matanglawin, malamang e magkasundo rin tayo sa mga ito:

Bukod sa obvious namang katalinuhan at kabutihan ng ating mga pinuno sa pagpili ng theme color at islogan nila, kapansin-pansin din ang mga pa-pogi ay este poging-poging pagmumukha nila sa laaht ng sulok ng bansa. Nakakita na ba kayo ng drowing ng ari ng lalaki sa mga poste? Upuan ng bus? Banyo? Siguro naman, oo. Pero aminin mo, mas marami, at ‘di hamak naman na mas malalaki, ang mga poster at tarpaulin na may pagmumukha ng kung sinu-sinong pulitiko kesa sa mga 2D replica ng mga lightsabers na iyon! Edi sila na ang may pera pang-pagawa ng tarpaulin! Kahit na baka nga pera talaga iyon ng nanay at tatay niyo.

“Happy Fiesta!” Pero mas malaki pa ang mukha ni konsehal kesa sa mismong message.

Sa ganitong panahon katulad ng eleksiyon, mas nabibigyang pansin ng mga pulitiko ang mga mukha nila para sa popularidad kesa sa tunay na mukhang dapat ay bida sa bansa—ang mukha ng kahirapan.

Biyernes, Nobyembre 27, 2015

In Your Eyes

Deep in your eyes I found my place. Deep in your heart I found my hope. I have thought in my life that I have seen all the colors. Until the day you taught me to love, it is so much an honor To be with the most extraordinary, The prettiest valentine in every February. Your charming sways and sweetest smiles Even the moon looks dim when your face shines Have I forgotten to tell you, Your eyes' sparkle under the night where there seems only me and you Yes, it is in your eyes that I felt love And it is your heart that I will love How I'm blessed to have a reason And be in love with my favorite person.

Linggo, Nobyembre 22, 2015

Para Sa Mga Ututin II

‘Bakit mo gustong sumali ng *toot*?’

Muling naibalik ang tanong na ito sa amin kama-kailan lang. Dalawang taon na ang lumipas mula noong una naming narinig ang salitang ito. At sa loob ng dalawang taon na iyon, marami na ang nangyari.

To cut the story short, marami na ang “nawala”. Yes, nilagyan ko ng quotation marks para mabigyan naman ng hustisya ang mga kanya-kanyang rason ng tao kung bakit nga ba sila dumistansiya na. Trip lang? Tinatamad? Strict ang parents? Other responsibilities? Pero kung ano pa man yan, isa lang ang sigurado—masakit. Aray ko bh3. Kulang na ang feeling. At sa ayaw naming o sa gusto, hindi na maibabalik yung mga dapat sana’y kumpletong journey namin together.

Naaalala ko pa noong mga oras na binibilang namin kung kumpleto kami o kung sino nalang ang kulang. Madalas noon, parating absent na si Epoy. Wala eh. Part time sa amin, full time chikboy. Joke. Dati, nakakatakot mawala sa bonding times at activities. You’ll definitely miss the fun! Hindi mo maririnig yung mga kwentuhan, hindi ka makakasali sa harutan, at hindi mo maaamoy si Timbang. Ah, si Timbang! Si Twinkle, I should say. Ang paborito kong kapatid! Wahaha (bias). Maaga palang din, medyo nawala na ang lola niyo. Hindi naman nawala, lumayo lang ng bahay. Mga bundok lang naman ang pagitan sa Manila. Ang masaklap pa neto, hindi mo naman maipipilit na mai-commit ang oras ng tao kahit na gusto niya, for some reasons. Idagdag pa natin, maaga rin humina ang signal namin sa magkapatid na Allan at Hannah. Family interventions. Well, hindi naman siguro intervention, normal na magulang lang na iniisip ang kapakanan ng anak. Most of the time, present parin naman si Allan hanggang sa one bar nalang din ang signal. Nasanay nalang kami. I mean, kulang oo. Pero naiintindihan naman naming na imposible na nga kami makumpleto ulit exept for very special occasions.

Bukod sa mga kapatid kong halimaw sa choir at matatalino, proud din ako kay Jen. Varsity siya ngayon ng PUP Women’s Volleyball Team. Mas nakaka-proud pa kasi ‘yun yung way niya para makapag-college. Kaya noong naging busy narin siya, hinayaan na namin. Nabawasan ng maingay saka mapanakit sa grupo. Ito na rin yung time na pasulput-sulpot nalang si Martin. Masaya naman ako kasi naghahanap siya ng paraan para magka-trabaho at magkaron ng kita. Sipag no? Kute ‘yan eh! May worker ka na, may clown ka pa! Kung ako presidente kukunin ko ‘yan.

Ito yung mga panahong marami-rami na rin kaming activity sa PYM. Medyo batak na yung mga natira. Tahaha. Batak sa uwiang madaling-araw. HAHAHA. Joke. Nakakatuwang isipin na sa kahit ganito ang sitwasyon, may mga oras pa rin na nakukumpleto kami. Rak siyempre! Saka mas nakakatabab ng puso na nilu-look up kami kahit papano ng iba kasi mas malakas pa sa Mightiest Bond ang pinagsama-samang utot namin. Masaya kasi kahit papano, alam kong matino ang mga kasama ko at nakakapag-bigay kami hindi lamang ng manpower kundi ng halimbawa sa pagsisilbi (sana). Kahit na may mga problema, sinusubukan naming maging in-touch sa mga iba. New blessings pero by this time, medyo hindi na rin ganoon ka-active ang isa pa naming bunso (na ka-edad ko lang naman talaga) na si Jojie. Pero siyempre, mas pinagbubutihan namin ang trabaho para maging gabay ng mga bata. Kaming mga coordinator (Kuya Neil) at asst. coordinators (Kakay, ako) din ay nabigyan ng chance para mag-observe sa mga gawain ng isang officer. Sa basbas ng mga nasa taas, pinunan namin ang pwesto ng mga walang officers gaya ng Internal VP, Secretery, at Auditor. Kahit na may mga kumwestiyon, marami ang sumuporta kahit papano. Ang nostalgic pa nga noong pinasa na naming ang pwesto ng coordinators kina Archie at Deanne.

Naaalala ko noong wala pang appointment, Senakulo. Masaya ako kasi at last! Nagampanan ko na rin ang role bilang si Hesus. Isa ito sa mga pinaka hindi ko malilimutang moment. Kaso sa totoo lang, nakakapanghinayang na hindi kami kumpleeto this time. Going back last year, kumpleto kami sa Senakulo. Kung kelan ako yung gumanap, anak ng teteng! Sa mga ganitong time mo talaga mas ramdam yung kakulangan. Naaalala ko rin habang nag-uusap kami about this topic, nasabi sa akin ni Kingrey na “wag ka naman mawawala”. Nagbibiruan kami nun. Biro? Samantalang ngayon...


I am currently writing this part of the non-sense a few hours after 12am. At sa hinaba-haba ng pagre-reminisce ko, ramdam ko ang pagka-miss ka lahat. Sa oras ding mga ito, hindi lingid sa kaalaman nila na hindi na ako active member ng PYM. Or should I say, nagdesisyon na akong lumayo sa simbahang iyon. For some personal reasons na mahirap banggitin, umalis ako. Ang stupid no? Ako itong nag-oorganize at nalulungkot para sa mga nawala pero ako itong ‘nawawala’. I know what they feel, especially yung mga natitira sa amin. Masakit, lalo na’t mas matagal na yung pundasyon naming magkakasama. Malungkot, kasi alam kong nagkaroon sila ng hope sa akin kahit  konti. Although merong isang umamin na na-predict na niya na aalis din ako someday, kahit ako mismo, I didn’t saw this coming.  Alam niyo yung God’s will? I know, God is perfectly moving my life into its chapters. And faith is something I will defend forever. Sa ilang mga kadahilanan, umalis ako para i-save yung sarili kong koneksiyon kay God. In other words, mas pinili kong isakripisyo yung bond ko sa PYM para sa bond ko sa Diyos.

Selfish? Pwede niyo akong sabihan ng kung anu-ano. Anyway, alam ko namang mahirap intindihin. Pero sinusulat ko ito hindi para depensahan ang sarili ko, kundi para humingi ng tawad lalo na sa Jamtots. Sorry. Alam kong hindi pa sapat ang maraming salitang ito para mapalitan ang ka-gwapuhan ko sa mga puso niyo (Naks), pero hindi naman ako nawala. Andito parin ako, ready sa galaan at kainan. Tahaha. I may not bring back the past but our bonds will last forever. Sana. Sigurado, maapektuhan yung mga familiarity, pero sana hindi mawala yung mga pinagsamahan at mga pwesto natin sa puso ng isa’t-isa. Habang-buhay kong isasapuso lahat ng pinagsamahan natin at mga lessons na nakuha at makukuha ko sa inyo. Iba man tayo ng paniniwala, naniniwala akong hindi dapat magkaron ng permanent walls sa friendship nating lahat. TENfinity to mga bh3! Wooooohhh! Salamat sa lahat!

Yung sagot ko two years ago sa tanong kung bakit ako sumali, most likely hindi talaga ‘yun bukal sa puso fully. Basta gusto ko lang sumali, honestly. Pero never kong pagsisisihan ‘yun. God gave me you nga eh! Simula unang utot hanggang sa pag-alis ko at hanggang sa kung ano mang mangyari sa future, Jamtot ako sa puso ko!

May the good Lord bless you always! Love you ‘men!



Your hottest kapatid,

Papa Peps

Lunes, Setyembre 14, 2015

My Reason

They say I am stupid.
She says I am dumb.
How could a beast not want
a prey coming without a hunt?
But they would not feel.
what she could not heal.
For I trust the Lord's decision.
He has saved us, this is my reason.

Miyerkules, Agosto 19, 2015

Rubek's Monologue

"Come and live with us--in the villa. You can set your swans swimming in the brook ... we can talk of old times ... you can open all that is locked up in me--as you did in our days of creation. I beg of you, Irene--give me this one chance to live my life over again. Help me undo my greatest mistake. When you left, Irene ... when you disappeared ... I cannot express to you ... I was filled with such regret. I became painfully aware of all that I had left unsaid ... all the moments I had allowed to pass ... without ... without grasping them ... without ... I had come to think of you as something sacred, you see ... something holy ... a gift from God ... a creature of innocence not to be touched save in adoring thoughts. A superstition took hold of me that if I touched you ... if I desired you with my senses ... my soul would be desecrated, and I would not be able to finish my work. I was a fool! An idealistic young fool! I should have taken you in my arms right then and there--on the floor of my studio, I should have taken you! With the clay still on my fingers! It would only have added to the beauty of the child--to the depth and complexity of her meaning--of her mystery. [Pause.] I can't lose you again, Irene--I don't think I could survive it."

(Read more at http://www.monologuearchive.com/i/ibsen_011.html#8fTxy8rBkOsfO7D7.99)


Musta mga tol? Gusto ko lang i-share itong napakagandang piyesang ito na mula sa orihinal na play na WHEN WE DEAD AWAKEN, likha ni Henrik Ibsen. Ito ay isang istorya tungkol sa muling pagkikita nila Prof. Rubek, isang tanyag na iskultor, at Irene, kanyang dating modelo (na kras na kras niya back then, pero na-torpe si koya kaya ni-let go niya </3). Ang monologong ito ay sumesentro sa pagmamakaawa ni Rubek para bumalik si Irene--hindi bilang isang modelo--kundi bilang isang partner sa buhay.

Relate ba mga tol? Lakas maka-hugot ng piyesa, kaya ito ang napili kong gamitin sa aming midterm examination kanina. Pinilit kong magbigay ng 100% performance pero naputol ang arte ko sa kalagitnaan ng pagdadrama ko. Tapos na kasi sa oras. Nakaka-frustrate. Yung feeling na wala pa ako sa climax eh! May mas maganda pa run! May kaya pa akong bigay! Pero ganun talaga, hindi mo na maibabalik ang tapos na..

Marami sa atin ang dumaraan at nakararanas nang mapaglaruan ng oras. Yung tipong masyadong mabilis, hindi mo namalayan na mawawala na pala. Yung dating akala mo kaya mong ibigay, hindi mo na magagawa kasi nga tapos na ang oras. Parang exam. Under time pressure tayo. Sa oras na ipapasa na ang papel, wala tayong magagawa kundi ibigay ito. Hindi na natin mabubura pa ang mga mali natin. At ang masaklap sa lahat, hindi na natin kayang punan pa ang mga pagkukulang natin.

Pero sa totoo lang, hindi naman talaga kasalanan ng oras. Sadyang hindi lang natin nagamit ng husto ang binigay sa ating chance. Hindi natin alam kung anong susunod na mangyayari bukas o mamaya, kaya mas lalo dapat nating ibinibigay ang lahat ng BEST na kaya nating ibigay--mapa-romantic aspect man 'yan o literal na examination. Kagaya ni Rubek, makakapag-makaawa tayo na ibalik yung dati, pero wala eh. Past is past dude. Iyak nalang.

Ang lesson dito? Walang forever! Mga letse kayo! Joke.

Salamat sa isa nanaman walang kwentang post. :)))

Martes, Agosto 18, 2015

Entry #33 ft. Mr. Bam Alegre





It is our honor to sit with one of the most promising news reporters in Philippine Broadcast Journalism today, Mr. Bam Alegre.

A wonderful experience for all of us, Mr. Alegre looks back to his experiences as a media practioner with some words for the aspiring journalists of our age. He also shares his identity and personal lessons that really shaped him to the man he is now.

Sino nga ba si Bam Alegre bilang isang reporter? Ama, asawa, at anak? Miyembro ng No Parking?

The output of this interview is exclusive for our Media Research requirement. This is just a glimpse of our topic. Sorry guys. :)))

Lunes, Agosto 17, 2015

Entry #32

Motivation > Reason

Una kong narinig 'tong konseptong 'to last year noong active member pa ako ng isang Born Again Christian church (na minahal ko rin naman). Simple lang ang construction: two (2) main words; isang symbol na nagbibigay relationship. Pero matindi ang tama saken. Talagang napangiti ako, na-inspire kumbaga. Nabubuhay kasi tayo sa mundong ito na punung-puno ng mga reasons or excuses. Madalas hindi natin namamalayan, pinapaikot nalang tayo ng mga rason natin at nililimitahan ang ating potentials. Lahat tayo guilty mga tol.

Reason =/= Excuses

Pero teka lang mga tol. Lilinawin ko lang. Hindi sa lahat ng pagkakataon, pareho ang rason mo sa mga palusot mo. Positive ang magkaron ng reason para sa isang bagay. Nagiging negative lang ito kapag ginagawa na natin itong depensa sa mga kawalang-hiyaan at failures natin sa buhay. Kumbaga ang dami-dami na nating dahilan to the point na wala na tayong masimulan. Gets? Ako rin naguguluhan eh. Pwede ka nang mag-leave sa site na 'to kung gusto mo. Pwe!

"Inspiration"

Woah. Big word! Madalas nagkakaron na ng malanding kahulugan ang inspirasyon sa panahon ngayon, pero big word parin. Noong nag-post ako sa FB ng status na nanghihingi ako ng rason para magsulat, nagulat ako pero natuwa sa isang komento na nabasa ko. Galing yung komento sa isa kong spiritual sister na tinuturing naming isa sa mga bunso namin. Sabi niya, hindi raw rason ang hinahanap ko pero inspirasyon para magsulat. Marami nga naman kaseng rason para magsulat ako like yung mga negativities at errors sa lipunan, deadline sa school, yung kursong pinili ko, etc. Pero ang talaga palang hinahanap ko ay inspirasyon para gumalaw. Kumbaga meron na akong kotse at gasolina, driver nalang ang kulang. And kasama sa mga nag-comment ay isang kaklase ngayong kolehiyo na nagbigay ng simple pero makatotohanang pahayag, "Para sa Kanya."

Reason + Motivation + Inspiration = Perspiration

Kung hindi mo na talaga ako maintindihan, ganito lang 'yan eh. HINDI PORKET MAY RASON KA NA, MOTIBASYON AT INSPIRASYON, AY SUCCESS NA AGAD ANG KASUNOD. PAWIS MUNA! PAWIS! Bruh. Of course! Hindi agad 'to finish line. Syempre kailangan mo ring kumilos. Ang sinasabi ko lang ay ang rason, motibasyon, at inspirasyon natin ay rason, motibasyon, at inspirasyon natin para gumawa at magsumikap! Mahaba-haba pang biyahe sa equation ng buhay ang tagumpay pero ayos lang yan mga tol. Sabi nga nila (hindi ko sila kilala) mas masarap ang journey kaysa sa destination. Sabi ko naman, magiging makahulugan lang ang paglalakbay mo kung nakapunta ka sa patutunguhan nito. Ayos ba mga tol?

And besides, masyado tayong nagpapanic sa mga bagay na maliit lang naman at walang kwenta. nakakalimutan natin na Siya lang naman dapat ang nakaupo sa driver's seat ng ating mga buhay. siya dapat ang nagpapatakbo nito at hindi tayo. May tendency kasi tayong mabangga o lumiko sa maling daan, Pero Siya, 100% sure akong ligtas akong makakarating sa goal ko. Siguro hindi lahat sa inyo ay mauunawaan ito. Pero katulad nga ng walang sense na post na ito, madalas din talaga akong naliligaw sa daan. Madalas nafaflatan ako ng gulong. O kaya nauubusan ng gasolina (katulad ngayon). Pero parati Siyang to the rescue sa akin. Madalas, nagbibigay Siya ng mga taong tutulong sa akin para umandar ulit. Solid. Hindi ako nag-iisa mga tol.

Salamat Sa'yo... at sa mga taong rason, motibasyon, at inspirasyon ko para sumulat ulit (kahit wala talagang sense 'to para sa iba). Kilala niyo na kung sinu-sino kayo. :)

Lunes, Agosto 10, 2015

Minsan

Minsan may isang butas
Masikip
Madilim
Loob ay makatas.

Minsan may isang butas
Napilit
Napunit
Pula ay lumabas.

Minsan may isang butas
Masikip, napilit
Madilim, napunit

Ligaya ay wagas!

Linggo, Agosto 9, 2015

First Step


Lady, lady, come here quick!
My knees won’t work and my lips can’t speak.
Where those summer days with joys were gone,
Clouds still shape and the rains shall drop.
For it is not long till the soil had none
Thy nourished then grow, but forever will stop.

Lady, lady, get out quick!
Can’t you see work, priorities at its peak?
With the unending sky, comes the mightiest in me
Reach ‘em, grab ‘em, not everything’s free.
The riches of this world is to be chased, not to be wasted
To stop means to leave my body that is dead.

Lady, lady, help me please!
I loved her too much, and I’m stuck with this.
She gave me rainbows when I couldn’t even paint white on my black
Not again, oh never again will I find someone to make me hold!
But now dreams faded, shall I move on and pack?
I’m afraid I am not me anymore, youthful and bold.

Lady, lady, don’t check me please!
Don’t ruin my life, leave it as it is.
‘Hail Mary’ nor ‘Glory be’, neither will save the real me
I am the lord of my world; from the chains I will flee!
Brace thyself for the call and the shout of the young blood
Wild and energetic, now who is the god?

Lady, lady, have I ever told you?
You’re the most beautiful and I really love you.
I’m sorry for failing my exams, dirtying my little t-shirt
I’m sorry for all the times that I make your chest hurt.
And even though I mess up like breaking our flower vase into two,
You’d still give me my candies, won’t you?

Lady, Oh lady! Come here quick!
For my knees first work and my lips first speak
What my heart contains, what your heart remains.
Your voice and your touch are like the fuels of my veins.
I continually thank my God for giving me you
My mother, my first step is for you!



Huwebes, Enero 15, 2015

Ngayon, Kahapon, at Bukas

Ngayon, ako’y nakatanggap ng isang regalo.
Kahapon ay ang pinakamasayang panaginip ko,
Bukas, ang pangarap ko’y palagi kang mayakap
At sa piling mo’y makamtam ang aking mga pangarap.

Ngayon, ako’y nakatanggap ng isang regalo.
Kahapon lamang noong iyong patibukin ang aking puso.
Bukas nama’y nais kong habangbuhay nang masulyapan
Ang iyong mga mukhang sa aki’y nagpahina, ni hindi ako makalaban!

Ngayon, ako’y nakatanggap ng isang regalo.
Kahapon ay tinunaw ako ng iyong mga matang pinakamakislap sa mundo.
Bukas, o bukas kung ikaw man ay darating,
Sa kanyang titig, ayaw ko nang mahimbing!

Ngayon, ako’y nakatanggap ng isang regalo.
Kahapon ay nagdaaan ang pasko
Bukas nama’y malapit na ang kaarawan ko
Salamat o Diyos! Sa napakagandang regalo!

Ngayon, ako’y nakatanggap ng isang regalo.
Kahapon nang tayo’y magkatagpo
Bukas nawa’y magkasama tayong magkaka-apo!
Pangako ko sa’yo, pag-ibig kong ito’y buong-buo!

Ako’y nakatanggap ng isang regalo!
Kaarawan mo’y biyaya sa buhay ko!
Isa nanamang taon ng saya, pagmamahal, at pagsuyo,

Isa nanamang pagkakataong makasama ka, o Mahal ko.

Biyernes, Enero 9, 2015

It’s Not about Winning, It’s about Finishing: Killer Queue Survival Kit into the PUPian Dream!

PUPCET 2014 (First Batch)
(c) @GaGeGianno

It’s PUP College Entrance Test season! As always, huge number of graduating high school students aim to earn their future inside our Sintang Paaralan. As I examine this year’s PUPCET, I've noticed that everything seems to flow smoothly. Meaning, the system is much better than the previous year’s. The lines are more organized, staffs and volunteers are scattered and functioning, and most of all, the parents are waiting in the other dimension. Because as much as I can remember in times like this, the farther the babies away from their mommies, the farther the chance of getting trouble in the system.

But still, present is this undisputed enemy that the takers and other PUPians couldn't escape through. If there is forever, then it would probably be the time-eating yet no-eating, waiting queue of the university.

Pila Ulit Pila—one of the many versions that students tagged to our university’s acronym.  In my six years of living the PUPian dream, I have endured and continuously battling many obstacles especially our school’s well-known ‘Pila’ system. And for those outsiders and Isko-wannabes there, you got to get your muscles ready as early as now. For certain, PUP’s gate pass rule isn’t only “No ID, No Entry”, but also “Weaklings, No Entry”. Nah, just kidding. Anyway, here’s some of my tips for your trip down the PUP’s rendition of WWE Survivor Series..

1.       Eat the whole rice fields before leaving – You can eat the farmers too. ‘Cause it’s a Hunger Game, literally. You won’t survive if your gasoline drains in the middle of a long and slow-moving line. Remember that it is always important that you go to this battle with your tummy in full tank. Eat at home, or you can also bring snacks and water with you. And if you have an annoying person next in line, eat him too.

2.       Check your requirements a hundred times before going – Make sure you have EVERYTHING that is needed and an extra copy for each. Also, make sure that each copy has an extra more copy. You should do this a week or more before the day you’ll submit these records. Passing requirements has been very vital in your enrollment/examining procedures. If you cleared this thing out, you don’t need to text your mom to go to your province and get a record of your birth certificate ASAP while you’re in the middle of the line.

3.       Bring medicines, first aid kit (optional. Of course, no one wants to be crushed in a stampede), etc – For those with special conditions like dust or noise hating people, enroll to other universities. Your first training as a resilient Filipino citizen was failed.

4.       Enjoy the atmosphere – This is very important. In the midst of enrollment or examining stress, learn how to appreciate your surroundings. Relax. Check on the different parts of the campus you are into while in the line. Besides, this will help you to get familiar with your future college word.

5.       Have friends – In here, students usually find their first PUP buddy! Whether you like it or not, you’ll find people in the line that will catch your attention. It’s not hard to try making friends. Don’t be afraid to talk or smile at all. Being snobbish doesn't really help a lot. We don’t know, but what if you’ll find your future love interest in them? Sparks start here.

6.       Make sure you've got a damn cleaned body – Do I still need to mention this? Please, have mercy towards people.

Alright. Now that you've been reminded about these stuffs, I hope you’ll learn them all. You can devise other ways to survive this ultimate obstacle. These are just friendly reminders about the basic things you should know before having a PUPian life.

The struggle of a student in queue is a part of every PUPian’s life cycle. We are not private school. Remember that you’re only paying/about to pay Php12.00 per unit in this school, so no matter how hard the situation is, we are trained to be excellent and competitive. And that’s what PUP is all about. Even we lack in modern technology, air-conditioned rooms, functioning facilities, and a lot more, PUPians learn to work from nothing, to produce EVERYTHING!

A long, tiring, and stressful line in the PUP system only symbolizes this idea. It’s doesn't really matters how you win the line by finishing first, but the heart that keeps on pushing until you finish it is the real deal.

Good luck in the journey young bloods!

Biyernes, Disyembre 26, 2014

Sulat Sa Kabayo

12 / 26 / 14

Alam mo, napakarami kong gustong ipagpasalamat sa'yo. Masyado atang maraming nangyare sakin. Masasaya, malulungkot. Natural. Lahat naman ata ganun. Kahit ata yung oregano namin sa paso, maraming masasabi kapag tinanong kung kumusta yung isang buong oras niyang kasama ka.

Ewan ko ba. Pakiramdam ko kase, parang nauubos na yung oras. Parang sa tuwing matatapos ang isang araw, feeling ko mauubos na rin ang hangin. Parang anu mang oras, kukunin na ako.. tayo ni Lord. Hindi naman sa nananakot, pero ang lakas ng pakiramdam ko na malapit na yung ‘end of the world’ na sinasabi nila. Kaya siguro ganun na lang kung namnamin ko yung mga nangyayari sakin. Malay ba natin, baka nga magkatotoo yung pakiramdam ko. Kailan pa ba natin matututunang i-appreciate ang mga bagay? ‘Pag ‘end’ na nga? O kapag lupa na rin tayo kagaya ng mga nasa paso ng oregano?


Hindi pa nga tapos ang taon, medyo senti na ako. Pasensya ka na. Wala na kasi akong panahong magdrama kapag lunod na ako sa mga pagkain at videoke sa pag-alis mo. Kaya hangga’t kaya ko pa, konting throwback muna.


12 / 27 / 14

Nag-coconspire ang universe para hindi ako makagawa ng homeworks. Parang lahat, gumagawa ng paraan para ipagpa-bukas 'tong mga gawain ko. Bahala na. Nahawa na rin ako sa kaklase ko sa linyang 'nag-coconspire ang univerese'.

Naisip ko rin, 'wag ko na kaya ikwento sayo isa-isa ang mga nangyare? Kung araw-araw kase throwback ang gagawin naten, medyo scripted yun. Basta anything goes nalang, okay?

Wow. Lufet. Ang ningas-kugon ko.. talaga! Parati nalang ganito. Yung mga nauuna kong plinano, nauuwi sa drawing. Sa umpisa lang ako madalas magaling. Ang saya. Pasensya ka na ah? Naiinis pa naman ako minsan sa mahal ko kasi ang ningas kugon niya. Tapos ako rin pala ganun. Soulmate? Yiiee. Lul! Walang poreber! ‘De biro lang.

Hindi ko lang din siguro maiwasang hindi malungkot kapag may mga taong nakokornihan sa mga gusto ko, lalo na kapag sila mismo eh mga mahal ko sa buhay. Yung pakiramdam na pinagtatawanan nila kase panget daw yung pinili mong magandang damit para sayo. Parang ganun yung feeling. Eh wala eh. Mahal ko ang art. Mahal ko ang Pinas. Makornihan na ang makornihan pero ayun ako eh! Tangina! Akala ba nila madali magmahal ng 7,100 islands? Siyempre kasama na run ang pagtanggap sa mga tao at sistemang mayroon ito. Yung reyalidad na naririto, dapat mulat ka kahit papaano. At higit sa lahat, dapat may pakialaam ka sa lahat ng ito! Hindi lang basta pakialam, dapat may pangarap ka rin para sa kanila.. sa kanya. Hindi naman ako perpekto. Nasasaktan lang ako kapag pakiramdam ko, kaunti nalang ata kaming naghahanap-buhay para may makain ang Ina.

Taon-taon nalang sinusubok ang Pinas no? Kapag umalis ka kaya, ano nanamang pasalubong ang dala ng kapalit mo sa Ina? Malakas na bagyo? Sakit? Dagdag na gulo at giyera? Mas maraming droga? Mas maraming alien pero dagdag din na bilang ng professional tambays?


Ayoko nang maging ningas-kugon. Gusto ko rin talagang maging simula ng pagbabago. Pero hindi puro simula. Gusto ko yung matatapos!

1 / 1 / 15

Namiss mo ba ako?

‘Wag ka mag-alala, mamimiss din kita..

Pasensya na kung hindi ako nakasulat sayo.. hanggang sa nakaalis ka na pala..

Ni hindi manlang ako nakapag-paalam..

Maraming nangyare sa nagdaang mga araw. Natapos namin at naging successful ang ambush outreach. First time ko ‘to. Gamit ang isang sasakyan, inikot namin ang mga kalapit na kalye sa loob at labas ng cubao para i-ambush ang mga makikita naming taong grasa at pulubi, para bigyan sila ng kakaunting damit at pagkain na nakayanan namin. Masarap sa pakiramdam. Lalo na kapag nakikita kong mga bata ang natutulungan ko. Wala akong karapatang magreklamo sa kakapiranggot na hirap na nararanasan ko. Eh sila nga, karton lang ang sapin sa gabi e, minsan nga wala pa. Masaya pero malungkot din. Sana nga talaga eh mas marami pa akong tulong na maibigay sa kanila. Pero sa tuwing maaalala ko si Lola nung isang araw, napapangiti ako. Siya at ang mga kagaya niya, ay 
simbolo ng mga pagsubok na araw-araw din nating nalalampasan sa tulong ng Maykapal.

Maraming nangyare pero ito talaga yung paborito kong ikwento sa’yo. Kung paanong ang mahihirap na kagaya namin ay sumusulat na sari-sarili naming mga istorya. Sila(kami) kasi ang sumasalamin sa pagdaan mo. Bago ka dumating, may kahirapan na. At hanggang ngayon, kitang-kita paren kung paano kami pinapahirapan ng sumpang ito.

Walang perpekto. Katulad ng sulat kong ito. Irregular nga kung sabihin ng iba. Baka nga kung mabasa man ito ng ibang tao, awayin ako para sa mga mali-maling spelling at pag-gamit ko ng grammar. Pero wala akong pake. Ito talaga ang gusto kong sabihin eh. Medyo magulo ang konstruksyon pero hayaan mo na. Sorry na bh3.

Hindi na akong umaasang mawala ang kahirapan. Sana nga lang, dumating na si Lord. Hindi man literal, kundi sa puso ng bawat tao. Tulad ni Lola, natutunan kong hindi ang ‘end of the world’ or end of your life ang katapusan ng mga problema naten. Lahat yan pagsubok lang. Hindi naten kailangang antayin si Lord na bumaba sa langit. Kase simula palang nung una, kumakatok na siya sa puso naten. Ang kailangan nalang nating gawin ay papasukin siya at hayaan siyang maneobrahin yung lahat-lahat ng mayroon tayo. Ewan ko ba. Bakit kapag si God ang pinag-uusapan, ang korini no? Ganyan din ako dati. Pero unti-unti natututunan ko siyang patuluyin. Oo hindi ako perpekto. Baka nga murahin ako ng iba kapag nabasa ‘to eh. Wala na rin akong pakialam. Pero sana.. sana nga lang.. yung kasunod mo, dalhin kaming lahat papalapit sa Ama please? Sana.

Anyway.. Kung nasan ka man ngayon, ikumusta nalang ako sa mga dating bumisita sa amin ah! Noong bagong dating ka, nailuha ako habang nanonood ng fireworks, kasabay ng bagong hope sa future. Ngayon namang umalis ka, naluha nanaman ako. Naiyak ako sa yakap ng isang kaibigan. Binulong niya, “..hindi naman pwedeng hindi ko batiin ang kapatid ko..” Simple lang no? Naiyak ako kasi itinuturing niya talaga akong kapatid.. NILA—ang mga kasama ko sa simbahan. Naging mas malapit din ako sa Ama dahil sa kanila. Masaya na kapatid ang turingan namin. Sana’y mas maging matatag pa kami sa hinaharap. Bigla ko tuloy naalala yung iba kong circle of friends.. Namimiss din kaya nila ako? Naalala? Tinuring na kapamilya hanggang ngayon? Mahirap sabihin. Pasensya na. Tagdrama talaga ako tuwing ganitong panahon. Basta ako, mahal na mahal ko silang lahat!

O sige na. Wala nang maayos na kwento itong mga pinagsasabi ko. Paalam sa’yo 2014! Hello there naman sa’yo kaibigang 2015! Bati tayo ah? Mahaba-haba pa’ng biyahe naten. Tara!


--Pepay

Lunes, Nobyembre 24, 2014

Para Sa Mga Ututin

Para Sa Mga Ututin

Magkakaiba ng magulang, pero higit pa sa magkakapatid ang turingan.

Maraming sinasabi ang mga linyang ‘yun. Minsa nga, naiisip ko kung hanggang kalian kaya kami ganito. I mean, sabi nila, lahat daw nagbabago. Magbabago rin kaya sila? Mawawala? Manlalamig ng tuluyan? Yung tipong one day bigla ko nalang maiisip, “Iniisip din kaya nila ako? Kame?”

Mahirap kasi eh. Masakit umasa. Walang poreber. Joke. Pero kidding aside, naranasan ko na kasi yung sakit maiwan ng kaibigan eh. Wait correction—PAMILYA, hindi lang kaibigan. Oo, pamilya. Iba kasi ako magmahal eh. Sobrang naattach ako. May times na masungit ako, or poker face, o parang walang pake. Pero ang tototo ay, pinagmamasdan ko sila palagi. Mananahimik lang ako sa isang tabi pero masaya kong tinititigan silang lahat. Simple lang. Pero minsan lang yun. Mas madalas akong pasimuna ng gulo, ng kalokohan. Madalas bully ako sa kanila. Aminado ako. Kasi mahal ko sila.

Kaso masakit talaga umasa.

Ang hirap maattach kasi nga naranasan ko nang maiwanan ng mga itinuturing kong pamilya. Ang epekto saken? Bukod sa araw-araw na pagdaramdam kung anu bang mali sa akin, nirereserve ko rin yung sarili ko sa mga bagong circle of friends ko. Parang sa romantic love lang. ‘Pag nasaktan ka na, mag-iingat ka na diba? Ganun din dito. Kaya siguro mas tahimik ako, mas masungit, o mas seryoso kapag kasama nila.

Mga ilang araw na rin akong malungkot dahil nga dun sa mga pamilya kong pakiramadam ko ay lumalayo unti-unti saken. Kahit nakakalimutan ko, ‘di nawawala yung sakit eh. Oo na, madrama na ako. Pero ganun talaga eh. Siyempre feel na feel ko kasi nga mahal ko sila. Ang hirap libangin ng puso sa mga ganun sandali eh. Lahat na ginagawa ko para lang makalimot saglit pero dahil nga madrama ako, wa epek. Kaya hanap parin ako ng hanap ng pampalibang para kahit papano, mawala yung feelings na ‘to. Kairita.

At dahil nga naghahanap ako ng pampalibang e sumama na ako sa overnight ng mga ututin. Ayokong dumating sa point na maisip ko na panakip-butas lang sila kaya ako sumama. Mahal ko rin naman sila. Kaso nga lang, wala na ako sa mood kasi nga diba, malungkot? Umaasa akong sa kanila ko ulit mahahanap yung same joy na natatanggap ko tuwing magkakasama kami, sa tuwing naamoy at naririnig namin ang utot ng isa’t-isa. Kahit na medyo reserved nga ako sa kanila, gusto ko parin sila kasama. Kaya go!

Actually, dagdag lungkot din pala ‘to kasi di naman pala lahat makakasama. 13 kami pero mukhang 4 lang kaming matutuloy, kasama na run yung may-ari ng bahay partida. Badtrip. ‘Di ko naman sila masisi kasi may kaniya-kanya kaming priorities. Pero habang nagtatagal ang gabi, ewan ko ba kung bakit pero nawawala na yung pag-eemo na nararamdaman ko. Nadadagdagan ang saya sa tuwing nadadagdagan kami. Oo. Alam mo yung walang pag-asa na kaming dumami? Tapos sa gabi mismo ng overnight ay isa-isang sumusulpot yung mga sasama? Nagkaroon pa nga kami ng journey sa grocery, sunduan w/ pagalit ng nanay ng kasama namin, hanggang pauwi.

Tapos namalayan ko nalang, involuntary na ng ngiti ko..

Ang sarap magwala. Ang sarap sumigaw. Parang sa isang iglap, dininig ni Lord yung panalangin ko. Ang ingay, tawanan, asaran.. lahat yun naririnig at nakikita ko nanaman. Kahit kulang kami, parang unti-unting napupuno yung puso ko ng joy na hinahanap ko. Nakakamiss. Matagal-tagal na rin pala kaming hindi ganito no?

Biyernes noon, ika-22 ng Nobyembre, isang taon na ang nakararaan. Nagtipon-tipon ang 13 mga ututin sa isang farm sa Batangas. Hindi para magkaroon ng ututan sessions, kundi para madiskubre ang kanilang sarili. Tinawag sila ni Lord upang magsilbi. Yep. Kasama sila sa mga napili ng Diyos para bigyan ng extraordinary way para baguhin ang kani-kanilan mga buhay. Sa makatuwid, hindi ito aksidente. Dahil lingid sa kanilang kaalaman, dito na nga magsisimula ang mahaba nilang paglalakbay nang magkakasama sa Diyos.

Pero siyempre, hindi nawala ang ututan sessions.

Umalis sila sa bukirin na iyon na hindi lamang dala ang bagong buhay kundi dala rin ang isa’t-isa. Noon palang alam na nila sa kanilang mga puso na may poreber.

Isang taon na nga pala ang lumipas. Ang bilis bilis bilis bilis! Parang kailan lang nagkaka-amuyan palang kami, ngayon alam na alam na namin ang baho ng isa’t-isa. Oo nga! ISANG TAON NA NGA PALA KAMI! Isang taon ng tawanan, kasiyahan, asaran, kulitan, tampuhan, kainan, at ututan! Siyempre hindi mawawala ang mga selfies at pictures, pero ISANG TAON NA NGA PALA TALAGA KAMI!

Ang sarap talaga isipin. Ang dami-dami na nga namin pinagdaanang mga activities sa simbahan nang magkakasama, mga kainan at celebrations, mga hirap na sabay-sabay nilampasan, at mga groufies na hindi naman lahat inu-upload.

Saka ko naisip na ang istupido ko pala talaga. Nalulungkot ako sa isang bagay sa nasa harap ko na! Nakakainis isipin na nirereserve ko ang sarili ko sa mga ‘to, samantalang eto ako, hindi maipaliwanag ang saya sa tuwing magkakasama kami. Naalala ko tuloy yung isang essay ko rito sa blog. About sa pinagkaiba ng “Joy” sa “Happiness”. Ito yun! Masaya akong naglilingkod sa Ama kasama nila. Masaya akong sila ang naging kasama ko sa paglalakbay na ito. At kagaya ng ibang circle of friends ko, MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KO SILA. At kahit dumating sa point na mayroong manlamig o mawala, MASASAKTAN LANG AKO PERO HINDI AKO AALIS, MAGDARAMDAM AKO PERO MANANATILI AKONG AASA SA PAGKAKAIBIGAN NAMIN. Magkakaiba ng magulang, pero higit pa sa magkakapatid ang turingan!

Kahit bihira lang makumpleto, hindi mawawala ang
picturan. :))
Deanne – Aleng Malakas. Malakas kumain, dumighay, magsalita (from bulong to sigaw malakas), etc. Physically rin, Aleng Malaki rin kasi siya. Pati space sa mga groufies, malaki yung sa kanya. Haha. Bigat-in na Bigat-in. Lahat tito’t tita niya.








Allan – Promil Kid. Kung gaano siya kapayat ganoon din naman kataba yung utak niya. Magaling din mag-volleyball. Palagi kaming tambay sa bahay nila. Konti nalang siguro at ipapa-ban narin kami run dahil sa ingay namin. Hihi.














Hannah – Palagi akong inaaway neto. Joke. Haha. Siya yung bunso namin. Hindi halata sa umpisa pero magkapatid sila ni Allan. Siguro sa volleyball, masasabi mong related genes nga sila. Maganda lalo na yung ngipin at smile niya. Totoo. Kahit ‘di na siya madalas nakakasama sa mga activities, sinisgurado niyang naf’feel yung presensya niya at laging ready tumulong.











Archie – Kapatid din siya ni Allan. Hulaan niyo kung paano. Wahaha. Bench body. Siya kasi yung nag-brief noong *toot*. Mukhang tahimik sa umpisa pero mapagbiro at may tinatagong katalinuhan. Dahil din sa katahimikan niya kaya nalaman na siya ang unang nangpasabog sa *toot*. Noong una ayaw sumali sa pictures. Ngayon kasama na rin sa mga batak sa groufies. Mahilig sa Pic-A.












Kuya Neil – Bukod sa literal na pagiging pinakamalaki, siya rin ang may pinakamalaking gastos sa aming lahat. Hahaha. Malaki rin kasi ang kabutihan at pang-unawa niya kaya ganon. Siya talaga ang kuya naming lahat. Magaling maglead. Magaling makisama sa tao kaya mahal na mahal siya ng lahat.













Jojie – Kabaligtaran ni Deanne at Kuya Neil. Payat-in. Haha. Pangalawang bunso namin. Bestfriend ni Hannah. Pero kahit isa siya sa mga bunso, sobrang responsable niya lalo na sa pagiging ate sa ibang kasama namin sa simbahan. Batak din to sa selfies at groufies.















Epoy - Mararamdaman mo talaga ang presensiya ni Epoy palagi. Pano ba naman. May mga times na makukumpleto na sana pero siya nalang ang wala. Hahaha. Bukod sa pagiging late at absent madalas ay remarkable sa kanya ang pagiging maloko at friendly. Isa sa joy-bearers ng grupo. Magaling kumanta, kaya palaging absent.













Kakay – Ate Kakay, Kathryn Berkanto.. Iisa lang yan. Siya yung pangalawang pinakamatanda sa grupo. Haha. Pwede na rin tong varsity ng selfies. Team Captain pa! Haha. Kalog ‘pag masaya pero seryoso kung seryoso. Responsable ‘to. Ikaw ba naman umattend ng *toot* ng dalawang beses eh. Haha.













MartinAng “KuTe” ng grupo. Baliw pero mapagmahal lalo na sa mga kaibigan. Sobrang joy-bearer. Maraming baong kalokohan. Bakla talaga. Hahaha. Malakas kumain pero ‘di halata sa katawan. Magaling maglaro ng volleyball at sumayaw. At higit sa lahat, No. 1 kontrabida sa buhay ni Twinkle.













Jennevie – ‘Wag na ‘to. Busy sa debut.























Kingrey – Maloko pero mabait. Sinisigurado niyang updated siya kahit minsan e hindi siya nakaka-attend at may pasok siya sa gabi. Reynaldo talaga pangalan niya. Pwede ring  ’bok’. Pero mas gusto namin siyang tawaging KINGREY. Bakit? Kasi siya ang Hari! Wala nang tanong tanong!



















Jennevie – Joke lang yung kay Jen kanina. Hahaha. Loveteam sila ni Kingrey dati. Ewan ko nalang ngayon. Magaling na volleyball player ‘to! Mahaba eh. Hahaha. Magaling din kumanta. Sa umpisa mukhang tibo pero girl at heart. Masiyahin din at makulet sa grupo. Batak din sa selfie.



















Twinkle – TWINKLE! AT LAST. WAHAHAHA. Peyborit siya ng grupo. Oo, peyborit asarin, laitin, pagtawanan, etc. Pero dahil diyan, mas minahal namin siya. Super bait! Hindi siya napipikon sa amin. Buti naman. Kase baka hindi na kami makatikim ng masarap niyang pakwan. Lels. Btw, may record siya ng pinakamaraming utot simula camp hanggang sa kasalukuyan. Hahaha. Siya ang main source ng saya kapag kailangan namin. Kaya mamamatay kami kapag wala si Twinkle. Haha. Bakit nga ba Twinkle? Jessel talaga pangalan niya. Naging Twinkle kasi mali-mali siya kumanta ng Twinkle twinkle little star noong *toot*.



Nagpapasalamat ako ng sobra sa Diyos dahil binigay niya kayo sa akin. Binago niyo ang marami kong pananaw sa buhay. Binagyan niyo ako ng saya puso sa twing magkakasama tayong nagsisilbi. Nawa’y mas maging malakas pa ang ating bond sa isa’t-isa. Walang magsasawang magserve kay God ah?

HAPPY 1ST ANNIVERSARY JAMTOTS! 3rd Day, last day. Huhu. Sana makumpleto na ulit tayo. Hanggang sa muli! Mahal ko kayo! J

facebook.com